Chapter 14 - Bring back Memories

442 142 44
                                    

Naayos naman agad ang sasakyan. Kaya nakabiyahe na uli kami.

Naisip ko lang. What if maalala niya na ang nakaraan? Tapos maalala niya na more than friends pala kami? Magagalit kaya siya? May pakialam pa ba siya?

Tapos tinanggap ko pa ang alok niyang friendship. Pinapahamak ko lang ang sarili ko. Masokista na ba ako?

“Yey! Sasakay na tayo ng yacht!” Excited na sabi ni Yhast.

Inalalayan naman kami ng mga boys paakyat ng yate. Gentlemen daw eh.

“Thank you Carl,” nginitian niya lang ako.

Ang sarap talaga ng hangin kapag nasa dagat. Fresh eh.

Enjoy talaga ako tuwing pupunta kami ng isla. Mapapalibutan na naman kasi ako ng dagat.

I love beaches, oceans and seas. I really loved them. I don’t know why but I always felt comfortable whenever I see it. It calms me.
I’m just sitting here. Sa tabi ng dagat. Hindi ko alam kung bakit pero mahal ko talaga ang dagat. Masaya ako kapag na’ndito ako. Kaya nga minsan inaasar nila akong sirena. Natatawa na lang talaga ako.

Hindi ako lonely at hindi ako nag-eemote. Gusto ko lang talagang pumunta dito ng mag-isa para damhin ang katahimikan ng paligid at para langhapin na rin ang hangin na galing sa dagat.

Gabi na rin kasi. Kaya malamig na ang hangin.

Tumingin ako sa langit. Maraming bituin. Sa sobrang dami, hindi natin kayang bilangin.

Sila ang nagpapaliwanag ng gabi para sa’kin. Bukod sa buwan. Bukod sa mga ilaw na galing sa mga gusali, bahay at daanan.

Magandang tingnan.

“Beautiful.” Napalingon naman ako sa nagsalita. Nakakagulat naman kasi. Bigla-bigla ba namang sumulpot.

Akala ko nga ako ang sinasabihhan niya pero nakatingala rin siya sa langit gaya ng ginagawa ko kanina.

Hmmm…” Umupo siya sa tabi ko.

“Ba’t ka naandito? Hindi ka pa ba papasok sa loob?” Tumingin ako sa kan’ya. Ngayon lang kami nagkausap nang kaming dalawa lang.

“No, gusto ko lang tumambay dito,” tumango lang siya. Nakatingin ng deretso sa dagat.

“Bakit ka pala andito?” Niyakap ko ang mga binti ko.

“Boring sa loob.” Tiningnan ko na lang ang dagat.

“You really love oceans, right?”

“How did you know?” Natawa naman ako. Marami talagang nakakapansin no’n.

“Based on my observations. Sa tuwing pumupunta tayo sa isla, lagi kitang nakikita dito. Sa tabing dagat.” Natawa nanaman ako. Napapansin niya din pala ako?

“You’re a good obervant, Mr. Madrigal,” pumalakpak pa’ko.

“Yeah, I know.” Natawa kami pareho.

Atleast ngayon, hindi na awkward kapag nakakasama ko siya. Hindi kasi talaga kami close. Ngayon lang nga ang pinakamatagal na nagkatabi kami… At nagkausap.

Maaari Pa Nga Ba?[Infinity Love Series #1] (Published In Ukiyoto Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon