Sally's POV
This is my dead end. Ito nga siguro ang tadhana ko. Dinala na nila ako sa isang selda na walang ibang tao kundi ako.
Mabuti na lang.
Hindi ko maiwasang maiyak.
Sa lahat ng nagawa ko,ito na siguro ang kabayaran. Sadyang nagpadala ako sa galit ko kay dad at inggit kay Tristan. Hindi ko na inisip kung may madadamay na iba.Papunta ako ngayon sa company. Bibisitahin ko sana si dad. Sana lang talaga hindi ko makita si Tristan. Ayoko siyang makita!
We never been close. Ayoko nga.
Naglakad na ako papunta sa office ni Dad.Maraming employee ang bumabati sa'kin. Hindi man nila alam na anak ako ni Dad pero ang alam nila ay inaanak niya ako. That's why we're closed.
Excited akong lumapit sa pinto.
Dala ko ang favorite caldereta niya. Sariling luto ko ito kaya proud akong ipatikim sa kaniya. Nagpaturo pa nga ako kay Mom ng ilang araw para magkaroon lang ng alam sa lutong ito. Ngayon, sariling version ko ito.Kakatok na sana ako pero nakaawang naman ito. Papasok na sana ako pero narinig ko ang seryosong usapan nina dad.
"Dapat siya ang hahawak ng isang kumpanya ‘di ba? Right niya 'yon as your child." Sabi ng kausap ni dad.
Mukhang nagtatalo ata sila."But she don't have the capability to handle the company. Isa pa, masyado pa siyang bata." I wonder kung sino ang pinag-uusapan nila.
Who's she? Wala naman ng kapatid si Tristan. Ako lang naman. Posibleng ako ang tinutukoy ni dad.
"Pero si Tristan din naman—" Dad interupted him.
"Dahil babae siya at lalake si Tristan. He will handle it. I'm hundred percent sure. I trust my son." Habang binabanggit 'yon ni dad ay nadagdagan lamang ang inggit ko kay Tristan.
"Wala kang tiwala sakaniya?"
"Wala." Parang tinusok ng milyong karayom ang puso ko. It really hurts.
Iyon na ata ang pinakamasakit na salitang sinabi niya sakin. He said that not in my front nor intentionally but that's fvcking hurt me.
"Wala pa akong tiwala..."
"Saka ayokong madamay siya. Masyadong delikado kapag siya na ang namahala. Makatatanggap siya ng mga death threats, ayokong ma-trauma siya. She's my unica hija. I don't want to put her in danger."
Hindi ko na narinig pa ang sinabi niya. Hindi ko na naintindihan. Mas mabuti na siguro. Baka ikasasakit ko lang din naman. Madadagdagan lang ang sakit.
Iyon na siguro ang pinakamasakit na salita na ayaw na ayaw marinig sa isang ama. Ang wala itong tiwala sa'yo.
Umalis na ako roon. Iniwan ko na lamang ang niluto ko para sa kaniya. Sana lang ay kainin niya at huwag akalaining isang death threat.
Nagtataka man ang ilan sa mga employee na nakasalubong ko pero hindi ko na lamang ito pinansin.
Umpisa noon, hindi na ako lumapit pa sa kaniya, sa kanila. Hindi ko na rin pinauunlakan ang mga imbitasyon ni dad kapag mamamasyal.Ako na mismo ang gumagawa ng paraan para hindi niya na kailangan pang magsayang ng oras sa isang anak lang sa labas.
Inaamin ko na naandito pa rin ang galit at tampo ko sakaniya.
Pero sa tingin ko, kailangan ko lang siyang makausap para maliwanagan ako.
Binuksan ng isang pulis ang selda.
"May gustong kumausap sa'yo..." Sabi ng isa sa mga pulis.
Pinosas ng isa ang kamay ko. Lumabas na'ko para harapin ang taong nag-abala pang puntahan ako rito.
Nang makita ko ang taong tinutukoy nila ay hindi ko alam kung maniniwala ba'ko.
Hindi ko inaasahang siya ang bisita ko.
"D-dad?" Napangiti ako nang makita siya.
Ito na nga siguro ang tamang pagkakataon. Masyadong maaga pero ayos na rin.
Hindi ko man lang mabasa ang reaction niya. Alam kong galit siya. Pero sana kahit konti, may saya rin siyang nararamdaman na makita ako. Pero mukhang malabo. May kasalanan ako.
Umupo ako sa upuang nasa tapat niya.
"B-bakit... Kayo na'ndito?" Yumuko na lamang ako nang makalapit.
Isa akong kahihiyan sa kaniya. Anak na nga lang sa labas, isa pang kriminal.Wala pa rin siyang kibo.
"Iwan niyo muna kami," utos niya sa mga pulis na nagbabantay. Wala naman silang naging reklamo.
Pagkaalis nila ay tumayo siya. Kinakabahan ako.Alam kong napakasama kong anak at kapatid. Sobra-sobra ang nagawa kong kasamaan lalo na sa totoo niyang anak.
I'm really sorry!
Hinanda ko ang pisngi ko. Kung sasampalin niya man ako, handa akong tanggapin 'yon. Kung 'yon ang paraan para mailabas niya ang galit sa'kin.
Lumuhod siya.
Sa halip na sampalin o saktan, niyakap niya ako.
"D-dad?"
"I'm sorry anak, alam kong nagkulang ako sa'yo. Nagkulang ako bilang ama. Hindi ko naibigay sa'yo ang buhay na nararapat sa'yo anak." Naramdaman ko ang pagtulo ng luha ni dad sa damit ko.
Umiiyak siya at humihingi ng tawad? Sa'kin? I should be the one asking for his forgiveness.
"Mahal kita anak, okay? Pasensya na kung naisip mo na hindi. Patawarin mo'ko, anak." Mas humigpit ang yakap niya sa'kin.
"Ikaw lang ang prinsesa ni Daddy pero hindi ko man lang naprotektahan at naalagaan." Bumitaw na siya sa pagkakayap. Hinawakan niya ako sa dalawang braso.
"Anak, patawarin mo si daddy... Hindi ko intensyon na iparamdam sa'yo na hindi ka belong sa pamilya anak. Mahal kita..." Ramdam ko ang totoong pagmamahal ng isang ama.
May gusto lang sana akong itanong. Ngayon na gumaan na ang pakiramdam ko, gusto ko na lamang na maliwanagan."D-dad, kung ganoon, ba-bakit wala kayong tiwala sa'kin sa pagpapatakbo ng kumpanya?" Gusto kong malaman ang malinaw niyang dahilan.
"Anak, hindi sa wala akong tiwala sa kakayahan mo. May dugo kang magaling sa pagpapatakbo ng malaking kumpanya kaya walang duda sa kung mapapatakbo mo ang kumpanya nang maayos. Wala lang akong tiwala na kakayanin mo ang mga death threats na matatanggap mo kapag ikaw na ang may hawak." Nag-aalala lang pala siya sa kaligtasan ko.
"Nakita mo naman kung gaano karami ang natatanggap ng kuya mo diba?" Nakokonsensya ako.
Saksi ako sa naranasan niya pero dinagdagan ko pa dahil sa pagiging selfish ko."I'm sorry... Dad." Tumingin ako sa mga mata ni dad.
"I'm sorry, dahil imbis na kunin ko ang tiwala niyo at patunayan ang kakayahan ko, iba pa ang ginawa ko. Dad, thank you kasi naiintindihan mo'ko. I'm not expecting na hindi kayo magagalit." Nang ngumiti si dad sa'kin, biglang nabuhay ang matagal ko nang patay na puso. Nakaramdam ito ng matinding saya.
"Handa na ang pampiyansa. Maghintay na lamang tayo at makalalabas ka na rin." Masaya akong marinig 'yon kay dad pero hindi 'yon ang nararapat.
Kailangan kong pagbayaran ang mga ginawa ko. Kailangan kong matuto at mabigyan ng leksyon.
Hinawakan ko ang kamay ni dad.
"Huwag na dad. Kailangan kong pagbayaran ang mga nagawa ko. Pagbalik ko dad, babawi na lang ako. Ngumiti ako sa kaniya para sabihin na ito ang desisyon ko. Ito ang tamang gawin."Pero anak," umiling ako.
Buo na ang desisyon ko."Dad, ngayong okay na tayo. Gusto ko, maging okay na rin kami ni Lord. Kailangan kong magbagong buhay. Sa pamamagitan nito dahil ito ang unang hakbang para sa pagbabago ko dad." Walang sabi niya akong niyakap.
May ngiti man sa labi niya ramdam ko pa rin ang lungkot.
"Inaasahan ko 'yon, anak..."
BINABASA MO ANG
Maaari Pa Nga Ba?[Infinity Love Series #1] (Published In Ukiyoto Publishing)
Chick-Lit[ C O M P L E T E D ] (Published in Ukiyoto Publishing) Paano kapag mahal mo pa rin pero hindi ka na maalala? Paano kung siya ay may iba na, samantalang ikaw ay nag-iisa pa rin? Paano kung matagal na kayong tapos pero ikaw itong umaasa pa hanggang n...