Chapter 3 : Questions

880 265 122
                                    

Trixx' POV

"Paano kung magkita ulit kayo?" Seryosong tanong ni Sam sa’kin out of nowhere.

"Nino?" Tanong ko sakaniya kahit alam ko naman na kung sino.

"Alam mo na ang tinutukoy ko " Sabay tingin sakin.

"Sam, bakit mo ba kasi naitanong yan?"

Pero pano nga ba? Hindi naman talaga imposibleng mangyari 'yun kasi sa isang mundo lang naman kami nakatira.

Ano ba ang magiging reaction ko?
Iiyak?

Matutuwa?

Magagalit?

Maiinis?

Hindi ko alam. Halo-halong emosyon siguro ang mararamdaman ko.

"Wala lang, so paano nga?"

"'Di ko alam Sam." Seryoso kong sagot.

"Handa ka na bang makita siya?"
Kinabahan naman ako sa tanong niya.

'Yan din 'yung tanong ko sa sarili ko. Kung handa na nga ba akong makita siya. Kung handa na ba akong makaharap siya.

"Hindi pa... hindi pa ko ganoon kahanda... Pero sa tingin ko darating din ‘yong time na 'yon. 'Di ngalang ngayon but someday....
'Yung totoo ? Ba't mo natanong?" Nagtataka na talaga kasi ako.

Nitong mga nakaraan kasi napapadalas na siyang magtanong sa'kin ng mga questions about doon— about sa past na pilit ko ng kinalilimutan.

Bigla naman siyang tumayo at nagpaalam na bibili lang daw ng lunch.

'Yon ang nangyari noong nakaraang araw. Ngayon naman tinatanong ako ni Sam na kung mahal ko pa raw ba si— basta. Ang sagot ko naman ay 'di naman nawala pagmamahal ko para do'n, 'di nga nabawasan kahit kaunti lang, pero syempre three years na rin naman ang nakalipas kaya nasanay na'ko na wala ang presensya niya... at hindi niya naman na kasi ako maaalala.
Pero yung sagot ni Sam sa’kin ang tinamaan talaga ako at binigyan ako ng pag-asang mababalik ang dati sa'min.

"’Yong utak pwedeng pwede makalimot, pero ‘yong puso?
Hinding-hindi magagawa 'yon."
"Good morning to my always stressed bestfriend named Trixxie Marie Gonzalez!” Nakangiti pang bati niya sakin.

"Hayyy, kailan ka ba matututong kumatok Sam? At nanlait kapa talaga ha!" Nakahawak sa sintido ko at pailing-iling na sabi ko pa sakaniya na para bang stress na stress talaga.

Natatawa na lang talaga ako sa ganitong eksena palagi.

"Gandang bungad best... Agang- aga stress ka. Nakakapangit yan teh!" Sabay halakhak pa.

Aba!

Pinagdiinan talaga 'yung pangit eh 'no..

".... At saka nga pala Trixx hindi dapat gan'yan bumati sa mga dyosa like me."

Bumalik na ang dating Sam.
Ang mahangin.

Makulit.

Madaldal.

At... Abnormal.

"Trixx, kung sakaling may hindi ako nasabi sayo o sabihin nalang natin na hindi ko masabi… magagalit ka ba sakin?"

Parang kinakabahang tanong niya pa sa’kin.

"Alam mo Sam... Hindi... Hindi ako magagalit kahit ano pa 'yan. Alam ko may rason ka kung bakit 'di mo masabi. Siguro magtatampo lang ako pero 'di magagalit... at saka 'wag kang mag-aalala 'pag nagkakatampuhan tayo nagkakabati naman tayo agad eh." Nakangiting sagot ko.

Ngumiti siya ng pagkalapad lapad at yumakap sakin.

"Nagdadrama ka na naman Sam" sabi ko. Pareho kaming natawa.

"Oh, Anong trip mo at nandito ka?"

"Pinapalayas mo na ba ako ha?" Sabay pout pa niya.

"Ano nga?" Sabay tingin ko sakaniya.

Andami ko kasing inaasikasong papeles.

Ang busy ng life ko ngayon.
"HAHAHA! Wala kasi akong magawa sa bahay so heto ako basang basa sa ulan... echosss! Heto ako sa opisina mo mangungulit. HAHAHA!"

Napailing nalang ako.

Kita mo itong babaeng 'to. Walang ibang ginawa kundi maglakwatsa lang.

Nagkwentuhan lang kami about sa mga happenings sa life namin ngayon.

Napag-usapan din namin 'yung darating na Highschool Reunion this December. July pa lang naman so may 5 months pa para magprepare sa darating na celebration na 'yon.

Syempre napagdesisyunan naming pumunta ni Sam.

Nang maggabi na nagdesisyun na kaming umuwi.

Pagpasok ko pa lang sa entrance ng building ng kumpanya, bulungan— well sabihin nalang natin na chismisan ng mga ibang empleyado namin ang bumungad sa’kin.

"Uy nabalitaan mo ba? Ang gwapo daw ng bagong namamahala ng Imperialle Company.." Ewan ko kung ano ang name niya, I already forgot.

"Oo nga teh!!! ‘Di lang gwapo, hot at gorgeous kun'di mabait pa!" Kinikilig na sabi ng isa niya pang kausap.

"Yiiihhhh! Ang gwapo niya nga talaga." Pagsang-ayon naman ng isa pa na may tinitingnan pa sa cellphone niya. Picture siguro ng tinutukoy nila.

"Sinabi mo pa. Ngalang... Engaged na daw si Mr. Madrigal! Huhuhuhu!"

Natigilan naman ako nang marinig ko 'yung apelyedo na binanggit ng isang empleyado.

"Pero balita ko 'di pa sila kasal at 'di naman nagkaroon ng anak sa live-in partner niya kahit 3 years na silang magjowa.."

"Bakit daw?"

"Kasi may sakit daw sa puso ang jowa kaya baka 'di makasurvive kapag nanganak. Saka 'di pa naman kasal kaya mukhang may chance pa tayo mga 'te... Hehehe!"

"Oo nga.. hehehe!"

"Ayy.. G-good morning po m-maam Trixx. " Gulat ang isang napatingin sa gawi ko.

Bati sakin ng isa sa kanila.

Napansin niya siguro na naandito ako.

Nginitian ko sila at nagpunta na sa opisina ko.

Maybe it’s coincidence... 'Di naman siguro siya 'yon.

Maaari Pa Nga Ba?[Infinity Love Series #1] (Published In Ukiyoto Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon