Chapter 21 - The Kiss

322 95 15
                                    

Trixxie’s POV

Hindi ko pa rin makalimutan ‘yung nangyari kanina.

Bakit kailangan pang mangyari 'yon? Torture talaga!

“Trixx, kakain na.” Sabi ni Sam sa labas ng tent.

Pagkatapos kasi ng nangyari nagpaalam akong matutulog muna dahil medyo masakit pa ang ulo ko. Pero ang totoo gusto ko lang talaga iwasan si Tristan.

How I wish, na mabalikan ‘yung time na ‘yun…

Ibig kong sabihin… Bumalik sa panahong ‘yun at baguhin ang pangyayari.

Nasapo ko ang aking ulo.
Isang katangahan na naman.
Paano ako haharap sa kaniya?
Sobrang awkward!

Aahhh!

Nagdalawang-isip pa ako. Lalabas ba ako o mamaya na lang?

Magtutulog-tulugan na lang muna ako.

Hindi ko talaga kayang lumabas muna.

Pahuhupain ko na muna ang hiya ko.

Napailing pa ako bago humiga ulit. Kailangan kong maging artista ngayon. Hay.

Ipinikit ko ang mata ko.

Pinapakiramdaman kung may papasok.

Sana wala.

Grabe ang kaba ko nang muntik na akong mahulog.

Pahamak na lupa.
Mabuti na lang at naging alerto si Tristan.

Bigla akong may naramdaman kuryente. Kuryente sa katawan ko.
Napatingin ako sa braso niyang nakapulopot sa bewang ko.

Ewan ko ba pero may kiliti akong naramdaman. Kinikilig ba ako?
Inangat ko ang mukha ko. Saktong inilipat niya ako ng pwesto kaya hindi sinadyang magdampi ang labi niya sa labi ko.

Agad naman niyang nailayo.
Kahit sandali lang ‘yon ay pakiramdam ko tumagal ng ilang minuto.

Bakit ganon? May epekto pa rin.

“I’m sorry.” Natauhan lang ako nang magsalita na siya.

Hindi ko na alam ang dapat sabihin.

Alangan naman sabihin kong ayos lang? O ‘di kaya sampalin siya?
Wala na akong maisip kaya tumakbo na lang ako.

Kasabay ng pagtakbo ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Pagtibok ng puso ko muli para sa isang tao na hindi na dapat.

Napailing ako nang maalala ‘yun.
Sobrang nakahihiya.

Pahamak talagang lupa.

At puso.

Natigil ako sa pag-iisip nang maramdaman na may papasok.

“Trixx, kakain na. Gising na,” kinalabit pa ako ni Sam.

Nagtulog-tulugan lang ako.
Hindi ko siya pinansin.

“Uyyy,” ulit niya pa muli.

“Hindi pa rin siya gising?” Narinig ko ang boses ni Alex.

“Hindi pa,” sagot naman ni Sam.

“Hayaan na muna, hang-over talaga.” Saad na lamang ni Alex.

“Kain na muna.” Inaya siya ni Alex.

“Sige, susunod lang ako.” Naramdaman kong may lumabas.

“Trixx, kain ka na mamaya. Alam kong gising ka.” Tinapik niya muna ako. Bago ko naramdamang tuluyan na siyang umalis.

Pinikit ko lang ang mga mata ko.
Mamaya na lang ako kakain. Hindi ko talaga kayang humarap sakaniya ngayon.

Ilang minuto pa bago ako natuluyang makatulog ulit.

Tristan’s POV

Naalala ko na naman ang nangyari kanina.

Sobrang bilis kasi ng pangyayari.
Galit kaya siya? Hanggang ngayon, hindi pa rin siya lumalabas. O baka masakit pa rin talaga ang ulo niya?
Natigil ako sa pag-iisip nang maramdamang kinalabit ako ni Stella.

“Hon, magandang maligo ngayon.” Napatingin naman ako kay Stella na nasa tabi ko.

“Hmm?” Tanong ko ulit. Hindi ko kasi narinig ng mabuti.

“Sabi ko, magandang maligo ngayon. Mainit ‘yung tubig,” ulit niya sa sinabi niya.

“Ahh,” napakamot naman ako sa ulo ko.

“Wait? Ano ba kasi ‘yang iniisip mo? Masyadong malalim.” Nag-cross-arms pa siya.

“Wala. Wala naman,” hinapit ko siya papunta sa’kin.

“Wee? Baka mamaya may iba kang gustong kasama ha!” Pinalo niya ng mahina ang kamay ko na nakapulupot sakaniya.

“Wala nga.” Malambing kong sabi.
Hinalikan ko siya sa noo.

“Siguraduhin mo lang,” naka-pout niyang sabi.

“Opo hon!” Ngumiti ako nang pagkatamis-tamis sa kaniya.
Ngumiti na rin siya.

Napahawak naman ako sa sintido ko nang maramdaman ang biglang pagkirot.

Napapikit ako.

“Hon, are you okay? Sumasakit na naman ba?” Bakas sa boses niya ang pag-aalala.

Ilang minuto pa bago ko minulat ng dahan-dahan ang mata ko.

It hurts for the second time. Sa iisang araw lang. Dati minsan lang.
Pagkamulat ko ay nakita ko kaagad ang pag-aalala sa mukha niya.
Hiniwakan ko siya sa kamay.

“I’m okay, sanay naman na ako ‘di ba?” Sabi ko.

I’m already used to it.
Ilang beses ko na bang naranasan.

“You sure?” Hiniwakan niya ang sintido ko at hinilot.

Napapikit na lang ako.

I'm so thankful to have her.
Napangiti ako.

"'Yan, ngumiti ka na, so how are you feeling now?" Tinigilan niya na ang pagmasahe.

Minulat ko na ang aking mata.

"Feels better. It's because of you and your masahe skills," then we both chuckle.

Nilapit ko ang mukha ko sakaniya. Then I kissed her.

Suddenly I remembered something, someone rather.

Our kiss. Her lips.

Maaari Pa Nga Ba?[Infinity Love Series #1] (Published In Ukiyoto Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon