Chapter 7 : Pupunta o Hindi?

640 219 42
                                    

Ano na ba ngayon? Sabado. Sa susunod na week highschool reunion na namin. Ninerbyos na nga ako eh. Magkikita kita na ulit kaming lahat.


Makikita ko na ulit yung lugar kung saan kami nag-umpisa
Iniba na kasi ang date ng reunion pina-aga na nila. Dapat kasi December pa pero ginawa na lang na September hindi raw kasi busy ang mga tao ngayon unlike me. I’m super busy.


Yes. It’s September na. Ang bilis lang ng panahon ‘no? Hayst. Tumatanda na naman tayo.


Anyways am I ready?


Sa tingin ko hindi pa. Pero kailangan kong harapin ‘tong takot ko na harapin ulit ang nakaraan. Baka ito na ‘yung sign na kailangan ko ng mag-umpisa ulit.


Pupunta kaya siya?


Hindi ko alam. Sana. Sana hindi.
Paano kung pumunta siya?


Hay. Paano nga ba? Kaya ko na ba siyang harapin ulit?


Ewan ko ba. Hayst!


Matawagan na nga lang si Sam.


[“Napatawag ka Trixx? May problema ba?”]


“Baliw. Porket tinawagan kita may problema na agad? ‘Di ba pwedeng gusto ko lang?”


[“HAHA. Akala ko lang. BTW bakit ka nga napatawag?”]


"Busy ka ba ngayon? Gusto ko lang sanang mag-usap tayo. 'Di na kasi tayo nakakagala eh. Busy kasi ako these past few weeks."


Sana naman Sam.


Madami kasi kaming kailangan pag-usapan about sa company and about sa nalalapit na highschool reunion.


"Oh. Mukhang may pag-uusapan tayo ah?" Saad ni Sam.


Pumayag nga siya. Basta libre ko lang daw. May bibilhin pa raw kasi siya. Remember the highschool reunion.


"Ah. Order muna tayo. Gutom na kaya ako 'no." Hindi kasi ako kumain sa bahay. Tinatamad akong magluto. Wala rin sina yaya dahil day-off nila.


"Okay. Okay. Gutom narin ako eh." Bungisngis na sabi ni Sam.


Tinawag na namin ang waiter at dali-dali naman kaming pumili— well siya lang pala.


Andito kami ngayon sa isang restaurant. Dumaan muna kami dito kasi gutom na kami.


"About sa Reunion. Hindi ko alam kung pupunta pa ako." Malungkot kong sabi.


Baka kasi makita ko siya doon. Baka hindi maganda ang mangyari. Busy rin kasi ako ngayon sa Company.
Kaya... Baka di ako makapunta.
"Ma'am ito na po ang order niyo." Ani waiter.


Na-serve na pala ang MGA order namin. MGA TALAGA. As in M-G-A. Literal na marami eh.


"ANO???!!!" Sigaw ni Sam dahil sa gulat.


"Uy! Hinaan mo lang boses mo. Parang akala mo naman na sa palengke tayo.”


Napatingin kasi 'yong ilang customers.


"Anong hindi ka pupunta? Kung pinoproblema mo yung damit sasamahan kitang bumili kasi nga bibili rin ako mamaya." Pagkumbinsi niya.


"Partly. Pero hindi lang 'yon. Baka kasi—"


"Makita mo siya at hindi mo alam ang gagawin mo? Babalik lang ang lahat at masasaktan ka lang? 'Wag mo kasing problemahin ang hindi dapat pinoproblema. Okay? Hindi naman siya ang babalikan mo. YUNG SCHOOL.”


Well. May point siya pero kasi...
"Magkikita kami do'n."


"Ano naman? Hayst. Hayaan mo na nga muna ‘yan. Na-i-stress na rin ako eh. Kumain ka na nga. Oh ayan Carbonara!" Sabay lagay niya sa plato ko.


"Saan ba tayo pupunta? Wait lang naman 'no.."


"Pupunta lang naman tayo sa kilala kong pinakamagaling na fashion designer. Yieee! I'm so excited!” Excited niya ngang sabi.


"Ha? Wait, teeeeeka laaang naman oh! Bakit tayo pupunta doon?"


"Magpapagawa ng gown na gagamitin natin para sa reunion party."


Hayyssst. Hindi ko pa naman alam kung pupunta ako doon eh.
Paano na ito?


"Sam, hindi ko pa nga sigurado."


"Walang hindi-hindi. Kailangan mong pumunta. Sinong makakasama ko roon? Saka ma-bo-bored ka lang sa bahay niyo."


"Hind—"


"Hephep! Halika na. Mag-iisip pa kaya tayo ng design sa gown natin."


Kinaladkad niya na nga talaga ako. Muntik na nga akong matipalok eh. Sa pagkabilis bilis kasi maglakad or should I say lakad takbo.


"Sam, maawa ka naman oh. Hinay-hinay lang."

Nagmamakaawang sabi ko. Kamusta naman na yung paa ko?


"Sorry naman. Malapit na tayo."


Nagulat naman ako at huminto na siya. Dito na siguro.


"We're here." Pumasok na kami sa parang botique.


"Hi Samantha hija. Mabuti at nakapunta ka dito.'' Sumalubong sa'min ang isang gay. Siya siguro 'yung may-ari kasi pormahan niya palang alam niyo na.


"Of course tita Kristah. Saka I'm here rin po kasi magre-request po sana kami ni Trixx."


Tita? Mukhang close sila ni Sam ah.


"Ah. What is it?" Tanong niya naman.


"Magpapagawa po sana kami ng gown para po sa upcoming highschool reunion."


"Oh. O sige ba. By the way, hindi mo pa ako napapakilala sa kasama mo." Sabay tingin sakin.


"Ah. Hehe, si Trixx nga po pala. Trixx siya 'yung kinikwento ko sayo noon. Siya si tita Kristah Sandoval. Tito este tita ko siya sa side ni dad.
Ah. Ngayon ko lang siya nakita. Siya pala yung tinutukoy ni Sam na nag-design ng damit naming no'ng JS prom.


"It's nice to finally meet you Tita Kristah." Ngumiti ako dahil nakahihiya naman sa ngiti niyang sobrang lapad.


"Me too. O siya ano ba ang gusto niyong style? Design?"


"Yung bongga tita. HEHEHE." Saad ni Sam.


Napaisip din tuloy ako kung ano ang magandang disenyo at style ang pwede.

Maaari Pa Nga Ba?[Infinity Love Series #1] (Published In Ukiyoto Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon