Chapter 40 - A blessing

250 62 2
                                    

Tristan's POV

I review a text from Trixxie. Hindi siya ang nag-text at 'yon ang nakakapagtaka.

Sinasabing hinimatay daw si Trixxie at dinala niya siya sa ospital. Sinabi naman ang address kaya dali-dali kong pinuntahan.

"How's her?" Tanong ko sa lalake na na'ndoon. Nakita kong tulog pa rin si Trixx.

Wala naman siguro 'tong ginawang masama kay Trixx. Sinipat ko siyang mabuti. Mukhang wala naman itong ginawa.

Binalik ko na lamang ang tingin kay Trixx.

"She's... Fine. Hinihintay pa ang result kung bakit siya hinimatay." Tumango na lamang ako at kay Trixxie.

"I need to go..." Paalam niya. Pinasalamatan ko siya sa pagdala niya kay Trixxie sa ospital.

"No problem." Umalis na siya.
Bakit ka hinimatay Trixx?

"You are the mister?" Dumating ang isang doctor na babae.

Ito na ata ang result.

"Ano pong nangyari? May sakit po ba siya?" Kalmado kong tanong kahit na kabado na talaga.
I don't know pero grabe ang kaba ko. Papunta pa lang ako rito kanina, iba na ang nararamdaman kong kaba.

Ngumiti ang doctor.

What's with the smile?

"There's no need to worry. Normal lamang iyan." Tiningnan niya pa si Trixx.

"P-paanong normal, Doc?" Nakapagtataka naman na normal lamang ang himatayin. Nagpapagutom ba 'to si Trixx.

"Normal sa isang buntis." Ngumiti siya.

A-ano ang sinabi niya?

B-buntis?

"Pardon?" Nabibingi ba ako o nanaginip?

"Buntis po ang asawa mo." Really? M-magiging daddy na'ko?

Tiningnan ko si Trixxie.

Buntis na pala siya? Bakit hindi ko man lang alam? Posibleng hindi niya rin alam.

"Congrats mister, pwede na rin siyang makalabas once na magising na siya."

"Salamat." Tumango ito at umalis na.

Hindi ko masabi kung gaano ako kasaya.

Hindi ko rin ma-explain kung ano ang mga emosyon na nararamdaman ko. Parang naghalo-halo na.

Pero isa lang ang alam ko. Magkakaanak na'ko!

Yes!

Gumalaw ang daliri niya. Gising na ata siya!

I kissed her forehead.

"Nasaan ako?" She asked.

"Andito tayo sa ospital. Hinimatay ka kanina..." Bigla siyang umupo.

Bigla naman akong kinabahan.

"My precious, dahan-dahan naman..." Malambing kong sabi. Inalalayan ko siyang umupo nang maayos.

"Tristan, wala akong sakit." Nagtataka siguro siya sa kilos ko.

"Wala nga," Ngumiti ako sa kaniya at umupo sa tabi niya.

"May good news..." Tumingin siya sa'kin na punong-puno ng pagtataka.

"You're pregnant." Masaya ako sa balitang 'yan.

Unti-unting nanlaki ang mata niya at Napahawak siya sa kaniyang tiyan.

"R-really?" Ngiti-ngiti akong tumango.

Maaari Pa Nga Ba?[Infinity Love Series #1] (Published In Ukiyoto Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon