Chapter 22 - Be His Princess

301 82 16
                                    

Trixxie's POV

Nagising ako dahil sa tunog ng tiyan ko.

Napaupo naman agad ako.

Nasapo ko ang ulo ko. Diretso na pala ang tulog ko.

Nakita kong katabi ko na si Sam at mahimbing nang natutulog.

Maya-maya ay napagdisisyunan ko ng lumabas at magluto na lang.
Hindi ko na talaga matiis ang gutom. Kulong-kulo na talaga sikmura ko.

Medyo antok pa'ko.

Umupo na muna ako sa putol na kahoy na itinumba at ginawang upuan.

Hanggang ngayon may apoy pa rin. May naunang nagising ba? O bago lang natulog.

Pumikit na muna ako sandali.
Mga four pa lang ata ng madaling-araw.

Nayakap ko ang aking sarili nang maramdaman ang malamig na simoy ng hangin.
Hay.

Nag-umpisa na akong mag-ayos ng gagamitin ko sa pagluluto.
Madami namang kahoy kaya hindi magiging problema.

Nawili naman ako sa pagluluto.
Mas lalo tuloy ako nagugutom dahil sa amoy.

Itlog, bacon at noodles lang naman ang niluto kong ulam.

Well, typical breakfast. Saka 'yan lang dinala nila.

Balak siguro nila manakip ng isda mamaya.

"Aga mo atang nagising," sa gulat ko muntik na akong mapatalon.
Napahawak ako sa puso ko. Biglang bumilis ang tibok.

Napahigpit ang hawak ko sa luwag. Alam ko kasing siya ang sa likod ko.
Hindi ko na lang siya nilingon.

"Ginutom na kasi ako." Tipid kong sagot. Hindi pa rin tumitigil sa pagtibok ng mabilis ang puso ko.

"Hindi ka ba gumising kagabi?" Alam kong papalapit siya. Mas lalo tuloy humigpit ang paghawak ko sa luwag.

"Hindi na, masyado talaga siguro masakit ang ulo ko at pagod din." Casual kunyari na sagot ko.

Hindi ba niya ramdam ang ilang? Parang nagka-amnesia ulit siya kung umakto. Kahapon lang nang mahalikan niya ako. Alam ko namang hindi sadya pero syempre! Nakakailang pa rin!

"Ako na lang ang magluto, maupo ka na lang at maghintay." Ramdam ko na nasa likod ko na agad siya.
Masyado na akong kinakapos sa hangin. Masyado kasi siyang malapit.

I just can't let myself felt this.

"No, kaya ko naman. Ayos na ako. Besides, bakit ang aga mo atang nagising?" Pag-iiba ko nalang sa usapan. Kunyari walang awkwardness.

Pagkatapos ba naman ng nangyari kahapon, sa tingin mo kaya ko pang humarap ng maayos sa’yo?
Should I act normal? Or be straightforward?

"Ako na kasi, umupo ka na lang tutal feel ko magluto ngayon." Nilahad niya na ang kamay niya. May magagawa pa ba ako?

Binigay ko na lang sakaniya ang luwag at hinayaan siyang magluto.
Umupo na lang ako sa malapit sa kaniya.

Pinagmasadan ko siya. Wala masyadong pinagbago. Mas lalo lang siya naging makisig at gumwapo. Well, siguro ang tanging pinagbago lang ay hindi na ako ang laman ng puso niya.

"By the way, I'm really sorry for what happened yesterday." Nakatalikod siya sa’kin.

Sorry? You’re always saying sorry.

"Hmm, let's just forget it. Apology accepted." Kahit ang totoo ay hindi.
I just can't move on.

Umiling na lang ako.

"Hey, I'm sorry." Humarap na siya sa'kin.

Tapos na siguro.

"Okay na nga." Natawa naman siya.

"'Wag ka ng uminom ulit." Sabi niya sa'kin.

Napatingin naman ako sakaniya.

"Baka kung saan-saan ka pa makatulog, mahirap na. Saka grabe ka mahang-over." Natatawang sabi niya.

Kumunot na ang noo ko.

"Anong ibig mong sabihin sa 'kung saan-saan makatulog?"

"Nakita kita sa dalampasigan noong nakaraan, knockdown na." He chuckles.

Napanganga na lang ako. Nagsasabi ba siya ng totoo?

"Totoo 'yon," Sabi niya pa.

"So ikaw nagdala sa’kin sa kwarto?" Natanong ko na lang.

Paano ba naman, nasa kwarto na ako nang gumising so malamang may naghatid sakin.

"Nope. Si Carl, kinuha ka niya sa’kin." Simpleng sagot niya.
Ewan ko, pero naramdaman kong may panghihinayang sa boses niya. Nag-i-imagine ba'ko?

Sabagay, parang nanghinayang din ako pero tama lang na hindi siya. Lalo na't lasing ako noong araw na ‘yon.

Napailing ako sa iniisip ko.

"May namamagitan ba sainyo ni Carl?" Napatingin ako sakaniya.
Nakakagulat naman masyado 'yung mga salitang lumalabas sa bibig niya. Saan niya nakuha 'yung ideyang iyon?

Umiling ako.

"Of course none! Walang kami." Umiwas ako ng tingin sakaniya.

"Oh! I just thought." Naglagay na lang siya ng pagkain sa plato niya.
Hmm! Nauna pa sakin. Baka gutom na siya kanina pa.

"Paano mo naman naisip?" Naitanong ko na lang.

Na-curious ako eh.

Binigay niya sa’kin ang plato na nilagyan niya. So para pala sa’kin.

"Oh, mahal na prinsesa." Nakangiting sabi pa niya.

Napailing na lang ako at natatawang kinuha ang plato.
Masamang tanggihan ang grasya.

"Naisip ko lang dahil.... Sa tuwing lumalapit ako sa’yo parang galit siya sa'kin." Sabi niya.

Baliw na Carl. Huwag niya naman sana iparamdam.

"Hmm... Bestfriend ko kasi siya. He's just protecting me, I think." Kumain na lang ako. Kanina pa talaga kasi ako gutom.

"Sa’kin? Hahaha... Bakit? Kaibigan din naman kita so paano kita sasaktan?" Natigil ako sa pagkain.
Sinaktan mo nga ako na tayo na, ngayon pa kayang magkaibigan na lang tayo? Gusto kong sabihin sa harap niya pero huwag nalang.

"No, it's not like that. Overprotective lang kasi talaga siya." Tumango na lang siya.

"I will never hurt you princess," Sabi niya.

Tuluyan na akong tumigil sa pagkain. Tumingin ako sakaniya.
Seryoso siya. Kalmado.

Stop acting like you are my prince, Tristan. Not again.

Maaari Pa Nga Ba?[Infinity Love Series #1] (Published In Ukiyoto Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon