Hindi ko alam kung sino ang gumawa niyon o kung ano man ang dahilan niya para gawin 'yon.
Hanggang ngayon andito pa rin, nararamdaman ko pa rin ang kaba na naramdaman ko nang gabing 'yon.Mukang pati tadhana, hindi sang-ayon sa pangyayari. Sabagay mali naman talaga. Maling-mali ang ma-engaged sa fiance ng pinsan ko.
"Mom, may balita na ba tungkol sa party?" Tanong ko kay mom nang makita siyang may kausap sa cellphone. Hindi maganda ang kutob ko.
"Wala pang nakuhang lead tungol sa nangyari sa party pero.." Bakit parang may masamang pakiramdam ako sa sasabihin ni mom.
"May natanggap na death threat si Tristan kaninang umaga." Bakas ang pag-aalala sa mukha niya.
Napaupo na lamang ako sa sofa pagkatapos marinig ang sinabi niya.Ibig sabihin nanganganib si Tristan.
"Mom, kailangan kong puntahan si Tristan," aalis na sana ako pero pinigilan ako ni mom.
"No! Mapapahamak ka!" Kinuha ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya.
"Kailangan ko siyang puntahan mom," umalis na'ko sa harap niya bago niya pa'ko ulit mapigilan.
Hindi ko hahayaang mawala ulit sa'kin si Tristan. Binigyan na'ko ng isang pagkakataon kaya hindi ko na 'to sasayangin pa.Bakit ba kasi nakatanggap siya no'n? Madalas ba siyang makatanggap ng mga death threats?
Habang nagmamaneho, iniisip ko lang kung ano ang kalagayan ngayon ni Tristan. Sana ayos lang siya.
Pinuntahan ko ang address ng kanilang bahay. Alam kong wala siya roon sa bago niyang address lalo na't wala na sila ni Stella. Apartment kasi nilang dalawa 'yon.
Bumalik sa isipan ko ang kalagayan ni Tristan.Kagabi pa nga lang nang may mangyaring gulo tapos ngayon may death threat na naman?
Habang papalapit ako sa pamilyar na bahay ay saka ko lang naramdaman ang kaba at hiya.
Ngayon lang ulit ako makapupunta dito matapos ang tatlong taon.
Shocks!Parang natauhan ako. Ano ang gagawin ko rito? Nakahihiyang humarap sa kanila, sa kaniya. Ano nalang iisipin niya? Na nag-fe-feeling fiancee na talaga ako?
Hindi talaga ako nag-iisip!
Hay, hayaan na! Nandito na rin naman ako.Pilit ko na lang pinipigilang kabahan. Lumabas na ako sa kotse.
Kailangan ko munang masigurado na ayos na siya bago ako aalis. Para naman mapanatag ang loob ko kahit papaano.Nag-isip na muna ako ng sasabihin ko.
Ano kaya?
Pumunta ako dito kasi.... Gusto ko lang masiguradong ayos ka lang.
Aish hindi! Mukang masyadong alalang-alala, nakakahiya.Pumunta ako kasi, gusto ko lang?
Parang walang sense.Pumunta ako kasi may death threat ka.
Ang pangit pambungad.
Pumunta ako kasi..Bumukas ang gate nila.
Hala!
Biglang tumibok ng mabilis yung puso ko.
"Oy Triksi, ihaaaa!" Masayang bumati sa'kin si Nanang Delor.
Itinapon niya na muna ang basura.
Hindi siya gaanong lumapit sa'kin. Siguro dahil kahahawak niya lang ng basura."Hello, Nanang!"
"Pasok ka sa loob, hindi man lang nagpasabi si tan-tan," Napangiti ako. Na-miss kong marinig sa kaniya ang palayaw ni Tristan na Tan-tan.
BINABASA MO ANG
Maaari Pa Nga Ba?[Infinity Love Series #1] (Published In Ukiyoto Publishing)
ChickLit[ C O M P L E T E D ] (Published in Ukiyoto Publishing) Paano kapag mahal mo pa rin pero hindi ka na maalala? Paano kung siya ay may iba na, samantalang ikaw ay nag-iisa pa rin? Paano kung matagal na kayong tapos pero ikaw itong umaasa pa hanggang n...