Chapter 15 - Infinity Island

407 135 49
                                    

Hindi ko pa natatapos ang pagkain ng ice cream nang may maisip akong plano.

"Ah guys, tumatawag si mommy. Sagutin ko lang," tumango naman silang lahat.

Nag-akting naman ako na may sinagot na tawag.

Dumeretso ako sa labas. Syempre maingay sa loob. Hindi ko maririnig ang kausap ko kuno.

Tinawagan ko si Tristan. Sinagot din naman agad niya.

"Hello, 'wag mo sasabihin sakanila kung sino ang kausap mo," sabi ko agad.

["Why? Who are you?] Mababakas sa tono niya na nagtataka siya.

"Pleaaase? Si Trixxie 'to. Lumabas ka muna,"

["Why—"]

"Basta. Pagkalabas mo nalang saka ko sasabihin. Basta gumawa ka ng alibi, kunwari hindi ako ang kausap mo. Please Tristan?”

["O-okay Tri---na,"] Napa-yes na lang ako.

Narinig ko pa ang tanong ni Alex kay Tristan na kung sino daw ba si Trina.

Sino nga ba?

Lumabas na si Tristan.

"Salamat Tristan," nginitian ko pa siya.

"Bakit mo nga pala ako pinalabas?”
"Part of my plan." Natawa pa'ko.

"What plan?" Niyaya ko siyang umupo muna kami sa may bench.

"So kaya ako nagpaalam na kakausapin ko lang si mom at kaya kita pinalabas dahil gusto kong bigyan ng moment ang dalawa,"

"Who? Sam and Alex?"

"Correct!" Masayang sagot ko.

"I thought, ikaw ang may gusto sakan'ya?" Umiling-iling naman ako.

"Hindi na. Nung elementary lang pero ngayon hindi na." Tumango-tango lang siya.

"Pero si Sam? Hanggang ngayon,”

"Oh really? Hindi halata." Natawa siya kaya natawa na lang din ako.

"Ayaw niyang ipahalata, dalagang pilipina daw eh," tumawa ulit siya.

"Uso pa pala 'yan?"

"Syempre noh!"
May tumigil naman na sorbetero sa harapan mismo namin.

Nagkatinginan naman kami ni Tristan.

"Kuya pabili po," sabay naming sabi.

Kukuha na sana ako ng pera sa bulsa ko nang maalala ko na naandon pala sa bag ang pera ko.

"Ahh, Tristan naiwan ko pala ang pera ko sa loob." Napatingin naman siya sa'kin.

"It's okay, may dala ako." Bumili na siya ng dalawang nasa kapa na ice cream.

"Salamat,"

Nakakahiya!
Binigay niya na sa'kin ang ang ice cream.

"Mabuti na lang talaga ready ka, ano?" Natatawa kong sabi.

Maaari Pa Nga Ba?[Infinity Love Series #1] (Published In Ukiyoto Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon