Chapter 41 - Visit

249 64 5
                                    

Masaya talaga ako sa pagbisita namin sa bagong bahay. I really like the design. In and out!

"Ma'am Trixx, andito po si Sir Tristan."

Oh? Bibisita pala siya? Wala naman siyang sinabi. Wala naman kaming napag-usapan.

Lumabas na'ko at bumaba.

"My precious, good morning..." He kissed me on my cheeks.

"Ba't ka naparito?"

"Ayaw mo ba 'kong makita?" Nag-pout pa siya.

Aww!

Kinurot ko ang kanang pisngi niya.

"Aray!" Hinimas niya ang pisnging namumula.

Natawa ako sa itsura niya

"Wait lang, hindi pantay." Kinurot ko rin ang kabila niyang pisnge at tinignan kung pantay.

Pantay!

"Ayan pantay na! HAHAHAHA.." Nag-pout lang siya at sinamaan ako ng tingin.

How cute, my diamond!

Dumating ang isa sa mga katulong namin at hinatid ang juice.

"Thank you," saad ko.
Pinaupo ko na muna si Tristan.

"Gusto tayong makausap ni Sally." Napatangin ako sa kaniya.

"Really? Mabuti naman, gusto ko rin siya kasing kausapin." Totoo. Gusto ko siyang makausap.

"Pupuntahan natin siya mamaya, right after you change clothes." He kissed me on my forehead.

"Sige, mag-aayos na muna ako." Umakyat na'ko sa taas at nagbihis na.

Tristan's POV

Maaga akong pumunta kina Trixx para sunduin siya. Papunta kami ngayon kay Sally. Ewan ko ba pero parang may iba akong nararamdaman sa pagpapapunta ni Sally.

Hindi kaba dahil baka may gagawin na naman siyang masama. Hindi ko ma-explain kung ano.

"Tristan, 'di ba nagkausap naman na kayo?" Tanong ni Trixx sa'kin.

"Yap."

"Pero bakit parang kinakabahan kang harapin siya?" Nag-aalalang tanong niya.

"I have this feeling na kakaiba. Hindi ko alam pero kinakabahan ako ngayon," Sinulyapan ko siya bago bumalik sa daan ang tingin ko. Kumunot ang noo niya.

"Bakit naman? Wala naman na sigurong gagawing masama si Sally ‘di ba?" Alam kong iyon ang iisipin niya.

"Nope, hindi iyan." Iyon na lamang ang sinabi ko.

Dumating na rin kami sa wakas sa kulungan.

Habang papalapit kami sa selda ni Sally, may lungkot akong naramdaman.

Umupo na kami sa may upuan. Dito namin siya hihintayin.

Hinawakan ni Trixx ang kamay ko at ngumiti sa'kin.

Nginitian ko na lang din siya at inilagay ang hibla ng buhok na kumakalat sa mukha niya sa likod ng kaniyang tenga.

"Tristan, Trixx..." Ngumiti siya sa'min. Tumayo ako at nilapitan siya.

"Kamusta ka rito?" Niyakap ko siya. Tinapik niya ang likod ko.

"Okay lang," bumalik na'ko sa upuan at siya rin ay umupo na.

"Nabisita niyo na ba si Stella?"

Nagtaka naman ako sa tanong niya.

"Oo," nang matapos bisitahin ang bahay ay bumisita rin kami ni Trixx kay Stella sa ospital.

Maaari Pa Nga Ba?[Infinity Love Series #1] (Published In Ukiyoto Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon