Chapter 27 - Favor

278 67 5
                                    

Nagising ako sa puting paligid.
Masakit ang mga katawan ko at may dextrose na nakakabit sa kamay ko.

"Trixx," naririnig ko ang boses ni Alex.

Medyo malabo pa ang mata ko kaya pinikit ko na muna at minulat ulit.

"Nas-sa-an si T-tristan?" Nanghihina kong tanong.

Pakiramdam ko sobrang tuyo ng lalamunan ko na halos masakit na kapag nagsalita.

"Drink this." May ibinigay sa'kin si Alex na bottled water.

Dahan-dahan niya akong pinaupo at pinainom sa'kin ang tubig.

"Are you okay now?" Tumango na lamang ako.

"Where is he?" Mahina kong tanong sapat na para marinig niya. Hindi naman na gaano masakit ang lalamunan ko.

"Just rest." Tipid niyang sagot.

Kinabahan naman ako.

"Why? Where is he? Is he alright? Anong balita sa kaniya?" Natataranta kong tanong. Pinakalma naman agad ako ni Alex.

"Kumalma ka, he's... okay, so you should too... okay?" Tumango na lamang ako. Mabuti naman dahil okay siya.

Hindi ko kakayanin kapag may nangyari sa kaniya.

Sisisihin ko lang ang sarili ko.
Naging mabilis lang naman ang pag-recover ko. Pero hindi pa rin nakakapunta sa’kin si Tristan and I find it weird.

Ngayon ay makakalabas na ako sa hospital.

Wala naman silang binalita sa’kin tungkol kay Tristan.

Pumasok si Sam.

"Halika na Trixx," kinuha ni Sam ang isa sa mga bag. Dumating naman agad si Alex kaya kinuha kay Sam at bihuhat na lahat ng bag.
Nang makapasok na kami sa sasakyan ay tinanong ko sila.

Hindi na talaga kasi ako mapakali. Mukhang may tinatago sila.

"Talaga bang magaling na si Tristan?" Walang sumagot. Naging tahimik pa sila lalo.

"Ikaw? Talagang okay ka na ba?" Tanong ni Alex.

"Huwag niyong iniiba ang usapan Alex, Sam. May hindi kayo sinasabi ..." Nagkatinginan sila.

"Sabihin na natin.." Mahinang sabi ni Sam. Halos bulong na nga lang.

"Sige pupuntahan natin siya."

Bakit kinakabahan ako? I should be happy... Pero bakit di ko maramdaman 'yung saya.

Habang papalapit sa pinto kung nasaan siya ay mas lalong palakas ng palakas ang kabog ng dibdib ko.
Tumigil kami sa tapat ng pinto. Bakit hindi ko kayang buksan? Bakit parang natatakot akong malaman ang makikita ko?

Si Alex na ang nagbukas ng pinto.
Parang nagslow-mo ang pagbukas hanggang sa kitang-kita ko na si Tristan na nakahiga sa kama at sa gilid niya ay si Stella.

Napatingin si Stella sa'min na mukhang gulat.

"Ba't kayo andito?" Naguguluhan niyang tanong kina Sam.

Napatingin naman ako sa kaniya nang nagtataka.

"Bakit hindi? I have the rights. Ako ang girlfriend at ikaw.. ang malanding dahilan ng lahat ng 'to! Ba't ka andito?!" Nagpupuyos kong tanong. Hinawakan na ako sa balikat ni Sam.

May kontrol pa naman ako.

"Anong sabi mo? Ha! Girlfriend ba kamo?! Akala ko ba wala na kayo?" Nang-aasar niyang sabi.

Maaari Pa Nga Ba?[Infinity Love Series #1] (Published In Ukiyoto Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon