Chapter 26 - Consequences

285 64 6
                                    

"Oh my God!!" Nagising ako sa sigaw at hagulgol. Napaupo naman agad ako.

Kumirot pa ang ulo ko, siguro sa hang-over. Napatingin naman ako sa may pintuan, nakita ko si Stella, nakatakip ang mga kamay sa kaniyang bibig. Napatingin ako sa katabi ko. Nakita ko si Tristan.

"Mga taksil kayo!!!" Sigaw ni Stella.
Ipangtakip ko ang kumot sa katawan ko.

Nagsipuntahan na sina Alex at maski sila ay nagulat.

Nahawakan ko ng mahigpit ang kumot.

Nagising naman si Tristan at gulat rin sa pangyayari.

Susugod sana si Stella pero pinigilan siya ni Alex.

"'Wag mo kong pinipigilan! Ang bababoy niyo! How could you?!" Dinuro niya kami ni Tristan. Galit na galit.

Napayuko na lamang ako. Hindi ko na mapigilang umiyak. I know. Napakasama ng nangyaring 'to.
Agad naman pumunta sa'kin si Sam.

Kinuha ni Tristan ang towel sa cabinet at ipinantakip sakaniya. Pinuntahan niya sa Stella.

"Stella,"

"Paano mo nagawa 'yun Tristan ha?!" Tinulak niya si Tristan.

"Huwag tayo dito."

"At bakit ha?! Ha?!"

"Stella!" Lumakas na ang boses ni Tristan at hinila si Stella na nagpupumiglas pa rin.

Mabilis silang nawala sa paningin namin.

Umiyak lang ako ng umiyak.

Hindi ko sila kayang tignan. Sobrang nakakahiya ang ginawa ko.
I know it's my fault this time.

"Tahan na Trixx," hinahagod-hagod lang ni Sam ang likod ko.

"Ang tanga ko. I'm sorry...." Sambit ko sa gitna ng paghikbi.

Sorry lang ang tangi kong masasabi. Ang ma-guilty ang tanging magagawa ko.

Alam kong unti-unti na silang nagsisisalisan sa pintuan. Pinaalis marahil sila ni Alex.

"Nadala ako Sam at nagpadala naman ako. I know that it's wrong pero hinayaan ko pa rin mangyari." Nakikita ko sa kaniya ang awa na hindi nababagay sa’kin.

"I know Trixxie, mahal mo parin siya. Naiintindihan ko, pero paanong umabot sa ganito?" Kahit siya ay hindi inaakala ang nangyari.

Sinabi ko lahat ng nangyari.
Pagkatapos kong ipagtapat ang nangyari ay inutusan niya na akong mag-ayos.

Carl's POV

I'm shock until now.

Hindi ko expect àng nakita ko kanina. I'm not even convince that Trixxie let Tristan to do it. Maybe he forced her?

Pumunta na muna kami sa sala. This is bad. Really bad.

Magkakagulo na naman.

Sa halip na maawa ako kay Stella ay mas nagalit pa ako sakaniya.
Now is the right time to tell them the truth.

Huwag niya na sana hayaan pang mas marami na ang masaktan.
Tinignan ko ang ekspresyon ni Kevin at hindi na ito maganda. But he shouldn't be affected this much lalo na't may girlfriend na siya.
Hanggang ngayon ay hindi pa lumalabas sa isang kwarto si Tristan at Stella.

Hindi ko na alam kung ano ang nangyayari. Everything right now is a mess.

Wala ng naging maayos.
Napailing ako.

Ngayon na nga lang kami ulit nagkabuo pagkatapos ay mawawasak ulit? For the same reason?

Siguro nga totoo ang kasabihang history repeats itself. Naulit lang kung ano ang nangyayari noon.
Lumabas na si Tristan pero mukhang naiwan pa sa loob si Stella. Napatingin kami kay Kevin nang sugurin niya si Tristan.

"Why did you hurt her again?!" Susuntukin na sana niya si Tristan. Mabuti na lang ay napigilan ni Alex.
Tahimik lang si Tristan.

"Bingi ka na ba? Paanong mo nagawa ‘yon?" Nagpupuyos sa galit si Kevin.

"Papaturo ka?" Tipid na sagot ni Tristan at mukhang nang-aasar pa.

"Hayop ka!!! Paano mo nakayang saktan siya ha?! Dinamay mo pa si Trixx!" Dinuro-duro niya pa si Tristan.

Biglang naging seryoso ang mukha niya.

"Wala kang alam," tiim bagang sagot ni Tristan.

Kumunot na ang noo ko. Bakit parang may iba?

"Mabuti na lang at hindi pa siya ikakasal sa’yo!! Hindi mo deserved si Stella!!" Nagpupumiglas si Kevin sa pagkakahawak ni Alex at gustong-gusto niyang saktan si Tristan.

Walang sinabi si Tristan. Nanatili lang sila sa pagtinginan na animo'y may staring contest sila at kung sino ang unang bumigay ang magiging talo.

"Yeah, mabuti nga siguro. I don't deserve her. I can't love her like how she love me..." Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay umalis na siya.
Naiwan kaming tulala lahat.
Sa linya niyang iyon ay nakakapagtaka.

Trixxie's POV

Kinakabahan ako.
Kahit alam kong kasalanan ko ay ayaw tanggapin ng sarili ko na mali ito.

Darating si tita Aynie. Alam kong galit siya. Galit na galit.

Hindi ako tumupad sa usapan.

"Nasa'n ang haliparot niyong anak?!!" Harinig ko ang malakas na sigaw ni Tita.

Nagmamadali siyang lumapit.

Nang magkaharap na kami ay bigla niya akong sinampal nang pagkalakas-lakas.

Maaari Pa Nga Ba?[Infinity Love Series #1] (Published In Ukiyoto Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon