Chapter 4 : Namamalikmata?

764 252 75
                                    

"Mukhang nalalamangan na tayo ng Imperialle Company na 'yan.." Sabi ng isang ka-business namin.


Pinagmimeetingan kasi namin ngayon 'yung tungkol doon sa kabilang kumpanya.


Mukhang big time talaga ang may-ari dahil kabago-bago pa nga lang dito ang branch nila sa Pinas pero madami na agad kasosyo.


Pati nga mga ka-business partners namin nandoon na, nagsilipat na.
Haist! Nakakainis.


Mahirap nito baka ang ibang naiwan sa kumpanya ko ay magsilipat na din.


"Kailangan nating gumawa ng paraan." Sabi ng isa sa kanila.


Nasa isang conference room kami at may parihabang mesa na maraming upuan na halos siyam na pu't anim ang bilang. Dito kami nagmimeeting-meeting.


Madami ang business partners namin bago dumating 'yang Imperialle Company na 'yan.
Halos lahat sa kanila ay big time talaga at malaki ang shares sa kumpanya kaya isa ang Luxurious Gem Company— pangalan ng kumpanya namin— sa mga sikat at nangungunang kumpanya worlwide.


At nangungunang kumpanya sa Pilipinas BEFORE dumating ang Imperialle.


Halos 1/4 ngalang sa ka-sosyo namin ang nabawas dahil lumipat na do'n.


Kaya namomroblema kami ngayon.


"Kailangan nating maging ka-sosyo ang iba pang malalakas na kumpanya," sabi ng nasa kanan ko.


"Trixxie kailangan mong magdagdag ng kasosyo."


"Mas lalong kailangan mong maging kasosyo ang may-ari ng Imperialle," napatingin naman ako sa nag sabi niyon at napaisip.


Instead of kalabanin ang kumpanyang 'yon. Bakit hindi ko na lang gawing kasosyo 'diba?


"Ang problema pa'no mo 'yon gagawin knowing na magkalaban ang kumpanya niyo." Sabi ng nasa kaliwa ko.


"Pareho pa naman kayong big time," dugtong ng katabi nya.


"Well, may punto naman kayo. 'Wag kayong mag-alala... Ako na ang bahala doon."


It’s a boring day kaya napagpasyahan kong magmall.


Well, lakad dito lakad doon
Tingin doon tingin dito.


'Di ko talaga feel ang magmall ng mag-isa lalo na't pag nakita mong lahat ng nakakasabayan, nakakasalubong, nakikita mo eh puro may kasama.


Lonely tuloy peg ko.


Si Sam kasi eh. Inaya ko na samahan ako sa paggala pero 'di raw siya makakapunta kasi may importante daw siyang ginagawa.
Edi no choice ako kun'di ang gumala mag-isa.


Kung nagtataka kayo kung bakit bored ako? Dahil wala akong magawa.


Kung bakit wala akong magawa? Eh sa wala akong trabaho.


Kung bakit wala akong trabaho? Wala kasi ako sa opisina.


At kung bakit wala ako sa opisina? Well... Pinagpahinga muna ako ni mommy... Kasi mukhang stressed na stressed daw ako... Kaya ayon siya muna ang mamamahala sa kumpanya ng isang linggo.


Sabi ko nga okay lang ako pero pinipilit niya talaga ako edi ayon pumayag na lang ako kesa naman magtalo pa kami... I know my mom, 'di siya magpapatalo at sure akong 'di niya ako titigilan hanggat di ako pumapayag.


Nagpunta ako sa isa sa mga kainan dito sa mall nang makaramdam na'ko ng gutom.


Sino ba namang halos ikutin na ang mall 'di pa nagutom.

Nag-order na ako at nang ma-serve na sa’kin ang inorder ko ay agad kong sinunggaban.


Eh sa gutom ako eh.


Nang matapos na ako sa pagkain agad na umalis ako doon at napagpasyahang mag-groceries.


Pagkapasok ko sa grocery market ay namili ako ng mga bibilhin ko.


Tingin.


Tingin.


Tingin.


Pili.


Pili.


Nang mabili ko na lahat ng gusto kong bilhin nagpunta na ako sa counter.


Hindi ko inaasahang makita siya.


S-siya b-ba 'yon?


Papunta na sana ako sa counter ng makita ko siya.


Dali dali naman akong bumalik sa pwesto ko kanina at nagkunwaring namimili ng bibilhin ko.


Sobrang bilis parin ang tibok ng puso ko.


Pero…


'Di ako sigurado kung siya nga 'yon


Baka kasi namamalik-mata lang ako.

Maaari Pa Nga Ba?[Infinity Love Series #1] (Published In Ukiyoto Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon