Chapter 36 - Beginning of Vengeance

223 56 6
                                    

Carl's POV

Kaninang umaga lang ay may tumawag sa'min na naospital daw sina Tristan at Trixxie kaya dali-dali na kaming nag-impake.

"Saan si Stella?" Kumpleto na kami sa tagpuan. Pero si Stella pa ang nahuli na siya ang nagplano nito.
Siya ang nagplanong pasikreto kaming umalis para walang makaalam na iba at mas maging ligtas.

"Alam niyo, namumuro na talaga 'yang Stella na 'yan! Baka nga siya pa ang may pakana ng mga death threats! Tapos ano 'tong ngayon?!" Galit na galit si Sam.

Naiintindihan ko ang nararamdaman niya ngayon.

"Samantha! Tumahimik ka na lang muna. Hindi makatutulong ang pagbibintang mo!" Magtatalo pa sana sila kaya pumagitna na kami.

"Sam, magiging ligtas din sina Trixx but please huwag na lang natin sisihin si Stella." Halata kay Kevin na pinipigilan niya ang magalit kay Sam.

"Huwag na tayong magtalo-talo. Hindi 'to makatutulong. I-text mo na lang siya na mauuna na tayo. Kung hindi niya man sinasagot ang tawag." Suhestiyon ni Vernon sa kanila.

Sana nga hindi si Stella ang may gawa ng lahat ng 'to. Dahil kung siya nga, hinding-hindi ko na siya mapapatawad pa. Sinira niya na ang buhay nina Trixxie noon, pati ba naman ngayon?

"Iniisip mo rin bang si Stella ang may pakana?" Tanong sa'kin ni Benj. Mukhang pinaghihinalaan niya rin.

Nag-umpisa na kaming bumyahe. Ginamit namin ang van na sinakyan namin noon papunta rito. Para kasyang-kasya kaming lahat.

"Hindi malabong siya nga... Pero anong alam natin 'di ba?" Iyon na lamang ang sinabi ko. Hindi naman patas kung agad-agad namin siyang ituro at husgahan.

Napatigil si Alex sa pagdrive nang may humarang sa daan.

Dalawang itim na van. Bumusina siya ng ilang beses pero parang wala silang naririnig.

Bababa sana siya pero pinigilan namin. Delikado dahil baka kung ano'ng klaseng tao ang sa loob niyon.

"Ano'ng gagawin natin?" Halatang kinakabahan si Yhast. Lahat naman kami mukhang gano'n din ang nararamdaman. Niyakap na lamang siya ni Sam.

Bumaba ang isa sa mga sakay ng isang van. Malaking lalake.
Papalapit siya sa'min.

"Wala naman sigurong gagawin na masama 'yan diba?" Pabirong sabi ni Benj.

Kumatok siya sa bintana ni Alex. Nagdadalawang-isip pa siyang ibaba pero ibinaba niya pa rin ito.

"Anong kailangan—" Hindi na natuloy ni Alex dahil agad siyang pinukpok ng baril sa ulo.

Mabilis ang nangyari. May kung ano siyang inispray sa loob at ilang segundo lang ay nakaramdam na kami ng hilo.

Unti-unti silang nagbagsakan.
Bago mawala ng tuluyan ang malay ko, nakita kong tinawag niya pa ang mga kasamahan niya para kunin kami.

Trixxie's POV

"Tristan, hindi pa ba tayo uuwi sa Manila?" Tanong sa kaniya habang naghuhugas siya ng plato.

"Hindi pa, masyadong delikado ngayon kung basta na lamang tayo aalis.”

"Tama nga bang magbalikan tayo?" Nakita kong natigil siya sa ginagawa niya.

Napaisip lang kasi ako. Gumulo lang naman ang lahat simula nang maglapit na kami.

"Kasi... Hindi ko alam kung coincidence ba 'to o baka may sumpa na talaga ang pagmamahalan natin.." Tumayo ako at niyakap siya kahit nakatalikod siya sa'kin.

Maaari Pa Nga Ba?[Infinity Love Series #1] (Published In Ukiyoto Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon