Chapter 35 - Burning

226 56 1
                                    

Naalimpungatan ako dahil parang may pilit bumubukas sa pinto.

Tiningnan ko si Tristan, mahimbing pa rin siyang natutulog.

Wala naman na ang kumakatok. Siguro nanaginip lang ako.

Nauhaw ako kaya bumaba na lamang ako sa kama. Lumabas na ako.

Bakit gano'n? Amoy sunog?

Nananaginip pa rin ba ako?

Pagkarating ko sa baba, may sunog sa kusina.

Parang nagising ang diwa ko!
Shocks!

"Tri-tristan! Tristan! Nasusunog ang kusina!" Naghanap na ako ng malapit na fire extinguisher. Mabuti na lang at sa baba ng hagdan ay meron.

Binuksan ko na ito.

Masyadong mabilis ang pagkalat ng apoy.

Inumpisahan ko ng patigilin ang apoy.

"T-trixx! Tumawag na ako ng bombero!" Binuksan na din ni Tristan ang fire extinguisher na dala niya galing sa taas.

Parang hindi man lang nabawasan na ang apoy.

"Trixx, lumabas na tayo, mukhang hindi na madadala sa fire extinguisher 'to." Hinila niya ako palabas

Hindi naman nagtagal ang paghihintay namin dahil dumating agad ang mga bombero. Mabuti na lamang dahil kalahati lang ng rest house ang sunog na sunog.

Natigil nila agad ang apoy. Mabuti na lang dahil malayo rin kami sa iba pang resthouse. Kaya walang nadamay.

Kumuha na lang muna kami ng ibang matutuluyan. Pinaimbistigahan na rin namin. May posibilidad na nasundan kami.
Habang naghihintay kami ng resulta, sumagi sa isipan ko si Stella.
Ang champagne na binigay sa'kin nang nakaraan ay isa pa lang death threat, may letter 's' na nakasulat sa card.

Hindi kaya?

Hindi puwede!

Bakit ko ba pinag-iisipan ng masama si Stella? Alam kong nakagawa siya ng pagkakamali pero hindi naman ibig sabihin niyon ay magagawa niya kaming patayin.

"Walang nakuhang bakas, pero... May nakuha silang letter na nakadikit sa labas ng pinto ng kwarto natin," may letter pala roon?
Hindi na namin ito napansin dahil sa panic.

May tumawag sa phone ko kaya sinagot ko na muna ito.

"Hello?" Wala akong narinig na boses sa kabilang linya.

Prank call lang ba 'to?

"Hello?" Pag-uulit ko.

Kinuha ni Tristan ang phone sa'kin.

"Hey, sino 'to?!" Bakas sa mukha niya ang pagkairita dahil walang sumagot sa kabilang linya.

"If you don't have something to say, I'll end this call!"

Tristan's POV

"If you don't have something to say, I'll end this call!" Ibaba ko na sana pero tumawa ng malakas ang tao sa kabilang linya. Babae ang boses!
Kumunot ang noo ko.

"Mabilis ka naman maburyo, dear..." Humalakhak pa siya.
"May sasabihin lang kasi ako..." Nang-aasar niyang saad.

"Just say it!" Napalakas na ang boses ko. Masyado akong iniinis ng taong 'to!

"Calm, dear, calm..." Humalakhak ulit siya.

Hinawakan ni Trixx ang kamay ko. Paraan niya yata iyon para pakalmahin ako. Epektibo naman. Unti-unti akong naging kalma kahit papaano.

Maaari Pa Nga Ba?[Infinity Love Series #1] (Published In Ukiyoto Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon