Chapter 11 - Reunion Party Part 4

513 171 50
                                    

Kumakain kami habang nagkakamustahan at nagkukulitan. Ngayon ko na naman ulit naramdaman ang ganitong saya.

Malakas ang music pero tama lang na magkarinigan kami.

"Kamusta na pala kayo? Balita ko successful na kayong lahat ah." Nakangiting sabi ni Benj.

"Ito naman parang hindi." Pagtataray ni Yhast.

Well, tama nga siya mga successful na kaming lahat. Sa lovelife siguro sila lang.

"Hahahaha! Syempre I'm more than successful." Mayabang niyang sabi.

"Uy, guys feel niyo 'yong malakas na malakas na hangin?" Pang-aasar ni Carl. Nagtawanan naman kaming lahat.

"Grabe talaga kayo sa'kin." Nag pout pa ang loko.

Natawa naman ako. It reminds me of what happen three years ago when we were eating at cafeteria. We're talking about what will happen to our future that time.

"Nga pala ilang years na kayo ng secret girlpren mo Kevs?" Tanong ni Benj.

"May girlfriend kana pala Kevs?" Tanong ko.

Nagulat lang ako. Noon kasi siya 'yong Hearthrob na walang naging fling ni-isa. NGSB nga daw siya eh.

"Oo, mga two years na rin." Nakangiting sagot ni Kevin.

"Hindi pa namin 'yan kilala ah. Kailan mo ipapakilala?" Tanong ni Sam.

Curious ang loka.

"Soon." Tipid ngunit nakangiti niyang tugon.

Masasabi kong mahal nga niya ang babae.

"Ikaw Yhast balita ko engaged kana, invite mo kami sa kasal mo ah." Ani Benj.

"Baliw, Chismoso ka pa rin!" Sabay irap ni Yhast.

"Since birth na ito Yhast!" Pangangasar ni Benj.

"So kailan ang kasal?" Tanong ni Alex.

"Kuya Lex naman ihhh! Malalaman niyo rin pag namigay na ako ng invitation cards." Nahihiya niyang sabi.

"Yiieeeee nahiya ka pa Yhast!" Nangangasar na sabi ni Benj.

"Baka naman kahiya-hiya ang papakasalan!" Gatong pa ni Vernon.
Natawa na lang kami.

"ANO??! Hindi ah! Ikaw Vernon minsan ka lang magsalita pangangasar pa!" Iritang saad ni Yhast.

Napairap na lang ako sa hangin.
"Baka nga Vernon HAHAHAHA!" Pang-aasar din ni Carl.

"TSE! Bahala ka dyan Benj— Stella?" Biglang natigil sa pagsalita si Yhast. Halatang gulat talaga.

Napatingin naman ako sa tinitingnan niya at nakita ko nga si Stella.

"Reunion nga talaga." Mapaklang sabi ni Sam.

"Hello guys, pwede bang dito kami umupo?" Tanong niya.

"Of course." Tapos tumingin sa'kin si Yhast.

Umiwas na lang ako at tumingin kay Stella.

Ngumiti siya sa akin na parang walang nangyaring away sa pagitan namin.

Ngumiti na lang din ako.

"Nga pala guys may kasama ako— Wait andiyan na siya." Nginitian niya ang sinasabi niyang kasama niya at kinawayan.

Humigop muna ako sa drinks ko dahil sa tingin ko natuyo na ang lalamunan ko sa tense na nararamdaman.

"Hello Guys! This is Tristan. Siya 'yong sinasabi kong kasama ko. Tristan sila ang sinasabi kong kaibigan natin dito si Philippines." Nakangiting kwento ni Stella kay Tristan.

It's the time that truth hit me. Reunion nga talaga. Hindi ko man lang naisip na pwedeng umuwi sila dito para um-attend ng reunion. Tulad ni Kevin.

Shockss.

Calm Trixx. Calm.

"Have a sit." Seryosong sabi ni Alex.
"Musta na kayo guys?" Nakangiting tanong ni Stella sa’min.

"Everything is alright before you came." Nakastraight face na sabi ni Sam.

"S-she means nang dumating kayo mas naging okay...." Pinandilatan naman ni Yhast si Sam. Mas maldita si Yhast pero kaya niyang ilagay sa lugar. This is not the right place kasi para mag-away. Mas maganda kung mag-enjoy na lang and be positive.

"Whatever." Sa tingin ko ako lang ang nakarinig sa bulong ni Sam.

"Tristan don't you think it's the right time for them to know our surprise?" Stella looked at Tristan then glanced at me. Nang-aasar pa!

"Hmm... Mas maganda nga sigurong sabihin na natin." Nakangiting tugon ni Tristan. Whenever Tristan looked at Stella,  he's like deeply inlove with her.

Sumubo ako ng cake. One of the desserts na nakahanda. Masarap pero nagiging bitter ako lalo. Mas sweet pa kasi ang nasa harap ko ngayon kaysa rito.

"Ikakasal na kami." Sabay na sabi nila at nakangiti pa. Nagkatinginan din sila. It looks sweet but for me... It's argg!

Umubo-ubo ako. Bumara ata yung kinain ko. Sheezz.

"Trixx are you alright?" Tanong ni Sam.

"Yeah... CR lang ako." Ngumiti na ako at umalis. Sinabi ko na rin na huwag nang sumunod dahil okay lang talaga ako baka kasi sumunod pa.

Pagkapasok ko sa CR nag-uunahan ng tumulo yung mga luha ko. I can't hold back my tears because of too much pain. Sobrang sakit.

Hinayaan ko lang na tumulo ang mga luha ko hanggang sa gumaan ang pakiramdam ko. Nag-retouch na ako ng mukha ko dahil ayokong mag-alala pa sila.

Malapit na sana akong matapos nang biglang bumukas yung pinto.

"Hi Trixx, tapos ka ng umiyak?" Naka-smirk niyang tanong.

Hindi ko na lang pinansin. Pinatuloy ko na lang ang pag-retouch para makaalis na ako dito. I can't stay in one place with her. It suffocates me.

"Kunwari hindi ka nasaktan kanina... Kunwari okay lang pero hindi naman... You're always pretending..." Sabi niya habang nagreretouch.

"I'm not pretending maybe you are." I smirk at her.

"Ha! 'Wag mo sa akin pinapasa!" Nanggagalaiti niyang sabi.

Napangiti na lang ako. Siya ang nauna, siya rin naman mapipikon.

"Don't worry Precious Trixxie imbitado ka naman sa kasal."
Aba! Wala akong pake.

"Dapat lang siguro na hindi ako pumunta..." Ayoko ngang pumunta 'no!

"HAHA! Baka kasi umiyak ka pa sa simbahan. Don't worry it's okay. I understand." Note the sarcastic tone.

"Mali." Tumingin na ako sa kanya. Mabuti na lang at tapos na ako. Tinaasan lang niya ako ng kilay niya.

"Kapag pumunta ako baka hindi pa matuloy 'yang kasal na alam kong matagal mo ng hinihintay." Napa-frown siya kaya lumapit ako sa kanya na parang bubulong.

"Baka maalala niya ang totoo... Ayaw mo namang mangyari 'yon ‘di ba? Kung ako sa'yo ilayo-layo mo na siya." Nagsmirk ako at tumalikod na.

Iniwan ko siyang nakatulala at namumutla... Siguro na-realize niya na mali ang naging desisyon niyang bumalik dito sa Pilipinas na kasama si Tristan.

Ha! She will never win at me. Never again.

Inayos ko na ang sarili ko dahil malapit na ako sa table namin.

"And'yan na si Trix." Narinig kong sabi ni Carl.

Maybe Stella is right. I'm always pretending. Pretending that it's okay, that I'm okay. What a good pretender, right?

Narinig kong may pinag-uusapan sila.

Good luck self.

"Ano na 'yong topic niyo?" Nakangiting tanong ko sakanila.
It's okay to pretend para wala nang may makaalam pang nasasaktan na'ko.

Maaari Pa Nga Ba?[Infinity Love Series #1] (Published In Ukiyoto Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon