Chapter 9 : The Reunion Part 2

555 203 35
                                    

Kababalik lang ni Sam dito sa table namin nang may nakita siyang kakilala niya kaya nagpaalam siya na pupuntahan niya lang daw muna.

Hay. Kinakabahan talaga ako ngayon. Ewan ko ba.

Biglang nag-ring ang phone ko. Nakita kong si Carl ang tumawag kaya sinagot ko na agad.

["Andyan ka na sa school? Maingay kasi."]

Medyo nagkakarinigan pa kami kasi hindi pa naman sobrang lakas ang music saka nasa gitna naman ako nakapwesto.

"Oo ang tagal mo ah. Papunta ka na ba?" Hindi na kami nagsabay dahil may dadaanan pa raw siya.

["Oo malapit na."]

"Sa gitnang part ng venue ako nakapwesto. Dito ka mamaya ha."

["Hahaha, Oo naman."]

"Goodbye na.”

["Bye."]

Binaba ko na ang tawag. Sakto namang bumalik si Sam.

“Trixx" Ito naman kung makasigaw parang nasa kabilang bundok 'yung tinatawag eh halos isang metro na lang ang layo.

"Oh? Makasigaw ka naman. Wala ako sa kabilang bundok." Napa-irap na lang ako. Kung hindi ko lang ito kaibigan. Naku, sasabihin ko sa mga tao na hindi ko siya kilala.
Napatingin naman ako sa kasama niya. Si... si...

"Kevin!" Nasabi ko na lang.

"Oo, nakabalik na siya galing sa London." Nakangiting sabi ni Sam.

Halata sa kanya na masayang masaya siya at mukhang mabubuo kaming magbabakarda ngayong Reunion. Ganoon din naman ako.

"Long time no see Trixx..Musta na?" Mukhang masaya nga siya na makita niya ako.

"Okay naman. Lalo na't alam ko na masaya kang makita ako sa kabila ng mga nangyari three years ago."

"Ito naman si Trixx oh. Drama mo. Syempre. That's what friends are for." Nakangiti niyang tugon. Tapos ni-hug niya ako.

"Tama na muna yan. Na-Op ako sa inyo. Doon muna tayo sa table natin. Napagod ako kakatayo dito." Papadyak-padyak niya pang sabi.

"Paanong hindi mapapagod eh lakwatsa ka ng lakwatsa. Simula pagdating natin dito hindi ka nakaupo sa upuan." Natatawa kong sabi.

"Hahahaha! Hindi ka pa rin pala nagbabago Sam, lakwatsera ka parin at maingay gaya dati." Pare-pareho kaming natawa ni Kevin. Habang si Sam naman ay napasimangot na lang.

Feel ko bumalik ulit kami noong mga estudyante pa kami. Wala pang problemang iniisip. Malaya pa. Palaging masaya.

I want to feel that again. In three years I felt alone. I only felt sadness and guilt.

Hindi ko na nga alam ang salitang 'saya' because of what happened.
Pero sa tingin ko kailangan ko ng magmove-on. Nakalimutan niya naman na ako at sigurado akong masaya na siya sa minamahal niya.
Matapos mangyari lahat ng iyon. Wala na akong naging balita sa kanya. Pinigilan ko na rin ang lapitan at guluhin pa siya. Ako rin naman ang may kasalanan.

"Trixx, ‘wag ka ng maging malungkot, okay?" Nag-aalalang sabi ni Sam.

"Oh Carl... Bakit ngayon ka lang?" Nag-wave pa si Sam.

Napalingon ako sa tinitignan ni Sam at nandiyan na nga si Carl.
Tumayo ako at sinalubong si Carl at tinanong kung bakit ang tagal niyang dumating. Sabi niya naman na traffic daw siya. Sabagay rush-hours nga.

"Kevs bro, nakauwi kana pala?" Mukhang nagulat din si Carl na makitang andito siya.

"Syempre ako pa ba? Marami na akong hindi alam dito. Marami na rin akong naging atraso sa inyo. Kaya naisip ko na mag-s-stay na dito sa Pinas for good." Nakangiti niyang sabi sa amin.

Mabuti kung gano'n.

Makakabonding-bonding na siya sa amin.

"Magandang ideya 'yan ha." Masaya kong tugon sa kaniya. Unti-unti na kaming nabubuo. Pero may mga kulang pa.

"Apat pa lang ba tayo rito?" Nagtatakang tanong ni Kevs.

"Oo eh. Wala pa kasi 'yong iba." Nagpalingon-lingon si Sam. Inaasahan niya ba talagang darating at dideretso sa table namin 'yong iba?

"Guys! Sorry I’m late. Oohhh! Reunion nga talaga ang pinuntahan ko. Hello Trixx! Sam! Kevs! Carl! Nice to see all of you AGAIN!" Hyper niyang bati samin.

Pinaupo na namin kaagad baka kung ano pa ang kadisgrasyahan ang gawin. Sa sobrang hyper niya muntik na niyang masalakay 'yung waiter na nagseserve lang. Kawawang waiter. Tsk, tsk, tsk.

"Aish! Malas ko ah. Muntik ng... muntik ng madumihan itong Tux ko. Pinatahi ko pa naman ito last year pa. Nag-prepared kasi talaga ako guys." Nag-emo pa ang guloy.
Natawa na lang talaga ako.

Mga sira-ulo talaga. Lima na kami ang naandito. Sana nga makompleto kami kahit ngayon lang.

Nagpaalam muna ako na mag-c-cr lang ako saglit.

Start na nga siguro para hayaang maging isang magandang alaala na lang ang nangyari sa’min noon. Kailangan ko nang magmove-on, hindi lang para sa sarili ko para na rin sa mga kaibigan ko. Ayokong pag-alalahin pa sila.

I am a strong woman. Kaya ko 'to.
Nagretouch lang ako ng konti at tinignan ulit sa salamin ang mukha ko.

Maaari Pa Nga Ba?[Infinity Love Series #1] (Published In Ukiyoto Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon