Prologue

811 80 11
                                    

Binuksan ko na ang pintuan at tumambad sa'kin ang madilim na kwarto pero may kaunting sinag na nanggagaling sa bintana dahil sa liwanag ng buwan. Sinarado ko na ang pintuan.

Nagulat ako nang may maaninag akong nakahiga sa kama. Lumapit ako roon at nakilala ko nga ang pamilyar na taong 'yun. Ba't hindi ko napansin na wala na siya roon?
Pasuray-suray akong lumapit sa kama.

Imbis na umalis na ay umupo na lamang ako sa tabi niya at pinagmasdan siya.

Parang nawala sandali ang epekto ng alak sa sistema ko.

I touch his forehead down to the tip of his nose down to his... seducing lips. I badly miss him. I'm missing you crazy my diamond.

Iaalis ko na sana ang kamay ko sa mukha niya nang bigla niya akong hilain.

"I love you." Nakapikit niyang sabi. I know iba ang sinasabihan niya niyon.

Mapait akong ngumiti.

Tatanggalin ko na sana ang pagkakahawak niya sa kamay ko nang hilain niya ulit ito dahilan upang maglapat ang mga labi namin.

Gusto ko man pigilan pero hindi ko kaya. Tumugon ako sa halik niya.
Minulat niya ang kaniyang mga mata pero sa halip na itigil ay mas naging mapusok ang kaniyang mga halik.

I want him to stop and not at the same time.

Alam kong mali ito. But I can't help. Naging mabilis ang lahat, ngayon ay nasa itaas ko na siya.

"I love you, I really do.." Patuloy kami sa aming ginagawa.

Masama ba ang maging makasarili kahit minsan? Kahit ngayon lang?
He's like a drug that I can't resist and I'm addicted of.

Hanggang ngayon ay siya parin, siya lang talaga.

"I love you too." Naisagot ko sa kaniya kahit alam kong sa mga oras na ito baka hindi ako ang nakikita niya.

Ramdam ko ang parang nagbabagang katawan ko. Mas lalong umiinit kasabay ng mas lumalalim na halikan.

Epekto na rin ng alak.

Hindi ko kayang pigilan. Bumigay na ako. Walang alinlangan, walang pag-iisip ng kung ano-ano pa.

Hinayaan ko ang sarili na maramdaman ang init niya. Kahit ngayon lang, gusto kong maging kaniya muli at maging akin siya.

Maaari Pa Nga Ba?[Infinity Love Series #1] (Published In Ukiyoto Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon