Pagkatapos ng event kaniya-kaniyang alisan na rin. Umuwi na rin kami agad ni Sam. Mabilis lang ang naging takbo ng oras kaya hindi ko na kailangang tiisin pang makasama si Stella at Tristan.
Everytime I saw them they always let me remember that bad memories. The memories that I want to erased in my mind.
Buti na lang talaga at tapos na ang Reunion party. Hindi ko na kailangang magpanggap na okay lang kahit hindi. Pagkatapos ng sagutan namin ni Stella inaya niya ng umuwi si Tristan.
I need to move on. Three years is enough. Ayoko ng panghawakan ang isang pangako. Pagod na'ko.
Tears falling down... Anger and hatred rising over me... Sobrang sakit na makita siyang kahilakan ang iba. Kahalikan ang isang babae na kilala ko pa. How can they do this to me?Kitang-kita kung saan ako nakatayo ang paghalikan nila. Nakita kong nagmulat ang mata niya at kita sa mga ito ang gulat.
He didn't expect me? Well, yes. It should be surprise.
I-su-surprise ko sana siya. Birthday niya kasi at 3rd aniversary namin but it turned out na ako pa ang na-surprised. They really surprised me.
Patuloy lang ang pag-agos ng luha ko habang nakatingin sakan'ya na dahan-dahang lumayo sa kahalikan at pumunta sa'kin.
Bago pa siya makalapit tumalikod na ako at mabilis na naglakad. Ayoko na. Hindi ako bulag at mas lalong hindi ako tanga.
"Trixx! Let me explain!" Narinig ko pa ang patuloy niyang pagsigaw ng pangalan ko.
Naglakad lang ako nang naglakad at hindi na lumingon pa sakan'ya. Umulan bigla ng pagkalakas-lakas kasabay ng pagtulo ng luha kong hindi matigil-tigil sa pagdaloy.
May humila sa braso ko at dinala ako sa isang sasakyan. Nagpumiglas ako pero wala rin namang epekto dahil malakas siya sa akin.
Pinaupo niya ako sa passenger seat at dali-dali siyang umupo sa driver's seat. Pinaandar niya agad ang kotse."Ano ba?! Saan mo ko dadalhin? Ihinto mo 'tong kotse mo!" Hayop siya. Pagkatapos niyang makipaghalikan sa iba sa tingin niya okay pa kami?!
"Please lang Trixx. 'Wag ka ng makulit. Mag-uusap lang tayo. Sa tamang lugar." Sumulyap siya sa'kin at ibinalik rin agad sa daan ang tingin.
"Ano pa bang pag-uusapan natin ha?! Wala na! Tapos na tayo! The moment you kissed that girl! Wala na tayong dapat pag-usapan pa. Kitang-kita ng dalawa kong mata. Hindi ako tanga kaya please lang rin 'wag mo na 'kong lokohin pa." Umiyak lang ako ng umiyak.
"I'm so sorry... I'm really sorry, my precious Trixx...." Nakita ko rin na may tumulo ng butil ng luha galing sa mata niya. Hinawakan niya ang kamay ko pero nilayo ko agad.
"Starting tonight the precious diamond is broken. Once it is broke, every piece of it will never be back to it's place." Tumingin ako sakaniya.
"Please, precious Trixx... Huwag naman ganito..." Nagmamakaawa niyang sabi.
"STOP THIS CAR!" Galit na utos ko.
"Mag-uusap pa tayo..." May pagmamakaawang saad niya. Pero hindi na ako magpapakarupok lalo na't harap-harapan na ang pagtataksil niya.
"We're talking and we're done so you better stop this car or else..." Nagbabanta kong sabi sakan'ya.
BINABASA MO ANG
Maaari Pa Nga Ba?[Infinity Love Series #1] (Published In Ukiyoto Publishing)
ChickLit[ C O M P L E T E D ] (Published in Ukiyoto Publishing) Paano kapag mahal mo pa rin pero hindi ka na maalala? Paano kung siya ay may iba na, samantalang ikaw ay nag-iisa pa rin? Paano kung matagal na kayong tapos pero ikaw itong umaasa pa hanggang n...