Trixxie's POV
Nalulungkot akong malaman na si Sally ang may gawa ng lahat. She's so kind na hindi mo talaga aakalaining magagawa niya iyon.
Bibisita si Tristan sa kaniya ngayon. Sana nga magkaayos na sila. Nakauwi na ako ngayon. Hindi naman na masyadong masakit. Medyo nagagalaw ko na rin naman ito.Masasabi ko na bang magiging tiwasay na kahit papaano ang buhay namin? 'Yung masasabi mong wala ng manggugulo at magbibigay ng mga death threats?
Gusto kong kamustahin si Stella. Siya pa tuloy ang nasisi at pinagbintangan. Siya pa ang inaakalang may gawa ng lahat. Nakokonsensya ako.Hay. Bibisita na lang ako sakaniya sa ospital.
Papasok na muna ako sa opisina.
Nag-ayos na ako. Mabuburyo lang ako sa bahay kapag hindi ako umalis.Kailangan ko na rin tingnan at kamustahin ang kumpanya.
"Trixx, hindi ka pa magaling totally. Magpahinga ka na muna." Alam kong nag-aalala si Mom pero kailangan ko lang talagang pumunta sa opisina.
"Mom, okay na'ko. Mas lalo lang akong manghihina kung wala akong gagawin. Ayos naman na 'to."
Sa huli, nakumbinsi ko naman siya.
Sa ngayon, nagpa-drive na lang muna ako sa driver nina Mom.Hindi pa kaya ng kabila kong braso baka maaksidente lang ako.
Pagdating ko sa company, binati ako ng mga employees ko at kinamusta na rin.
"Hmm.." Na miss ko ang opisina ko. Mabuti na lang at napanatili ang ayos nito.
Pumikit na muna ako nang ilang saglit.
"Gad! It's nice to be back here." I check the documents. Tambak na 'ko rito.
In-scan ko na ito. 'Yung iba, mga applicants ng kumpanya. Nadagdagan din ang mga may gustong maging partners at sponsors. Worldwide ang offer!
I contact them to meet personally. Marami-rami akong kakausapin. Ni-sched ko na ang mga appointments ko.Parang bigla akong nag-crave kumain ng mangga at ng buko.
Parating na siguro ang dalaw ko. May sabi-sabi kasi na kapag parating daw ang dalaw mo, you'll crave a food. Tapos gustong-gusto mo talagang kainin.Tumawag ako ng assistant secretary ko. Hihingi na muna ako ng pabor na kung pwede niya ba akong bilhan ng mangga at buko.
"Yes ma'am?" Nginitian ko siya.
"Hihingi sana ako ng pabor..." Nahihiya kong tugon. Pero gusto ko talaga kasing kainin 'yon.
Tumango siya.
"Can you buy me a mango and buko?" Ngiwi akong ngumiti. This is the first time na magpapabili ako. Kaya nakakahiya talaga.
Lumapad ang ngiti niya.
"Sige, ma'am." Inabot ko na sakaniya ang pambayad.
Hay, salamat.Ilang minuto lang naman ang tumagal at nakabalik na siya.
"Here, ma'am..." Napangiti ako sa nakita.
A basket full of mangos and four bottle of buko juice.
"Thank you," Inabot ko ito sa kaniya.
Binigyan ko siya pero sabi niya bumili rin daw sila. Dali-dali naman siya umalis na nakangiti pa rin.
May kakaiba sa ngiti niya ha?!
By the way, gusto ko na talagang kumain.Unexpectedly, halos naubos ko lahat ng mangga. Isang bottle na lang din ang naiwan sa buko juice.
Dumighay naman ako dahil busog.
Thank you, Lord!Chineck ko lang ang bawat department at napagdesisyonan nang umuwi.
Dinala ko na lang ang basket na may iilang mangga at 'yung iisang bottle na naiwan.
"Oh, sa'n galing yan nak?" Tanong ni Dad pagpasok ko pa lang.
"Pinibili ko dad, nag-crave kasi ako..." I kissed on his cheeks.
Napatingin sa'kin si dad pabalik sa basket na dala ko at pabalik sa'kin ulit."Dad?" Kumunot ang noo ko sa ikinilos niya.
"Dad, sa'yo na lang kung gusto mo po." Nilapag ko sa may lamesita.
"Mukhang pagod ka na, magpahinga ka na muna pagkatapos mong kumain." Tumango na lamang ako.Pagkatapos kong magbihis ay inaral ko na muna ang mga profiles ng mga imemeet ko bukas.
"Ma'am Trixx, kain na po..."
Sakto! Tapos na rin naman ako sa ginagawa ko."Sige, susunod ako." Niligpit ko na ang mga documents at bumaba na.
"Good eve, mom.. dad.." I gave them kisses on their cheeks.
"How's your day anak?" Nagkatinginan pa sina dad. Kumunot ang noo ko sa nakita. Weird!
"Just... Fine mom. I guess?" Sagot ko. Umupo ako sa harap nila.
"O... kay" Kumain kami nang tahimik.
Shocks! Nasusuka ako. Ayaw ko ang amoy ng bawang na hinalo sa adobo!
Ayst!
"Ayos ka lang ba?" Tumango ako pero hindi na talaga!
"Excuse me..." Dali-dali akong pumunta sa lababo.
What the?! Normal lang naman na may bawang sa adobo. Ba't ganito?!
Sa tingin ko, ubos na rin naman kaya naghilamos na ako at bumalik sa hapag."Yung totoo anak, ayos ka lang ba talaga? 'Di ba masama pakiramdam mo?"
"Yap, mom... Ayos lang po ako." Ngumiti pa'ko. Another lie.
Tinabi ko na lamang ang adobo at mas piniling ulamin ang ampalaya.
Pagkatapos kumain, dumeretso na ako sa kwarto. Gusto ko nang matulog. Maaga pa pala ako bukas.
Sinet ko na ang alarm clock ko.
Naging morning ritual ko na siguro ang sumuka every time na gumigising sa umaga! These past few months, hindi parin dunadating 'yung akin! Kinakabahan na talaga ako eh!
Nag-ayos na ako. Hindi ako pwedeng ma-late sa appointment ko.I wear a formal fitted red dress partnered with a 4-inch stilettos.
Naglagay ako ng make-up na babagay sa outfit ko ngayon.
I'll meet him at cafemarindoke. Wala lang, ito lang ang napili kong place.I just feel comfortable at that place.
I didn't wait for too long. Dumating din naman kaagad siya."Hello, Mr. Keroga." I handed him my hand. Tiningnan niya lang muna ito bago tinanggap.
Malinis naman 'to ah!"Nice to meet you, Ms. Gonzales future Mrs. Madrigal." I chuckled.
Kailangan bang imention 'yon? Hahaha.."Nice to meet you too, by the way, have a sit." Nag-order na ako ng dalawang cappuccino.
"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa Mr. Keroga. I'm gladly accepting your request to be our business partner and a sponsor. Thank you." Uminom ako sa cappuccino.
Kumuha ako ng tissue. Baka may naiwan, mahirap na.
"Thank you for accepting..." Ngumiti siya sa'kin.
May pinag-usapan pa kami tungkol sa mga plano at tungkol sa kumpanya.
Nagpaalam na ako dahil may isa pa akong i-me-meet.
"Thank you Mr. Keroga." Biglang sumakit ang ulo ko nang tumayo ako.
Nahilo ako bigla!
I handed again my hand.
"You're welcome..." Hindi ko na nahintay pa'ng abutin niya ang kamay ko dahil pakiramdam ko babagsak na'ko.
"M-miss Gonzales?!" Hindi ko na alam ang susunod na nangyari!
BINABASA MO ANG
Maaari Pa Nga Ba?[Infinity Love Series #1] (Published In Ukiyoto Publishing)
ChickLit[ C O M P L E T E D ] (Published in Ukiyoto Publishing) Paano kapag mahal mo pa rin pero hindi ka na maalala? Paano kung siya ay may iba na, samantalang ikaw ay nag-iisa pa rin? Paano kung matagal na kayong tapos pero ikaw itong umaasa pa hanggang n...