"Akala ko ba Trixxie.... Naintindihan mo na ako?" Umiyak na si Tita.
"Aynie! Anong karapatan mo para gawin 'yon sa anak ko ha?!" Humarap si Tita kay Mommy.
Saktong pagharap niya ay ang pagsampal sa kaniya ni mommy nang pagkalakas-lakas. Doble pa sa sampal na natanggap ko.
"Mom,”
"You don't have the rights to hurt my daughter Aynie..." Nanggigigil na saad ni Mommy.
"Hon, calm down." Pag-awat sa kaniya ni daddy.
Gad. This is my fault. This is my fault.
Nagkakagulo na rin tuloy pati Sina mommy. I should fix this. But how?
Hindi ko na mapigilan ang umiyak."Let me tell you what your daughter did!”
"Pumayag lang naman siyang maikama ni Tristan na fiance ng anak ko!"
"Sinong hindi magagalit ha?! Hindi na maganda ang kundisyon ni Stella, Ayna! Kapag ikaw ang nasa sitwasyon ko hahayaan mo na lang ba ang nangyari?!" Yumuko na lamang ako.
Grabeng kahihiyan ang ginawa ko.
"T-totoo... totoo ba 'yon.. anak?" Hindi ako makatingin kay mommy. Hindi ko alam ang sasabihin ko.
"Kita mo na?! Hindi niya pa maamin! Nahihiya ka na ba?!"
"Si Trixxie ang kinakausap ko!" Sigaw ni mommy na mas lalong nagpatakot sa'kin.
"I-i'm... s-sorry... I'm sorry Mom..." Hindi ko na napigilan pa ang humagulgol.
Disappointed sa'kin si Mom, alam ko. She's not expecting me to let this shit happen.
Naramdaman kong nilapitan ako ni daddy. Hinagod niya ang aking likod upang pagpapakalma pero mas lalo lang ako naiyak.
"Tahan na, anak." Bulong ni Dad.
"Get out Aynie."
"Bakit?! Hindi pa ako tapos sa anak mo Ayna!!!"
"I said get out!!" Malakas na sigaw ni mom. Ngayon ko lang narinig ang sigaw niya na yon.
Ibig sabihin lang... Sobra-sobra na ang galit niya at unang beses pa lamang ito.
"Palalabasin mo na lang ako?!! Ha! Sesermonan ko pa iyang anak mo!" Giit pa ni tita.
"Wala kang karapatan. Umpisa pa lang, alam na natin kung sino ang dapat sermonan at kung sino ang talagang may ginawang mali..." May diin sa bawat salita ni mommy.
"At iyon ay ang anak mo 'di ba? Sa anak ko naman talaga si Tristan, ginamit niyo lang ang sakit ng anak mo para makuha ang gusto niya!" Dugtong pa ni Mom. Ramdam ko sa boses niya ang galit.
"How dare you?!!!" Susugod sana siya kay mama pero lumapit sa kanila si papa.
"Manong! Palabasin niyo na siya!!" Sigaw ni Dad. Dali-dali naman lumapit si manong.
Nang makaalis na si Tita ay mas naramdaman ko ang kahihiyan. Alam kong disappointed sa'kin si Mom pati na rin si Dad pero ayaw lang nilang ipakita.
Ilang minuto pa ata namayani ang katahimikan bago nagsalita si Mom.
"Tommorow, tuloy ang party at doon iaanounce na engaged na kayo ni Tristan." Napatingin na ako kay Mom. Hindi na niya ako binigyan ng pagkakataong makapag-react dahil tumalikod na siya agad.
"Just rest na muna anak, I'll talk to your mom." Tinapik ako sa balikat ni Dad at sinundan si Mom.
Anong kaguluhan na naman ba ang ginawa ko?Tristan's POV
"Tristan!" Rinig kong sigaw ni Carl.
"Tristan!" Nilingon ko na lamang.
"Anong ibig sabihin nito?" Napakunot ang noo ko sakaniya.
Hindi ko siya sinagot."Anong ibig-sabihin ng lahat ng ito?"
"Ano ang tinutukoy mo?" Pabalik kong tanong sakaniya.
"May naalala ka na?" Mukhang hindi pa siya makapaniwala na makakaaalala ako.
Paano ko ba siya dapat sagutin? Paano ko sasabihin yung sagot? Sa kaniya ko pa ba dapat sabihin?
"Meron nga? Silence means yes." Tumingin siya sa gilid niya at mukhang ayaw ipakita ang emosyon ng kaniyang mukha.
"Masaya akong malaman na alam mo na ang nakaraan. Pero malungkot dahil alam kong kapalit noon ay maaaring bawiin mo ulit ang iyo naman talaga at magalit ka sakin." Tumingin siya sa’kin na may malulungkot na mga mata.
"Trist, patawad bro! Nagawa ko lang 'yon 'cause I'm really obsessed with Trixx. I am that immatured and selfish bestfriend... but I'm not wishing nor praying for your death and accident! Alam kong napakatanga ko sa part na pumayag ako sa palpak na plano ni Stella, even her, hindi niya rin naman binalak iyon! Hindi iyon kasama sa plano. Ang aksidente niyo.... Hindi iyon. Ang plano lang ay hanggang sa hinalikan ka niya at makita ni Trixx ang lahat pero naiba ang pangyayari.... I'm really sorry....." Nagulat ako sa biglaang pagluhod niya sa harapan ko.
Punong-puno ng luha ang buong mukha niya. Alam kong pinagsisihan niya 'yon.
Alam ko na ito. Ang buong pangyayari. Nasabi na sa'kin ni Stella at pinapatawad ko na sila.
Ayoko ng magsayang ng panahon para lang magalit lalo na ngayong ibinalik ng Panginoon ang alaala ko.Ang sa isip ko na lamang ay kung paano ko makukuha muli si Trixxie.
"Tumayo ka na. Mag-ayos. May mga dapat ka pang gagawin para sa'kin bilang kaibigan ko." Tumingin siya sakin. Mukhang hindi makapaniwala sa narinig niya.
"Pinatawad ko na kayo. I just want Trixxie to be mine again. Iyon lang. Solve na'ko. So if you want to help, I'm willing to let you." Ngumiti ako. Ayoko ng padramahin pa ang buhay ko at magsayang ng ilang taon pa ulit.
Nagpahid siya ng kaniyang mga luha na parang bata na binigyan ng lollipop kaya tumigil sa pag-iyak. Tumayo na siya pagkatapos.
"Salamat bro," tinapik ko ang balikat niya.
BINABASA MO ANG
Maaari Pa Nga Ba?[Infinity Love Series #1] (Published In Ukiyoto Publishing)
أدب نسائي[ C O M P L E T E D ] (Published in Ukiyoto Publishing) Paano kapag mahal mo pa rin pero hindi ka na maalala? Paano kung siya ay may iba na, samantalang ikaw ay nag-iisa pa rin? Paano kung matagal na kayong tapos pero ikaw itong umaasa pa hanggang n...