Chapter 19:Wedding?

19.5K 403 4
                                    

CHAPTER 19

3 days later...

Pagkatapos naming pumunta sa hospital—oo, ako at sila Rachel at Rochelle busy kasi si Jared sa school di ba nga sya ang may Ari ng school na yun! Maraming nageenrol ngayon dapat nga mageeneroll ako kaso sabi sakin ni Jared sya na raw bahala sakin hay, bahala na sya.

"Huy gutom nako" sabi ko.

"Wow ah friend kakakain mo lang ng ice cream then, gutom kana uli" sabi ni Rachel.

"Iihh! Gutom na talaga ako eh" pagmamakaawa ko, lagi kasing nahingi si baby ng pagkain, tsaka ice cream lang yun paano naman ako mabubusog dun?

"Hmm! Pasalamat ka buntis ka pag hindi kanina pa kita kinaladkad papuntang bahay nyo" sabi nito Rochelle.

Napangiti nalang ako, "Thank you talaga, Tara na dali gutom na talaga ako" sabi ko then pumunta kaming restaurant.

Fast forward...

Umuwi na kami sa bahay pero nagtataka ako bakit andito pa sila sa bahay ni Jared?

"Hindi pa ba kayo uuwi?" Tanong ko.

"Pinapalayas mona ba kami?" Tanong nilang dalawa pabalik sakin.

"Dapat ba tanong rin ang isasagot nyo sakin?"

"Masama bang magtanong rin kami?"

"May sinabi ba akong hindi?"

"Pwede bang tumahimik ka nalang dyan?"

"Sagutin nyo muna tanong ko?"

"Hindi"

"Bakit naman?" Tanong ko habang nakakunot noo.

"Hello! Wala kaya si Jared dito sino mag-aalaga sayo?" Tanong ni Rachel habang naglilipat ng Channel.

"Ako, me, myself and I" sagot ko.

"Aish! Tumahimik ka nalang at matulog baka pagod kalang" sabi ni Rochelle habang nagluluto.

Speaking of nagluluto...

"Pwede bang turuan mo ako magluto?" Tanong ko.

"No, bakit?"

"Kasi, nahihiya ako kay Jared eh" sabi ko habang nilalaro ang daliri ko.

"Bakit?"

"Siya marunong magluto eh ako, hindi please turuan mona ako!" Pagmamakaawa ko

"Fine tuturuan kita."

"Yey! Thank you!" Masaya kong sabi tsaka sinumulan nya na akong turuan magluto.

Fast forward...

Kinakabahan ako kasi nakapagluto nako ng iba't-ibang putahe kasi nga fast leaner ako noh! Ngayon titikman na nila ang adobong manok ko nung sinubo nila yun, nagtaka ako, ang weird ng expression nilang dalawa.

"Hindi masarap" sabi nila, medyo nalungkot ako kahit kailan talaga—

"Sobrang sarap!" Masayang sabi nilang dalawa.

"Talaga?" Hindi makapaniwalang tanong ko, akala ko hindi masarap, iiyak na sana ako.

"Yep! Tikman mo!" Sabi nito at pinasubo sakin ang niluto ko wow! Ang sarap nga

"Fast learner ka talaga for sure matutuwa sayo si Jared" sabi ni Rachel habnag nasubo ng niluto ko.

"Pano mo naman nasabi?" Tanong ko.

"Syempre maalam kana magluto" sabi nito habang patuloy na nakain ng adobo.

"Hm, thank you ah" sabi ko sabay yakap sa kanila.

"Welcome oh sya kain na tayo alam kong gutom kana Audrey kumain kana" sabi nito

"Sige" tipid kong sabi tsaka sinumulan ko nang kumain ang sarap nga ng niluto ko.

Fast forward...

Pagkatapos naming kumain ay nagtataka ako kung bakit pinagmamadali nila akong pagpalitin ng damit bakit nanaman!?

"Huy! Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko.

"Sa forever mo" sagot nila.

"Ako ga'y pinaglololoko nyo o sadyang nakasinghot lang talaga kayo? Saan nga kasi!" Pilit kong tanong.

"Basta masaya toh, Rachel Dalian mo na" sabi ni Rochelle.

Grabe sila kung makapagmaneho parang may kalaban ah? Then nagulat ako dahil asa boutique kami? Ano namang gagawin namin dito?

"Aayusan kana nila okay? Just chill."

"Oo na."

Inayusan na nila ako ununa yung buhok ko hindi nila tinanggal yung kulay then, minake-apan nila ako tapos pinagbihis nila ko ng gown? Saka diamond Heels, huh? Gown tsaka heels?

May ikakasal? Sino?

"Waahh!! Friend ang ganda mo! "

"Hahahaha thank you bakit ba ako nakasuot ng ganito? Pati kayo? May okasyon ba?" Tanong ko

"Oo meron kaya tara na sa simbahan." May kutob na agad ako pero... Kinakabahan ako.

Ha? Simbahan?

Simbahan...

Iniwan ako nila Rachel at Rochelle sa tapat ng pintuan habang may hawak akong bulaklak then, biglang bumukas ang pinto at nagulat ako ng makita ko si Jared na nandun sa altar, biglang bumilis ang tibok ng puso ko, ikakasal nako?

To be continued...

Book 1:I'm Secretly Married to the Cassanova King✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon