Shit! Zky is starting to get into my system. This is bad Rafi, this is bad. Hindi ka pwe-pwedeng mainlove. Ang bata bata mo pa para sa ganiyan! Pangaral ko saking sarili.
Ibinalik ko na kay Zky ang earphone na nakakabit sakin kanina pagkasabi nya non at saka dumukdok ulit. Nahihiya ako, geez! This is so not me!
Umalis si Sir Montalbo matapos ang kanyang 1 hr and 30 mins na pagbabantay saamin. After five minutes, our next teacher just arrived. Ito ang adviser namin.
"GoodMorning II-Emerald" Panimulang bati ni Ma'am Ana Tiemsin sa amin.
"Today, ito lang ang gusto ko lang na gawin nyo dahil hindi pa tayo magkaklase. Group yourselves into 5 maglalaro tayo. 2 lalake at tatlong babae ang kailangan or pwede ding 3 lalake at 2 babae. Either way around basta 5 kayo okay na yun." Kasunod ng pagbati nya ay ang pagpapaliwanag ng gagawin namin ngayong araw na ito.
"Pwede na kayong maghanap ng kagroup nyo." Utos ni Ma'am sa amin.
Agad namang nagkagulo ang mga kaklase ko at kaniya kaniyang naghanap ng mga kagrupo nila.
"RAFI! Dito nalang kayo ni Zky samin. " sigaw ni Jasmine at Chloe kasama ang kanyang boyfriend na si Lester.
Agad kong nilingon si Zky at nagulat ako ng makitang nakatitig na pala sya sakin. Tinanguan ko sya at tumayo kami papunta sakila Jasmine.
"Ma'am kumpleto na kami!" Halos sabay sabay na sigaw ng mga kaklase ko na may kani-kaniya naring grupo.
"Okay. Now choose who will be the leader of your group pagkatapos ay pumunta dito sa akin at ipapaliwanag ko ang dapat na gawin." Sunod sunod na sabi ni Ma'am sa amin.
"Ikaw nalang Rafi! Ayokong ako dahil di naman malakas ang loob ko sa ganyan" maagap na pagpapaliwanag ni Chloe saakin.
"Bakit? Pwede namang si Jasmine o kaya si Lester or si Zky. Ako talaga kaagad chloe?" Pagtanggi ko sa kagustuhan nya.
"Ikaw na Rafi. Alam naming kaya mo kaming pamunuan kung sakali" Ani Jasmine sabay ngiti saakin.
"I trust you. You can do it, come on." Napalingon ako bigla sa nagsalitang si Zky.
Oh really? He trust me huh! Well ano pa bang magagawa ko? Lahat silang kagrupo ko ay ako ang tinurong maging leader kaya naman pumunta na ko sa harap at lumapit kay Mrs. Tiemsin.
Madali lang ang kailangan naming gawin. Each of us should participate. Kailangan lang naming gumawa ng slogan about sa kalusugan na dapat pagingatan at ituring na yaman dahil iyon raw ang unang event sa calendar ng school namin. At ang mananalo rito sa room ang ilalaban naming representative sa slogan making contest sa darating na nutrition month.
Ipinaliwanag ko na kaagad sa mga kasama ko ang dapat gawin at pagkatapos ay umalis ako para kuhanin sa locker ko ang pangkulay at lapis ko. Ako ang magdo-drawing ng design sa slogan namin.
Nagu-usap usap parin sila kung ano ano ang mga dapat gawin. At napagdesisiyonan nang si Jasmine ang magbabasa at magpapaliwanag ng kung ano mang nakasulat sa gagawin namin, si chloe ang magsusulat, si Lester naman ang gagawa ng tangkay na matibay at si Zky ang magpapasya ng kung anong dapat isulat ni Chloe.
"You can't enjoy wealth, if you're not in good health." biglang bulong ni Zky saamin. At lahat kami ay napatigil. Ang bilis nya makaisip.
Nakangiti silang tatlo habang sinisimulan na ni Chloe na isulat ang naisip ni Zky. Nag-angat ako ng tingin kay Zky. He is bored. I can see it in his eyes. Yumuko ako at pasimpleng nangiti.
Mabilis namang natapos si Chloe sa paglelettering at ngayon ay sinisimulaj ko ng drawingan ito. Saglit lang din ang inubos kong oras sa pag guhit dahil nagkaron ako kaagad kanina ng idea kung anong makapagpapaganda sa slogan namin. Naramdaman kong parang may nakatitig sakin. In my peripheral vision I saw Zky staring intently at me while I do my thing. He pursed his lips trying to hide a smile. His eyes are amuse by what I am doing.

BINABASA MO ANG
Everything About You
RomanceLove. It is always so hard to define until I met you. And I know that for me, love is EVERYTHING ABOUT YOU.