"Gosh bes! Saan kayo magchristmas? Parang kelan lang sembreak palang natin! Ang bilis ng panahon. Konting kembot nalang 3rd year na tayo!" Kinikilig na sabi ni Julia habang palabas kami ng school at papunta sa parking lot.
"Kaya nga eh! Parang nung nakaraan lang nasa Cali pa ako, ngayon bakasyon nanaman!"
Napahinto kami ng marinig na may sumisigaw ng pangalan ko at ni Julia.
"Julia! Rafi!" Sigaw ng tao sa likod namin kaya naman agad kaming napalingon.
"You have to see Zky, sa court!" Sigaw nito na nagpabalikwas samin ni Julia pabalik.
Halos madapa ako ng patakbo kong tinungo ang court kung saan nagte-training sina Zky para sa upcomming competition sa February.
Naramdaman ko namang kasunod ko rin si Julia.
Tinakbo ko ang distansya sa kung saan nagkukumpulan ang mga estudyante.
"Excuse me!" Kinakabahang pakikipagsiksikan ko sa kanila.
I saw Zky sitting on the floor with his eyes close.
"Alli! Are you okay?" Tawag ko sa pansin nya kaya naman dumilat sya para tingnan ako.
He look at me with confusion. "What happen? Anong masakit? Okay ka lang ba? Do you need to go to the hospital?" Sunod sunod na nagaalalang tanong ko sa kanya.
Hindi sya nagsalita. Nakatitig lang sya sakin nang may paghanga sa mga mata. He is looking at me amused but also trying to hide the pain he's feeling.
"Huy! Ano!" Naiinis na inalog ko sya dahil di nya padin sinasagot isa man sa tanong ko.
"Ang sakit ng paa ko Saffi. Dito oh! Namali kasi ako ng bagsak pagkatalon ko." Aniya sabay nawala ang pagkatuwa sa muka at umaktong nasasaktan ng sobra.
"Saan? Alin? Ito ba? Ha? Iyelo? Kailangan mo ba? Cold compress? Tubig? Ano? Anong kailangan para maging okay?" Nagpapanic na tanong ko at nanginginig ang kamay na hinawakan ang tinuro nyang masakit na parte ng paa nya.
Nagpatulong syang magpatayo kay Vince at inaya ako sa bench para sumilong dahil nakabilad kami sa araw.
"Bakit di ka pa umuuwi?" He starts asking like it is the question that he really wanted to ask ng makita nya ako kanina.
"I was on my way to the parking ng may tumawag sakin para daw tingnan ka because something happened to you." I explained.
"I miss you." Aniya saka ngumuso. Natawa naman ako sa inakto nya.
"Miss you too." I answered still laughing softly at him.
"Yoko na magtraining! Di kita nakakasama dahil nasa klase ka, ako andito naglalaro sa initan pa." Ungot nya.
"Well you have to. Galingan mo ah. Para magbunga naman yung pagod nyo." I said.
He try to move his feet. Napaigtad lamang sya ng may maramdamang sakit.
Kinuha ko ang cold compress at hinubad ang sapatos nya saka ipinatong ito sa hita ko.
"Kulit naman. Pag namaga pa to lalo kang di magiging maayos." Nakakunot noong sabi ko habang dahan-dahang ipinapaikot ang cold compress sa paa nya.
"I want to finish this and get rid of the training to be with you!" Nakanguso paring ungot ni Zky na parang batang hindi pinagbibigyan sa gusto nya.
I glared at him. "Wag ka ngang matigas ang ulo. Magpaalam ka na na ipapahinga mo yang paa mo o gusto mong ako na bumali nyan para sayo?"
He glance amusingly at me stopping himself from smiling. "Wag mo kong ngitian ah. Magpapasko Zky ano ka ba? Last day of pasok na and last day of training mo na din tapos bukas christmas vacation na. Ano pang iniaarte mo?" Naiinis na tiningnan ko sya.
"Sorry boss. Aayusin ko na promise." He said. At nangaasar na ngiti ang ipinakita nya sakin.
Hinampas ko ng mahina ang balikat ni Zky dahil sa pangaasar nya sakin.
Saglit akong natigilan ng maalala ang christmas gift ko sa kanya. Buti nalang pala at nadaan ako rito, kung hindi ay makakalimutan ko pang ibigay sa kanya ang regalo ko.
I open my bag and get the medium size box and hand it to him.
"Merry Christmas."
He took the box with a wide smile on his face. "Thank you. Merry christmas too." He said.
Tumayo ako at ngumiti sa kanya. "Uwi na ko. I'll catch our flight pa baka malate kami. Ayusin mo na ha. Ingatan mo sarili mo. I'll text you when I get home. And text you again when I get to my destination. See you!" Pagpapaalam ko sa kanya.
Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad palayo sakanya ng bigla nya akong hatakin pabalik.
"Always call or text me." He said and I nod and gave him a reassuring smile.
"I will. I promise." Aniya ko sabay talikod na at lakad palabas ng court ng hilahin nya ulit ang pala-pulsuhan ko at napabalikwas ako pabalik sakanya.
Niyakap nya ako ng mahigpit kahit na basang basa sya ng pawis kaya natawa nalang ako. "Lagkit mo na!" Narinig kong natawa sya sa sinabi ko at mas hinigpitan ang yakap sakin.
"Maya ka na umalis." Ungot niya na parang bata na pinipigilan umalis ang mommy nya.
I slightly push him at nagpatulak naman sya. "Hindi pwede Zky! I need to go." Nangaasar na ngiti ang pinakita ko sakanya.
"Sundan kita don." He said seriously looking at me.
"Seriously Muller?!" I reacted and hit his chest ng hindi parin nagbabago ang seryosong muka nya.
Lumapit sya sakin at hinawakan ang kamay ko sabay iniyakap sa leeg nya. "Good bye kiss muna." His serious face turned to playful one ng makitang nagulat ako sa sinabi nya.
Tumingkayad ako dahil di ko abot ang mukha nya because he's too tall. I kissed his right cheek and smile when I notice that his mouth gap at what I did.
I hold his face and turn it to the other side so I could kiss his left cheek too. "Can I go now?" I ask grinning from ear to ear.
He was so dumbfounded but after few seconds he pulled me close to him and hug me tightly.
"Take care baby, I'll see you soon." He wisphered and then lean closer and kiss my forehead.
BINABASA MO ANG
Everything About You
RomanceLove. It is always so hard to define until I met you. And I know that for me, love is EVERYTHING ABOUT YOU.