To: Boyfriend
Hey, don't fetch me. I'll take a cab nalang. I don't want to bother you, rest early okay?Wala pa man ding ilang minuto ko naisesend ang text ay nagring na ang cellphone ko.
Nagdalawang isip akong sagutin iyon ng makita kung sino ang tumatawag.
Boyfriend calling...
Ilang segundo ko muna iyong tinitigan bago ito i-swipe pa sagot.
I cleared my throat. "Hello?"
"Are you done with your work?" Masungit nyang sagot, ni hindi manlang binigyang pansin ang paghello ko.
I decided to sit back at my swivel chair dahil parang nanghina ang tuhod ko ng marinig ko ang boses nya.
"Yeah, Uhm I'll be going home now but you don't have to fetch me I swear I can handle myself." Aniya ko sakanya sabay kagat sa labi ko na para bang pinipigilan ang panginginig nito.
Goddammit! Why am so nervous!?
He didn't speak. All I hear is his heavy breathing kaya naman nagsalita ako ulit kahit na nanginginig ang labi ko sa kaba. Is he mad at me?
"Ayoko lang maistorbo ka pa Zky. You should be resting a lot dahil alam kong di madali ang trabaho mo." I sighed.
I heard him whisper a curse before roaring like an angry animal on the phone line. "Damn baby who said you are a bother to me? Kahit kailan hindi ka naging istorbo sakin tandaan mo yan."
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Ang pagbilis ng tibok ng puso ko at ang pagsayaw ng mga paru-paro sa tyan ko ang nagsasabing masaya ako sa kung anong narinig.
Hindi ako kaagad nakasagot sa sinabi nya na para bang ina-absorb ko parin ito at hanggang ngayon ay loading parin sya sa utak ko.
"Go down. I'm waiting here at the basement parking." He commanded at tila ba sya ang master ko dahil dali-dali akong tumayo at kinuha ang bag para lumabas ng opisina.
"Faster baby, I miss you!" He said na para bang alam nyang sinasadya kong tagalan.
Hindi na ako sumagot at agad na ibinaba ang tawag ng makapasok ako sa elevator.
Para namang hinang hina akong napasandal pagkapasok na pagkapasok ko. I closed my eyes tightly trying to relax my frantically beating heart.
Tumunog ang elevator at agad naman akong lumabas. I saw the car that I rode this morning kaya dire-diretso naman ang paa ko kung saan ito nandoon.
Zky opened the shotgun seat's door and guide me as I slid inside. Agad naman siyang umikot pabalik sa driver's seat pagkatapos habang ako ay mariing tinititigan ang bawat galaw nya.
He's wearing a familiar cap again, the three stripes black adidas cap and a black mask that covers almost all of his face.
Ngayon ko lang naintindihan kung bakit ganito na sya manamit ngayon.
He is famous and a rising celebrity. Hindi na sya ordinaryo lang and he can't be seen anywhere public dahil baka pagkaguluhan sya pag ganoon. He's hiding or maybe disguising using this caps and mask to avoid it.
Mas lalo akong nagalala. He's famous now. Is he allowed to have a girlfriend? Ayokong makasira sa career nya. I've hurted him enough from the past, ayoko ng bigyan pa sya ng problema ngayon.
Speaking of problema, bakit ba lapit ng lapit sakin yon lalo na kung kailan nagiging masaya na ako? I honestly don't know what to do with my problem. Ayoko syang intindihin actually. Ayoko muna. Please kahit wag muna. Gusto ko munang maging masaya and being happy means being with Zky kaya kakalimutan ko muna ang problemang iyan.

BINABASA MO ANG
Everything About You
RomanceLove. It is always so hard to define until I met you. And I know that for me, love is EVERYTHING ABOUT YOU.