Chapter 5

37 4 6
                                    

Dismissal na at maingat naman akong tumayo para sana dumiretso na ng uwi.

Ang katabi kong si Zky ay nakatingin lang sakin at pagsilip ko sakanya ay nagiwas agad ako ng tingin.

I put a note inside his bag and it says "Thanks. -R"

Dinaluhan ako kaagad nina Jasmine at Stacey ng makita ako.

"My gaaaaad Rafi! Tulungan ka na namin. Ihahatid ka namin hanggang sa kotse nyo." Ani Stacey. Natuwa naman ang puso ko sa pakiramdam na kahit classmate ko lamang sila ay makikita mong tunay silang concern saakin.

"Halika na, aalalayan ka namin. Si Lester at Chloe sasabay rin satin at sila na raw ang magdadala ng bag mo." Sabi ni Jasmine.

Tumayo ako at ika-ikang sinimulang maglakad. Nakita ko rin sa gilid ng mata na mariing nakatingin sa bawat hakbang ko si Zky.

"Dude? Sabayan mo na din kaya kami?" Biglang nagsalita si Lester. Kinakausap si Zky.

"Yeah. I will even if you don't tell me to." Tipid namang sagot nito.

Pagkatapos ng matyagang pagalalay sakin at paghatid sakin sa parking lot ay nakarating din naman kami. Tiningnan ko sila isa isa at tumigil ng titig kay Zky.

"Thanks." Matipid kong pagpapasalamat at lahat sila ay nagtanguan at may ngiting isinukli sa pagpapasalamat ko maliban kay Zky.

Iniwan nila ako sa isang bench sa malapit sa parking katulad ng sabi ko ngunit hindi parin umaalis sa tabi ko si Zky.

Nakita ko na ang sasakyan namin katabi ni Kuya Dino ang aming driver kaya naman tumayo ako at pupunta na sana roon ng maalalang katabi ko pala si Zky at nandito parin siya sa gilid ko.

"Una na ako." Sabi ko at ika ikang naglakad papunta sa sasakyan.

Sana nama'y maagang lumabas si Talia. Gustong gusto ko na kasing umuwi. I want to call it a day already. I want to rest.
--

Naging okay naman kaagad ang paa ko kinabukasan at maayos na akong nakakalakad. Its wednesday. Mamaya na ang balik ni Julia. I bet she's pissed that I am ignoring her calls.

Maaga akong nakapasok. It is only 6:30 am at wala pang masyadong tao sa campus. Nang makarating ako sa room, napangiti ako ng wala sa loob dahil natutuwa akong ako palang ang tao rito.

Yes! Magagawa ko ang gusto ko.

Alam kong sa tabi ko pupwesto si Zky kaya naman lihim ko itong dinikitan ng note. Hindi ko rin nilagyan kung kanino ito galing.

"What is it I'm feeling? 'Cause I can't let it go If seeing is believing Then I already know I'm falling fast I hope this lasts I'm falling hard for you I say "let's take a chance" Take it while we can I know you feel it too"

Lumabas ako sa room pagkatapos kong idikit iyon at pumunta sa locker ko para kunin ang novel na sisimulan ko sanang basahin ngayon.

6:45 am palang kaya naman naisipan kong pumunta sa open field sa paborito kong pwesto at doon nagbasa. Umakyat lang ako ng alas 7 na.

I saw Zky is already sitting in the chair beside mine. Pasimple kong sinilip ang desk nya kung andon ang note na idinikit ko at nakitang wala na ito doon.

Umupo ako sa upuan koat inantay ang teacher namin.

Buong araw kaming hindi nagklase at naubos lang ang oras sa kung anong gustong ipagawa samin ng teacher namin.

Alas dos palang ay gusto ko ng umuwi sa sobrang pagkabagot ko.

Dumukdok ako, hinubad ang salamin at naisipang pipikit lang ako saglit.

Napabalikwas naman ako kaagad ng may tumatapik sa balikat ko. Shit! Did I fell asleep?

Nagangat ako ng tingin at nakitang si Zky ang tumapik sakin.

"Uwian na." Sabi niya atsaka nauna ng umalis. Tiningnan ko ang relo ko at nakitang 4:30 na nang hapon.

Mabilis akong nagayos ng gamit at hinanap ang salamin pqgkatapos ay kinuha ko ang bag at nagmamadaling umalis ng may mapansin ako sa may likod ng upuan ko. May nakaipit na papel don.

Hindi ko na sana papansinin pero tila may nagtulak saking bumalik sa upuan at kuhanin ang papel.

"Open field. 4:00 pm."

Walang nakalagay kung para kanino at kanino galing kaya naman naguguluhan ko itong itinago sa bulsa. Kung ngayon yon, kanina pa yung alas-kwatro. 30 mins na ang nakalipas.

Dahil nga gusto ko ring malaman kung ano ang ibig sabihin ng papel. Naramdaman ko nalang na hindi palabas ng building ang tungo ng paa ko kundi sa open field ng campus.

Malayo palang ay may nakita na akong lalaking nakaupo sa pwesto kung san ako madalas magbasa o kumain magisa. Nilapitan ko ito.

"Finally. Akala ko di ka darating." Bigla itong nagsalita at nagulat ng makitang si Chase iyon.

"Uh? Uhm...Para sakin talaga yung nakaipit na papel? Why? What do you need?" Nagaalangan akong lumapit pa sakanya kaya naman nanatili akong nakatayo at may distansya sakanya.

"I want to see you so bad." Sabi niya. Parang hindi narinig ang mga tanong ko. Hindi ko alam kung anong dapat isagot ko sakanya kaya nanatili akong tahimik.

"You used to call me Ace. First year ka palang kilala na kita at kilala mo rin ako." What?! I used to call him Ace? Huh? Nakita nya siguro ang muka kong puno ng pagtataka at naguguluhan sa mga sinasabi nya. Hindi ko maalala yon.

"Naiinis ako sayo Rafi. Alam mo bang araw araw kong inantay na mag message ka sakin? Noong nag summer non. Okay naman tayo eh. Tapos bigla ka nalang di nagparamdam. Bigla kanalang nawala. Bakit Rafi? Anong nangyari?"

Lalo akong naguluhan sa sinasabi ni Chase sakin. Hindi ko alam na close kami dati pa. Wala akong maalala. Hindi ko maalala. Shit! Pilit kong iniisip kung ano man ang sinasabi nya at parang may pumukpok sa ulo ko dahil bigla itong sumakit. Sobrang sakit.

Napahawak ako sa ulo ko dahil hindi ko na kinakaya. Sinasabunutan ko ang sarili ko. "Hindi ko alam ang sinasabi mo Chase. Hindi ko maintindihan" sagot ko na nakahawak parin sa ulo ko.

"Rafi please. Wag ka nang magmaang maangan. Gusto ko lang naman marinig yung paliwanag mo. Pinagmuka mo lang ba akong tanga? I thought our friendship was strong. Kapag malungkot ako sayo lang ako pumupunta. Anong nangyari? Bat bigla kang nawala? Tapos pagbalik mo parang hindi mo ako kilala at walang kahit na ano tayong pinagsamahan. Bakit Rafi? Bakit?" Nagsusumamong sabi nya na parang pinipilit na linawin ko ang nasa isip nya at sagutin ang mga sunod-sunod na tanong nya.

Pilit ko namang nilalabanan ang sakit ng ulo at napaupo na sa sahig dahil nanginginig na ang tuhod ko.

Narinig ko ang pagtayo ni Chase at paglapit sakin ng makitang dumausdos ako sa pagkakatayo. Dinaluhan nya ako at kaagad na hinawakan sa balikat.

"RAFI!!!" Nagpapanic na inaalog alog nya ang balikat ko.

"RAFIIIIII! SHIT! ANO? ANONG NARARAMDAMAN MO? ANONG MASAKIT SAYO? PLEASE. PLEASE TELL ME RAFI. TELL ME."  Nanginginig na boses na sabi ni Chase at pagtingin ko sakanya ay nakitaan ko sya ng takot at pagaalala sa mga mata nya.

Mariin akong pumikit at inantay na sana ay mabawasan ang sakit ng ulo ko. Kinalma ko ang sarili at huminga ng malalim at nagtagumpay naman ako.

"Sorry. Bigla lang sumakit ang ulo ko." Sabi ko kay Chase at nagiwas ng tingin.

"Why? Bakit? May sakit ka ba? Anong masakit?" Nagaalala paring tanong sakin ni Chase.

"Wala. Pilit ko lang kasing inisip ang mga sinabi mo. Hindi ko kasi talaga maalala sorry. Kung ano man yon sorry." Pagpapaliwanag ko.

Nakatingin sakin si Chase, nagaantay nang sunod kong paliwanag. I sighed. Okay, if Chase is part of the memories that  I forget then maybe he has the right to know.

Everything About YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon