"I had an accident." Tipid kong sabi. Hoping na nakuha nya na ang ibig kong sabihin pero nakatitig parin sya at nagaantay ng kasunod na sasabihin ko.
"Summer vacation yon. Kasama ko si Talia. Ang sabi niya'y isasama nya ako sa party ng kaibigan nya. Kilala mo naman siguro si Talia diba?" Pagpapatuloy ko at sya naman ay titig na titig lang sakin.
"Tinanggihan ko sya dahil hindi ko naman hilig ang pagpunta sa ganong okasyon.Tsaka isa pa, nasa business trip noon ang mga magulang ko." Sabi ko pa.
"Pero Talia is always Talia. Isinama nya akong pilit at ang malala pa. Itinakas namin ang isang kotse at umalis ng kaming dalawa lang." Napapailing ako nung maalala ang pagkakamaling iyon.
"Talia said she can and she knows how to drive. Alam ko nang hindi maganda iyon. Pero ayokong hayaang magisa ang pinsan ko, hindi ko gustong pabayaan sya mag isa kaya sumama parin ako sakanya. While we're on our way pilit nya akong pinagdrive at sinabing tuturuan nya ako. Nagtatalo kami sa kotse pero nanalo padin sya. Nagpalit kami ng pwesto. Kinakabahang hinawakan ko ang manibela at nakikinig sa sinabi nya. Natuto naman ako at nakarating kami sa venue ng party ng matiwasay. Bumaba sya at biglang nagpaalam na salamat sa paghatid ko sa kanya at pwede na akong bumalik sa bahay." Mapakla akong napangiti ng maalala ko iyon.
"Umalis ako. I leave her there pero nung pabalik ako ingat na ingat ako at mabagal lang dahil may takot sa puso ko. Nagulat akong magkakabanggaan na kami ng kasalubong ko. Mabilis kong kinabig pakabila ang manibela and that's when I hit a tree. Nawalan ako ng malay. Actually mom said 2 weeks akong walang malay. They expected me to have an amnesia too dahil ang ulo ko ang tumama ng malakas. Pero nang magising ako ay parang naalala ko naman lahat. But I guessed mali pala. I forgot you Chase. Hindi kita maalala. I don't even know you." Naramdaman kong nababasa na ang pisngi ko. Umiiyak na pala ko habang ikinukwento sakanya.
"Shhh. Now I understand. Hindi naman ako galit sayo eh. Nagtatampo lang ako Rafi. Don't cry please." Pagpapatahan nya sakin.
"Gaano ba tayo ka-close non? That maybe the reason why Julia ask me if I know you after my accident." Tiningnan ko sya. I feel sorry.
"Ipinakita saakin ni Julia ang picture mo. She ask me if I know you. Umiling lang ako sakanya. Tinanong ko rin sya kung boyfriend nya ba yung nasa picture pero tumawa lang sya. Ikinuwento ka nya sakin Chase. She told me that you are a great soccer player of our school. Na marami ang nagkakagusto sayo, na mabait ka at kung ano anong papuri. Sinabi nya rin sakin na kilala kita noon pa. Yung first day ko as a high school student ay ikaw raw kaagad ang napansin ko. That's when I start stalking you on social media. Pagkatapos ng ilang araw ay inamin ko kay Julia na crush na kita. Kaya naman pagpasok ko bilang 2nd year, kilala lang kita bilang crush ko. Yun lang at wala ng iba." Sabi ko ng humihikbi sakanya.
Bigla naman itong natawa. Pinunasan nya ang luha ko at sinabing "Crush mo ko?" Nangaasar na tanong nya sakin.
Mabilis akong umiling. "No! Hindi na no. You're conceited and a jerk too. In-uncrush na kita!" Sabi ko sabay palo sa dibdib nya ay tulak sakanya palayo.
"Sa dami ng sinabi ko, iyon lang ang tumatak sayo? Nakakainis ka.Bakit ka ba tumatawa?" Dagdag ko pa.
"I can't help it Rafi. A Dela Vega just confessed she has a crush on me. And about what happen last time. Sorry na. I was just. Argh! Nagtatampo ako okay? Tapos nagulat ako sa inasta mo non parang hindi ikaw yon." Pagpapaliwanag nya.
"Ah basta! Hindi na nga sabi kita crush eh! Tsaka nakakainis anong gusto mong gawin ko? I'm pissed. You call me ugly. You just stomp on my self esteem." Sabi ko sabay tingin ng masama sakanya.
Itinayo nya ako at nagsorry tsaka biglang niyakap. I stiffined at his move.
"I miss you, Rafraf." Bulong nya sa tainga ko. Kahit na naninibago at hindi sanay na ganito kami kalapit ng ex crush ko. Niyakap ko sya pabalik.
BINABASA MO ANG
Everything About You
RomanceLove. It is always so hard to define until I met you. And I know that for me, love is EVERYTHING ABOUT YOU.