1. A Fresh Start

5.9K 133 21
                                    

KABANATA I - A FRESH START

NAKAHARAP lamang si Kim Dela Vega sa bintana ng kanyang sasakyan. Iniisip niya ang pwedeng mangyari sa paglilipat bahay nila? Alam niyang malalayo siya sa sibilisasyon dahil Batangas ang kanilang pupuntahan. Napansin niyang kumaway ang isang batang babae sa kanya sa labas, ngumiti siya at kumaway. Sino bang hindi nakakakilala kay Kimberly Dela Vega, ang gumaganap na Anastasia sa isang sikat na teleserye sa telebisyon.

"Malapit na tayo." sagot ni Tonio Dela Vega, ang kanyang mahirap na ama. Oo, isa silang dukha ngunit nag-bago ang lahat nang maging artista si Kim ngunit hindi niya kayang bayaran lahat ng gastusin gayong hindi stable ang kita niya. Minsan may teleserye, pelikula at endorsements siya. Minsan naman wala, kaya naisipan ng kanyang ama na kunin ang bahay na minana nila kay Anton. Ang kanyang yumaong Tito. Yumao nga ba?

"Hoy Kim! Pahiram naman ng iPhone mo!" sigaw ni Michael Dela Vega, ang kanyang napakakulit na 13-years old na kapatid.

"Miko, wag mong guluhin ang ate Kim mo. Kagagaling lang niya sa taping, pagod yan. Matulog ka na muna Kim." sagot ni Letty Dela Vega ang kanyang mapag-arugang ina.

Hindi pa rin alam ni Kim kung ano ang mga mangyayari sa kanilang bahay ngunit sabi naman ng kanyang Mama Letty na magiging masaya at masagana ang kanilang buhay roon. May nag-presinta kasing maging Boy at Katulong na handang mag-silbi sa kanila ng walang kapalit kundi pagkain at tirahan. Ayon sa kanyang ina ay may malaking utang na loob raw ito sa kanyang Tito Anton kaya handa silang manilbihang katulong.

Isinaksak ni Kim ang earphone niya sa kanyang tenga. Narinig niya ang pagkanta ni Adele ng "Someone Like You" at naramdaman niya ang pagbigat ng kanyang talukap dahilan upang siya'y umidlip.

-----

"Nandito na tayo!" iyon ang hudyat ni Kim upang siya'y magising. Napakalakas talaga ng boses ng kanyang ina. Nakakabulabog.

Sumilip siya sa kanan, nakita niya ang bahay. Malapalasyo ang laki nito, napansin niyang hanggang ikatlong palapag ang taas ng bahay may pagkaluma ang bahay.

“Eto na ba? Eto na ba ang bagong bahay na lilipatan natin? Ma! This place sucks!” sagot ni Kim habang tinitignang mabuti ang bahay.

“Eh malaki naman ah!” sagot ng kanyang mama Letty.

“Masasanay ka rin dito anak!” dugtong naman ng kanyang papa Tonio.

“Oo nga!” at naglaro ng bola ang kanyang kapatid na si Miko. Ano bang pakialam ni Miko sa mga bagay-bagay? Ang importante lang naman sa kanya ang pera na binibigay ni Kim sa kanyang pamilya.

“Binili niyo ba to?” tanong muli ni Kim. Alam ni Kim na ipinamana ito ng kanyang Tito Anton, narinig kasi niya ang pag-uusap ng kanyang mga magulang at ng Lawyer.

“Hindi! Ipinamana lamang ito ng tito Anton niyo. Nakakalungkot nga at hindi natin nahanap ang bangkay niya. Balita ko massacre daw ang  naganap sa kanilang Reunion. Karumal-dumal talaga.” Tugon ni Tonio.

Tumunog ang doorbell.

“Oh, baka yan na ang bago nating Boy.” Sagot ni Letty.

Binuksan naman ni Kim ang pinto at nasilayan niya ang medyo matandang lalaki. “Ako nga pala  si Hulio. Tawagin niyo nalang akong Mang Hulio.” At kinilabutan si Kim sa ngiti ni Mang Hulio. Kakaiba kasi ang mga ngiti nito, tila misteryoso at may tinatagong kakaibang lihim.

"Ma! Nandito na yung Boy!" sigaw ni Kim mula sa sala. Nasa loob kasi ang kanyang mga magulang at inaayos ang kanilang mga gamit.

"Hulio? Oh, nasa'n na si Loraine?" tanong ni Letty na nakangiti lamang kay Hulio. Loraine? Ang sosyal naman ng pangalan ng katulong nila?

"Ah, Mam Letty, nasa'n na po yung asawa niyo?" tanong ni Hulio. Naroon pa rin ang nakakapangilabot na ngiti ni Hulio na nagpapakaba kay Kim.

"Ay bongga! Kilala mo na pala ako! Mrs. Dela Vega lang naman ang sinabi ko sa'yo noon." gulat na sabi ni Letty.

"Inaalam ko po talaga kasi lahat ng pinagtatrabahuan ko. Kilala ko sila at pilit kinikilala ang lahat ng bagay tungkol sa kanila." nakangisi pa rin si Hulio na nakatitig kay Letty. Bahagya itong yumuko at sinulyapan ng ngiti si Kim.

"Tonio! Tonio! Bumaba ka nga diyan! Nandito na si Hulio yung boy natin!" sigaw ni Letty at bumaba naman si Tonio mula sa hagdan.

Nakatingin pa rin si Hulio kay Kim. Hindi mawari ni Kim kung ano ang nasa utak ni Hulio. Bakit ba kakaiba ang mga ngiti nito? Ano bang nagawa niya kay sa kanyang Tito Anton at habang buhay siyang magpapaalipin?

"Hulio?" tawag ni Tonio kay Hulio.

Tumingala si Hulio at ang kanyang ngiti ay napalitan ng takot. Napansin iyon ni Kim, nanginginig si Mang Hulio'ng nagsalita, "A-Anton?"

======×======

WELCOME SA BOOK 2 NG FAMILY REUNION. Ipapangako kong mas maganda na ang Book 2. Maraming Twists at mas hahaba pa ang mga Chapters.

Deadly Sins: Deadly Reunion II [FINISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon