Prologue

6.3K 67 3
                                    

Prologue

Siya at siya lang ang mamahalin ko. Sinabi ko sa sarili ko na siya lang ang mamahalin ko nang ganto. Ang lahat na nangyari samin para isang panaginip lang. Kinamumuhian ko siya at ganun din siya sakin, pero 'di ko naasahan na kami rin pala magkakagustuhan.

Sa pagbukas ng mga mata ko sa umaga at hanggang sa pagpikit nito sa gabi siya lang ang nasa isip ko. Gusto ko siya laging makita, mahawakan, mayakap at sabihin kung gaano ko siya kamahal. Nakakahibang pala ang magmahal nang ganto. 

Sobrang dami na nangyari samin pero bakit tila kulang na kulang parin? Bakit pakiramdam ko wala parin ako, kami nasisimulan? Bakit nangyayari ang lahat nito kung kailan abot kamay ko na siya? Sobrang lapit na namin sa dulo, pero bakit tila lumilihis yung landas namin. 

Bakit  ganito tadhana? Ang hirap mong kalabanin. Kakayanin ko ba ang lahat nang ito? Kami parin ba hanggang dulo? Pero hangga't alam kong lalaban siya, lalaban din ako.

Wala na akong papangarapin pang iba, kundi na makasama ko siya habambuhay. 

Sana hindi mo siya kunin agad sakin, pakiusap.


I Married my Halimaw (BOOK 2)

by: Cysrite

All Rights Reserved
Copyright © 2018



I Married my Halimaw - Book 2 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon