Chapter 29: Close yet Far

1.2K 34 9
                                    

Chapter 29: Close yet Far

Lucky's POV

     "Aba tignan mo 'tong babaeng 'to muntog ang mata." boses ni Maica.

     "Hindi lang muntog, tulala pa" dagdag pa ni Av.

Nagulat ako sa paghampas ni Maica sa desk sabay duro niya sakin.

     "Hoy babae ano na naman pinag-gagawa mo sa buhay mo?"

Napatingin ako sa paligid at tama nga ang hinala ko nakatingin samin ang ilang tao dito. Kasalukuyan kasi kaming kumakain at naisipan nilang sa cafeteria tumambay. Hinawi ko ang daliring nakaduro sakin pagkatapos ay nagpatuloy lang ako sa pagkain, kahit wala akong gana.

     "Ano, magiging ganyan ka nalang? Hello are you still there? Are still with us?" kumaway-kaway pa si Av ng kamay sa mukha ko. 

Bigla nalang ako inalog alog ni Maica, "Lucky gising! Kung nandito man ang kaluluwa mo please lang bumalik kana sa katawan mo!"


Kaibigan mo ba talaga sila?


Nilayo ko agad sakin si Maica. "Ano ba nakakahiya ka." sabi ko sabay tingin sa mga tao.

     "Bumalik ka rin sa diwa mo." sabi pa ni Maica.

     "Bakit ba kasi absent minded ka ngayon? Kahit kanina sa klase absent minded ka, may nangyari ba?" sabi ni Av

Bumuntong hininga nalang ako, "Hindi ko na alam."

     "Anong hindi mo na alam?" tanong ni Av.

     "Ano ba kasing nasa utak mo na naman ha?" duktong pa ni Maica.

     "Hindi ako mapakali. Parang may mali na hindi ko maipaliwanag kung ano 'yon. May kutob ako na alam kong hindi ako matutuwa once na malaman ko. Hindi matahimik yung utak ko kakaisip ng kung ano ano tungkol sa kanya."

Long pause ang nangyari. 

Napakagat ako ng labi. "Hindi ko na alam ang gagawin ko." 

     "Is this Slade?"

Napatakip ako ng mukha. "Tinawagan ko siya kagabi dahil hindi matigil 'tong isip ko."

    "What happened?" tanong ni Maica.

     "He say something, something really strange. He say, my voice makes him alive."

Nakaramdam ako ng paghimas sa likod ko kaya napatingin ako. 

     "Wag mo nga gawing big deal yung sinabi niya. Ang ibig sabihin lang niya is he's dead without you, nang magkaroon kayo ng chance mag-usap doon lang niya—"

Umiling ako kay Av "Hindi lang yun Av. May mali dito."

     "Anong balak mo?" 

Umiling ako kay Maica, "Hindi ko pa alam. Wala ka bang balita sa kanya Maica?"

     "Tagal narin wala akong balita sa kanya."

Napatayo nalang ako mula sa pagkakaupo.

     "Saan ka pupunta Lucky?" tanong ni Av.

     "Para matapos na 'to, isang tao lang ang makakasagot nito nang lahat nang katanungan ko."

Si Xavier 

     "Pero bago yan balik muna tayo sa kanya kanyang room, tapos na ang break time." paalala ni Maica. Kaya naghiwa-hiwalay na kaming ng landas. 

I Married my Halimaw - Book 2 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon