Chapter 25: Grateful

1.2K 34 5
                                    


Chapter 25: Grateful

Lucky's POV

Hanggang sa natapos ang palabas, ni kahit isa wala akong naintindihan. Hindi ko rin alam kung pati rin siya walang naintindihan dahil buong oras niyang pinaglalaruan yung daliri ko. Pipisilin niya ito ng dahan-dahan kaya wala ako sa pokus manood. Ganun lang ang ginagawa niya hanggang sa matapos ang palabas.

     "Nagustuhan mo ba yung movie?" 

Tumango nalang ako sa tanong niya. "Muntik na nga ako maiyak." pagpapanggap ko.

Naglakad na kami palabas. Tatanggalin ko na sana yung kamay ko sa pagkakahawak sa kanya nang bigla niya itong hinawakan ng mahigpit. 

     "Can I hold this... for a while?" tanong niya sakin.

Wala na, suko na ako. Tumango nalang ako sa kanya. Nagsimula na kami maglakad ng magkahawak ang kamay. 

     "Alam mo ba dadalhin sana kita sa EK kaso bigla kong naalala na dinala kana doon ng gunggong kong kapatid kaya dito nalang tayo." tinuro niya yung Quantum.

     "Saan mo naman nalaman yan?" tanong ko.

     "May nakapagsabi sakin." sagot niya. Sobrang tagal na yun ako nga hindi ko na maalala pero siya big deal sa kanya yun.

Hinatak niya ako papasok sa Quantum. Sari-sari ang ingay ang sumalubong samin. Hinatak muli ako ni halimaw sa machine para magpapalit ng pera sa token. Ito na talaga yung kakaibang date. Ito lang talaga. 

Una naming nilaro ay yung tekken. Sa totoo lang hindi ko alam kung paano laruin 'to.

     "Teka hindi ako marunong nito." sabi ko.

Tinuro niya yung joystick. "Ito yung control sa lakad. Pagtatalon ka naman itaas mo 'to tapos pindutin mo 'to." turo naman siya sa isang button na bilog. "Ito naman yung pantira mo." turo sa iba pang buttons.

Tumango-tango ako. "Ah..."

     "Game na?"

     "Wait lang!" sigaw ko pero huli na ako dahil nakapaglaglag na siya ng token.

     "Ang duga mo hindi ako marunong nito."

Natawa lang siya sa tabi ko. "Tinuruan kana nga diba. Oh ayan na pili kana ng dalawang character mo."

At dahil sa wala akong kilala sa kanila bumase nalang ako sa mukha. Pinili ko yung cute at maganda sa lahat. 

     "Alisa? Nice choose." sabi pa niya.

     "Malakas ba 'to?" tanong ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

     "Malakas ba 'to?" tanong ko.

     "Malakas kung alam mo gamitin." natatawang sabi niya.

Bakit nga ba ako pumayag dito? Malamang na wala akong mapapala dito. Matatalo lang ako sa kanya. Pero huli na. Teka isa nalang, alin ba dito ang maganda. Pinili ko yung yellow ang buhok at nakasuot ng white dress.

I Married my Halimaw - Book 2 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon