Chapter 5: Letter
Lucky's POV
"Anak gising na."
Minulat ko ang mga mata ko at nakita ko si mama na nakangiti sakin.
"Masakit ba ang ulo mo?"
Tumango ako sa tanong niya, nagulat nalang ako ng paluin niya ang noo ko. Agad akong napabangon habang hawak hawak ko ang noo na pinalo niya.
"Aray!"
"Paano hindi sasakit yan ulo mo e panay iyak mo kagabi."
Umupo siya sa tabi ko. "Yung totoo ano ba talagang nangyari?"
Hinayaan lang ako ni mama na umiyak nang umiyak, kaya't hanggang ngayon wala parin siya alam kung bakit ako umiiyak.
Niyakap ko siya at niyakap din niya ako.
"Ma, hindi kaba natakot na ipaglaban si papa noon?"
Naramdaman ko na unti unti siyang bumitaw sa pagkakayakap sakin kaya naman bumitaw na ako at tinignan siya. Matang naguguluhan ang sumalubong sa mata ko.
"May kinalalaman ba 'to kung bakit ka umiiyak?"
Bumangon na ako sa kama. "Mag-aasikaso na ako." pag-iiba ko.
Naglakad na ako papasok ng banyo nang magsalita siya.
"Walang mangyayari kung hindi ka lumaban habang siya ay lumalaban."
Napaligon ako sa kanya. Nakatingin lang si mama sa taas.
"Ang tapang pala talaga ni papa."
"Kahit mawalaan na siya, sugod parin siya ng sugod. Ganun siya kalakas."
Napatingin siya sakin. "May iba ka bang gusto? Ayaw mo ba pakasalan si Lhunar?"
Umiling ako. Napahawak ako sa dibdib ko na kung saan dama ko ang pagtibok ng puso ko.
"May nagmamay-ari kasi nito at hindi 'yon si Lhunar."
Tumayo si mama at lumapit sakin. Hinawakan niya ang magkabilaan balikat ko at tumingin ng diretso sakin.
"Dalaga na talaga ang Amie ko. Mag-asikaso kana, may pasok ka pa." Matapos niya sabihin yun naglakad na siya palabas ng kwarto ko.
Pumasok na ako sa banyo. Napatingin ako sa salamin, napatingin ako sa sarili ko.
"Walang mangyayari kung hindi ka lumaban habang siya ay lumalaban." sabi ko.
"Lalaban naman si Slade diba?"
Napuno ng iba't ibang dekorasyon ang school mapalabas man o mapaloob. Napuno ng makukulay at nag-gagandahan na booth ang paligid. Ang lahat ng tao may ngiting nakarehistro sa kanilang mga labi maliban sakin.
Gusto ko siya makausap. Hindi ko na nagawa pang magpaliwanag matapos ng tawag na 'yon. Hindi rin siya sumasagot sa mga text at tawag ko sa kanya.
"Saan ba ang booth nila dito?"
Napatingin ako sa mga paligid. Sobrang dami at mukhang mahihirapan akong isa-isa lahat nang ito.
"Lucky!"
Napalingon ako at nakita ko si Av na tumatakbo papalapit sakin.
"Sakto lang pala ang dating ko. Bakit hindi ka pa pumapasok sa loob?" tanong sakin ni Av.
BINABASA MO ANG
I Married my Halimaw - Book 2 (Completed)
RomanceNOTE: Kung hindi mo pa nababasa ang I Married my Maid, hindi mo pa ito maaaring basahin dahil ito ay ang book 2. Maguguluhan kayo kung sakaling ito ang uunahin niyong basahin. Basahin muna ang I Married my Maid bago ito. Ang nasabing story ay makiki...