Chapter 35: Fourth Christmas
Lucky's POV
I clapped my hands.
"Good job guys!" sabi ko sa kanila. Ang iba ay sinabayan din ako sa pagpalakpak. Isang magandang balita na naman tungkol sa business na aking pinapatakbo. Maganda ang naging feedback ng business simula nang ako ang humawak hanggang ngayon.
Noong una ay natatakot pa ako dahil baka masayang yung mga paghihirap nila grandma at grandpa maski sila mama at kuya. Takot na takot ako na baka ako ang maging dahilan ng pagbagsak ng business na tinayo nila para sa akin. Buti nalang hindi nangyari ang kinakatakutan ko. Ayaw ko rin naman masayang sa wala yung mga hirap nila at yung pinag-aralan ko kaya naman pinag-aralan ko ito nang mabuti.
Kahit na minsan kulang na ang tulog ko dahil minamanmanan ko talaga yung magiging resulta ng restaurant at hotel once na magdecide ako kung paano mas lalago ito. Buti nalang naisagawa ko ito ng maayos at mas tumaas pa ang rate nito kaya laking tuwa ko nalang. Mas naging confident pa ako lalo dahil sa mga trabahante ko na gustong gusto ang pagpapatakbo ko.
"Christmas bonus time!" masayang sabi ko.
Lahat sila ang nagpapasalamat sa akin. Matapos ko sila sahudan, sinarado na nila ang restaurant.
"Ingat kayo pauwi. Merry Christmas." bati ko.
"Ingat din po kayo maam. Merry Christmas!" bati din nila sakin.
Ngumiti ako sa kanila bago sumakay sa kotse. Sa bawat kalsadang dinadaanan ng kotse, sa bawat lugar na aking nilalagpasan, napuno ng iba't ibang ilaw ang paligid sa madilim na gabi. Christmas light doon, christmas light dito. Mga batang may dala dalang tambol at mga tansan na kanilang pinapatunog kasabay ng pagkanta sa mga bahay bahay na kanilang nadadaanan.
Ngayon ay araw ng kapaskuhan kaya naman pagkarating ko palang sa subdivision nakakarinig na ako ng masasayang tawanan. Ang lahat ay nagbabatian. Pagkaparada ko ng kotse sa bahay, sinalubong agad ako ni mama. Nakapamaywang ito na tila may nagawa akong mali. Pagkababa ko ng kotse agad niya akong pinasabugan ng mga salita.
"Buti alam mo pa kung paano umuwi. Akala ko sa kalsada ka na magpapasko. Ikaw na bata ka! Alam mo kung anong oras na ha? Kung hindi mo alam 10 na nang gabi. Kanina pa ako naghihintay sayo aber." sunod sunod na sabi ni mama.
Lumapit ako sa kanya at yumakap sa kanya.
"'Wag kana magalit ma. Galing kasi ako kaninang umaga sa orphanage. Tinulungan ko si Euan mamigay ng mga gift sa mga bata then nagparty at kumain. Pagkatapos pumunta ako sa hotel para mamigay din ng bonus pati rin sa restaurant kaya nalate ako ng uwi. Paskong pasko init init ng ulo mo."
"Osya pumasok kana sa loob at kumain kana."
"Hindi mo talaga ako matiis ni mama oh." Isang malakas na palo sa pwet ang natanggap ko kay mama kaya bumitaw ako sa pagkakayakap.
"Aray naman ma." Hinimas himas ko ang pwet ko.
"Ang sakit kaya."
"Pag hindi ka pa pumasok, hindi lang sa pwet ang matatanggap mo." Kaya bago pa ako mapalo ni mama tumakbo na ako papasok nang bahay.
Napuno ng mga dekorasyon at christams bahay ang bahay mapalabas man o loob. May malaking christmas tree din na nakatayo sa sala at sa ilalim ay may mga gift. Nilabas ko din yung gift na binili ko kanina at nilapag doon. Syempre hindi pwede na wala rin akong gift sa kanila.
Napuno rin ng mga iba't ibang pagkain ang lamesa at kompleto rin kami. Oo kompleto.
"Merry Christmas Lucky!" bati sakin ni ate Janaira. Nandito rin yung asawa niya at yung lalaking anak nila na si Dran.
![](https://img.wattpad.com/cover/141998628-288-k149778.jpg)
BINABASA MO ANG
I Married my Halimaw - Book 2 (Completed)
RomanceNOTE: Kung hindi mo pa nababasa ang I Married my Maid, hindi mo pa ito maaaring basahin dahil ito ay ang book 2. Maguguluhan kayo kung sakaling ito ang uunahin niyong basahin. Basahin muna ang I Married my Maid bago ito. Ang nasabing story ay makiki...