Chapter 9: One

1.3K 28 1
                                    

Chapter 9: One

Lucky's POV

Hindi ko alam. Hindi ko mabilang kung ilang linggo na ba ang nakalipas matapos ang huli namin pag-uusap, na kung paano niya tinapos ang lahat nang samin, kung paano niya niwakasan ang kwento namin na sa totoo lang wala pa kaming nasisimulan, na kung paano niya winasak ang puso ko na hanggang ngayon naghihirap makabangon. 

Ang alam ko lang pinilit ko ang sarili kong magreview, magpakabusy sa school nang ilang linggo at hanggang sa nagdaan ang examination namin. Hindi ko hinayaan na makaapekto itong problema ko sa pag-aaral dahil marami ang naghihintay sakin makapagtapos. Ayoko sila biguin. 

Sa tuwing pumapasok ako sa school, walang araw ko siyang hinahanap. Pumupunta pa ako sa building nila para silipin siya pero si Zack lang ang naaabutan ko.


     "Hindi kaba napapagod sa kakahanap sa kanya?" tanong sakin ni Zack.

Martir na kung martir. Ang gusto ko lang siya makita.

Hindi ko siya sinagot sa tanong niya dahil alam naman niya kung ano ang sagot ko doon. Araw arawin ko ba naman ang kakapunta sa building nila para i-check siya.

     "Hindi ba siya pumapasok? Paano na yung pag-aaral niya?" tanong ko.

Tinapik niya ang balikat ko. "Pumapasok siya, hindi mo lang siya nakikita."

At doon palang sa sagot ni Zack nadagdagan na naman ng panibagong basag sa puso ko. Ilang araw narin niya pala ako iniiwasan.

     "Alam mo bumalik kana sa room mo may next class ka pa."

Dahan dahan ako tumango sa kanya.

     "O sige na babalik narin ako sa room ko. Hindi na kita mahahatid sa building mo baka malate ako." huling sabi ni Zack bago pumasok sa room nila.

Naglakad na ako pabalik sa building namin. 

Ayos na kami ni Zack, nagkakausap na kami hindi gaya dati na halos 'di niya ako kilala. Pero hindi na namin kaya pang ibalik yung sobrang closeness namin. Ramdam ko ang pagbabago ng trato sakin ni Zack. May pader na sa pagitan namin na ultimong pag-galaw at pagsasalita niya halatang pinag-isipan masyado. Nag-iingat sa mga gagawin niya, sa mga ikikilos niya.



Pero ayos na 'to kesa sa hindi niya ako kausapin o pansinin.



Nang makarating ako sa room si Avery agad ang bumungad sakin. Nakapamaywang ito at nakakunot pa ang noo.

     "Hindi ko na itatanong kung saan ka galing."

Nilagpasan ko siya at naupo sa upuan ko. Itinulak ni Av ang upuan niya palapit sakin at naupo rin.

     "Kailan kaba titigil sa kakahanap diyan sa manloloko mong ex?"

Umiling ako sa kanya. 

     "Anong ganun..." sabi ni Av at ginaya niya ang pag-iling ko. "One weeks mo na 'tong ginagawa te. Ako ang napapagod at nahihirapan sayo."

Napayuko nalang ako sa desk ko at hinahayaan siyang magsermon.

     "Alam kong sobrang hirap ng kondisyon mo ngayon pero sana naman huwag mong pabayaan ang sarili mo. Hindi mo nga pinapabayaan yung studies mo pero yung sarili mo naman ang pinapabayaan mo. Pumapasok ka nang walang kain tapos pagdating pa dito sa school 'di ka rin kakain kasi nandoon ka sa bulding ng manlolokong 'yon."

I Married my Halimaw - Book 2 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon