Chapter 21: Lose
"Mom! I'm home." sabi ng batang lalaking eight years old. Sinalubong siya ng kanyang ina na naka-extend ang mga kamay. Tumakbo ang bata palapit sa ina at isang mahigpit na yakap ang ibinigay niya.
"How's your day, baby boy? How's school?" tanong ng ina.
"Look at this mom, I got perfect score." kinalkal ng bata ang kanyang bag para ipakita ang test paper niya sa kanyang ina.
Malaking ngiti ang binigay ng ina sa kanyang anak. "Good job anak! Dahil diyan may reward ka sakin." Dinala niya ang kanyang anak sa kusina. Naupo ang bata sa upuan samantalang ang ina ay binubuksan ang oven at nilabas niya ang mainit-init na cookies.
Tuwang tuwa ang bata habang sineserve sa kanya ito. Sinamahan ng ina ng malamig na juice. Isinalin niya ito sa baso bago ibigay sa anak. Masaya nilang pinagsaluhan ito.
"It's so delicious!" nakangiting sabi ng batang lalaki.
"Dahan-dahan lang, walang aagaw sayo niyan." natatawang sabi ng ina.
"Nasaan ang mag-ina ko?" tanong ng isang lalaki na kakapasok lang sa kusina.
Dali-daling bumaba ang bata sa upuan para salubungin ng yakap ang kanyang ama na kakarating lang galing sa trabaho.
"Daddy!" sigaw niya. Kumalas siya sa pagkakayakap at nagmano ito.
"How's my baby boy?" sabi ng ama.
"Strong as always!" pinakita pa niya ang kanyang muscle sa braso. Bahagyang pinisil ito ng ama.
"Wow! Lumalaki ng yung muscle mo."
"Lalakihan ko pa 'yong sayo daddy." nakapamaywang na sabi ng bata.
"So you need to sleep early and eat nutritious." tumango ang bata sa ama bago bumalik sa kinauupuan at sinimulan kumain ulit ng cookies.
"Paano ka lalaki niyan kung cookies kinakain mo. Si mommy talaga oh, tsk!" sabi ng ama.
Naglakad ang kanyang ama papunta sa kanyang ina para bigyan ng halik sa noo.
"Hayaan mo na yung bata nakakuha siya ng perfect score sa test paper niya." sabi ng ina.
"Ok fine. After niyan baby boy brush your teeth para hindi masira ang teeth mo. Got it?"
"Sure dad!"
"Anyways anak may iuutos ako sayo." napatingin ang bata sa kanyang ina. Nakita niyang nilalagay sa basket ang ilang mga cookies.
"Bigay mo naman 'to doon..." turo ng ina sa tapat ng bahay nila. "Sa bagong kapit-bahay natin."
Tumango ang bata. Uminom siya ng juice at saka niya binitbit ang basket. Nagsimula na siyang maglakad palabas ng bahay.
"Our baby boy grows up." sabi ng ama.
Tumango lang ang ina. Pinulupot ng ama ang kanyang kamay sa bewang ng ina. Takang tumingin ang ina ng bata.
"Bakit hindi natin sundan pa ng isa si baby boy?" nakangising sabi niya.
Napapalo lang ang ina sa dibdib ng ama ng bata. "Tumigil ka nga. Bitaw na, maghuhugas pa ako."
Umiling ang ama. "Kiss me first. Napagod ako sa trabaho." nakangusong sabi niya.
"Fine, bibitaw ka pagkatapos ha." Tumango ito sa kanya kaya binigyan niya ito ng mabilis na halik ito ngunit nang hihiwalay na siya hinawakan ng ama ng kanyang anak, ang kanyang ulo para dumikit muli ang kanilang mga labi. Ang mabilis na halik ay napunta sa matagal na halik.
![](https://img.wattpad.com/cover/141998628-288-k149778.jpg)
BINABASA MO ANG
I Married my Halimaw - Book 2 (Completed)
RomansaNOTE: Kung hindi mo pa nababasa ang I Married my Maid, hindi mo pa ito maaaring basahin dahil ito ay ang book 2. Maguguluhan kayo kung sakaling ito ang uunahin niyong basahin. Basahin muna ang I Married my Maid bago ito. Ang nasabing story ay makiki...