Chapter 24: Date

1.2K 34 4
                                    

Chapter 24: Date

Lucky's POV

Masasabi kong swerte yung halimaw na yun dahil wala akong schedule ng pasok ngayong araw. Kung hindi, walang date na mangyayari ngayon. 

     "Matagal pa ba?" tanong ko kay Maica.

     "Konting curl nalang dito." sagot niya.

Wala rin siyang pasok gaya ko. Nang mabalitaan niya na may date na mangyayari samin, bigla nalang siya nagpresinta na mag-ayos sakin. Kaya kinabukasan maaga siyang pumunta sa bahay at kasalukuyan niyang kinukulot ang buhok ko. 

     "Bilisan mo na diyan baka bigla siyang dumating."

Napatawa si Maica. "Chill ka lang girl. Gusto mo bang magmukhang basahan sa date niyo. Last date niyo na nga lang hindi mo pa paghahandaan." 

     "Oo na, bilisan mo nalang diyan."

Sinundot niya bahagya ang tagiliran ko. "Uy! Excited na excited kana sa date niyo ah."

     "Tumigil ka nga. Nangangati na kasi yung ulo ko."

May part na excited ako dahil ito yung first date ko. First date namin at the same time last date ko rin sa kanya. Pero  ang totoo niyan, kinakabahan ako dahil wala naman kasi siyang sinabing exact time. Ang sinabi lang niya ay susunduin ako kaya heto ako nakaayos na. Nakasuot ako ng color peach na off shoulder dress na hanggang tuhod at ang sleeve ay hanggang sa wrist. 

     "Lucky." tawag sakin ni Maica.

     "Hmm?" sagot ko habang nakatitig sa phone ko. Nag-aabang ako kung tatawag ba siya o magtetext.

     "What if humingi siya ng another chance sayo?"

Umiling ako. "Hindi na siya hihingi ng chance. Sabi nga niya kahapon tanggap na niya."

     "E bakit may panghihinayang yang boses mo?" agad akong napalingon sa kanya.

     "Hoy ikaw ah! Magtigil-tigil ka nga." sigaw ko.

Kung nandito lang si Av siguradong tutol yun. Ito kasing si Maica boto parin doon sa halimaw na yun. Kahit na anong mangyari daw, sa kanya parin ang boto. Ang lagi lang niyang sinisingit sa tuwing magdadoubt ako ay, kesyo may rason siya, kesyo may gumugulo lang sa kanya, kesyo mahal daw ako nun. Pero huli na, nakapagdesisyon na ako.

     "Teka nga magkwento ka nga sakin. Nakakagulat 'tong biglaang date niyong dalawa. Medyo naguguluhan pa ako sa nangyayari." kaya habang inaayusan niya ako kinukwento ko lahat-lahat sa kanya. Tulad ko rin, naguluhan din siya sa kung anong sinabi sakin ni Tracy kahapon.


     "Lahat ng mga ginagawa ni Slade ay para sa ikabubuti mo. Everything he does is for you. Never siya naging akin at never ako naging kanya. Walang nag-grow na relationship between me and him. Pagpapanggap lang niya lahat yun para sayo. I hope huwag kana magalit sa kanya, nagawa lang niya yun dahil sayo. Ganun ka niya kamahal."


     "Ano kaya yung gustong sabihin sayo ni Tracy?"

Nagbikit-balikat lang ako sa kanya. "Hindi ko alam. Wala akong maintindihan sa mga pinagsasabi niya."

Napahawak siya sa baba niya at nag-isip ng malalim hanggang sa bigla nalang siya napasigaw na tipong nakuha na niya yung sagot.

     "Ano? Alam mo na ba kung anong ibig sabihin niya?" tanong ko agad.

Umiling siya. "Hindi e." at natawa nalang siya.

     "Aba siraulo ka. Akala ko naman nakuha mo na."  

I Married my Halimaw - Book 2 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon