Chapter 33: Ring
Lucky's POV
Biglang lumiwagan ang mukha ko. "Ayun naman pala. Bukas na bukas sasabihan ko siyang magpasurgery."
"Pero hindi pwede si Lhunar?"
"Why not?" Alam kong nag-aalala din si Lhunar sa kanya. Kita ko rin ang pagiging concern niya sa kapatid niya kahit na ang tingin sa kanya dito ay kaaway. Alam kong pagdating dito ay hindi siya aayaw o aatras.
"May sakit sa puso ni Lhunar at ang sabi ng doktor ay baka hindi niya kayanin baka mas lalong lumala lang."
Yung liwanag na meron sakin unti-unti ng humihina hanggang sa dumilim na naman.
"And hindi rin pumapayag si Slade." Alam ko at hindi na nakakapagtaka kung bakit.
"So paano na? Kailangan ko makaisip." Nakayuko na ako.
"Magpahinga ka muna tsaka mo na isipin yan." Tinignan ko siyang lumalabas ng pinto.
Napahiga na ako sa kama at pumikit. Hindi ko parin mapigilanisipin kung anong pupwedeng makatulong kay Slade para gumaling siya. Hindi ako papayag sa kunin siya sakin. Kailangan ko makapag-isip. Dahil sa pagod ko, hindi namalayan nakatulog na pala ako.
Kinabukasan pagkagising ko ay nakita ko sina mama, lola at kuya na nakaupo, may hahawak itong phone. Nang makita ako ni mama agad niya akong pinalo sa braso.
"Aray naman ma." Inda ko.
"Hindi ko talaga alam kung anong pumasok diyan sa isip mo at bakit ka napadpad dito. Nakikita mo yang paa mo ha! Pasaway kang bata ka!" Pinalo palo niya pa ako pero buti nalang pinigilan siya ni lola.
"Iha, wag kang aalis nang hindi ka nagpapaalam. Alalang alala kami sayo."
"Sorry po lola, sorry ma."
"What will you do now?" Napatingin kami kay kuya na tumayo na at lumapit samin.
"Ano? Gusto mo ulit magstay sa lalaking 'yon?" Kumulo ang dugo ko sa sinabi ni kuya dahil hind ko gusto ang pagkasabi niya doon.
"Alam kong galit ka sa kanya pero kuya may sakit siya. Kailangan niya ako."
"Ang pagkakaalam ko hindi ka grumaduate ng nurse."
"Kuya!"
"Pag-gumaling na yang paa mo. Umuwi kana." Huling sabi ni kuya bago lumabas ng pinto.
Napaluha na naman ako. Kailan ba ako mauubusan ng luha? Niyakap ako ni mama at hinagod hagod pa ang likod ko.
"Pagpasensyahan mo na ang kuya mo, nag-alala lang yun sayo kagabi kaya siya ganyan."
"Hindi ko alam kung bakit ang laki ng galit niya kay Slade. Ma, may sakit si Slade kailangan niya tayo. Please tulungan natin siya." Tinignan ko ng seryoso si mama.
Tumango ito sakin. "Alam ko anak. Pero ang sabi mababa lang ang chance—"
"Puro kayo ganyan. Kung ayaw niyo, ako nalang ang tutulong."
"Anak naman. Alam ng doktor ang lahat kaya ipaubaya mo nalang sa kanila ito."
"Ma, ayaw mo ba o—"
"Gusto ko siyang tumulong pero hindi ko alam kung papano."
Napayakap nalang ulit ako kay mama. "Hindi ko na alam ang gagawin ko ma. Pero ayoko mawala sakin si Slade. Ayoko."
BINABASA MO ANG
I Married my Halimaw - Book 2 (Completed)
RomansNOTE: Kung hindi mo pa nababasa ang I Married my Maid, hindi mo pa ito maaaring basahin dahil ito ay ang book 2. Maguguluhan kayo kung sakaling ito ang uunahin niyong basahin. Basahin muna ang I Married my Maid bago ito. Ang nasabing story ay makiki...