Chapter 17: Like this
Lucky's POV
"Ano magmumok-mok ka nalang dito?" tanong sakin ni Avery.
"Tatlong na daw ang nakalipas Lucky na panay kulong mo rito." dagdag na sabi pa niya.
"Tinatamad akong gumala ngayon Av. Gusto kong mahiga lang."
Bumuntong hininga siya. "Ganto ba talaga pagbuntis. Ngayon na nga lang tayo nagkita. Nakakatampo."
Napatanggal ako ng kumot sa mukha ko at tinignan siya. Tama ang hinala ko, nakabusangot na siya.
"Ok fine, aalis na tayo. Hindi mo naman kailangan pang konsensyahin ako."
Bigla siyang pumalakpak nang malakas sabay tayo sa pagkakaupo sa kama.
"Let's go!" sigaw pa niya.
Iniwan ko muna si Av sa kwarto ko habang naliligo ako sa banyo. Hindi ko na napapansin yung mga araw na nagdaan sa buhay ko. Panay kain-tulog, gising-tulog nalang ang inaatupag ko. Sina Maica at Angel nag-out of town ang pamilya nila para sa pagdiriwang ng pasko. Oo, magpapasko na at nararamdaman ko na yun dahil sa mga dekorasyon na nilalagay ni mama sa buong bahay namin.
Paglabas ko ng banyo naabutan ko si Av na nakatitig sa phone niya habang tunog ito nang tunog.
"Oh bakit hindi mo sinasagot yan?" takang tanong ko.
Pinasok lang niya sa bag ang kanyang phone na tumutunog.
"Hindi siya worth it para sagutin." sagot niya.
Lumapit ako sa kanya. "Sino ba kasi yan?"
"Si Xavier lang yun."
Sinundot ko ang tagiliran niya. "Uy! Anong meorn sa inyong dalawa?" biro ko.
"Magtigil ka nga Lucky. Alam mo naman na kung paano kami magpatayan nun."
Lumayo na ako sa kanya para mag-ayos ng sarili gaya ng pagpapatuyo ng buhok at ng bag nadadalhin.
"Oo na oo na, sabi mo e." sabi ko habang nagsusuklay.
Kaharap ko ang salamin na kung saan kita ko ang aking repleksyon. Malantang mukha ang aking naaninag at bakas talaga na hindi ako nasisinagan ng araw. Hindi ko magawang lumabas ng kwarto dahil lagi siyang nasa amin.
Oo nagpupunta dito si Slade para kausapin ako. Sa tatlong araw na yun hindi ko naaninag ang mukha niya pero yung presensya niya ramdam ko sa labas ng kwartong ito. Katok at panay tawag sa pangalan ko ang tanging ginagawa niya. Buti nalang hindi ako pinapakialaman nila mama, lola at maski si kuya na iritang-irita sa kanya sa tuwing nandito siya sa pamamahay namin.
Kahit hindi nila alam yung buong dahilan kung bakit ako nagkakaganto hinahayaan lang nila ako. Maski malaki na daw kami at magkakaanak na. Kaya naman daw namin ihandle 'tong problema namin nang kami lang.
Buti nalang paglabas namin ni Av walang halimaw sa pintuan ko at sa paligid ng bahay namin. Mukhang hindi pa siya nagpunta ngayon araw na 'to.
Sumakay kami sa kotse ni Av. Syempre siya ang nagdrive. Hindi nila ako pinapayagan magdrive. Tinungo ni Av ang isang mall. May gusto daw siyang panoorin sa cine at naghahanap lang talaga ito ng makakasama.
Nang makababa na kami hindi ko na natiis magtanong sa kanya.
"Bakit hindi nalang si Justin itong isama mo manood? Teka nasaan nga ba siya?"
"Ayaw mo ba talaga ako kasama? Hinahanap mo pa yung taong wala dito." nakabusangot na sabi niya.
Heto na naman kami.
BINABASA MO ANG
I Married my Halimaw - Book 2 (Completed)
RomanceNOTE: Kung hindi mo pa nababasa ang I Married my Maid, hindi mo pa ito maaaring basahin dahil ito ay ang book 2. Maguguluhan kayo kung sakaling ito ang uunahin niyong basahin. Basahin muna ang I Married my Maid bago ito. Ang nasabing story ay makiki...