Hi! I just want to dedicate this chapter for you 'cause, I'm happy reading all the comments you leave here. Thank you!
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Chapter 22: Last
Lucky's POV
Pagkamulat palang ng mga mata ko agad kong hinagilap ang paligid kung may tao, pero nabigo ako. Isa lang ang tanging alam ko, nasa hospital ako. May nakita din akong mga nakakabit sakin. Nang maalala ko kung anong nangyari sakin agad akong napahawak sa tiyan ko.
"Baby?" tanong ko.
Diba okay ka lang? Since okay lang ako, okay din siya hindi ba? Pero bakit pakiramdam ko may kulang. Kinapa-kapa ko pa yung tiyan ko. Sa tuwing kakapain ko 'to, ramdam ko si baby sa loob pero ngayon bakit hindi ko siya maramdaman. Bigla nalang ako napaluha at nakaramdam ng takot.
"Baby..." nanginginig na ang boses ko.
Nang makarinig ako ng pagbukas ng pinto agad akong tumingin doon at nakita ko si Slade. Napabangon ako sa pagkakahiga. Wala pang isang minuto nasa tabi ko na siya.
"Thanks god, you're awake. May masakit ba sayo? May kailangan kaba? Tell me?" sunod sunod na tanong ni Slade habang tinutulungan akong bumangon. Pero kahit isa sa tanong niya hindi ko nagawang sagutin.
"Yung baby natin?"
Hindi siya nagsalita bagkus nakatingin lang siya sakin na tila inaaral yung magiging reaksyon ko. Nakaramdam na ako ng takot sa tingin na yun. Inulit ko sa kanya yung tanong ko, wala parin ako nakuhang sagot. Hinatak ko ang kuwelyo niya palapit sakin.
"Slade magsalita ka naman..." naiiyak na sabi ko. Umiwas siya ng tingin sakin.
"I'm sorry." Yan lang ang tanging sinabi niya sa lahat ng tanong ko. Yan lang ang tanging sinagot niya.
Sorry
Napabitaw ako sa kuwelyo niya at napahawak sa tiyan ko. Napaluha nalang ako nang wala na talaga ako maramdaman. "Baby..."
Umiling-iling ako. "Hindi... Baby ko..." basag na yung boses ko dahil sa pag-iyak. Naramdaman ko ang pagyakap sakin ni Slade.
"I'm sorry... Our baby is gone."
Sa sinabi niyang 'yon nakaramdam ako ng kirot sa puso ko. Nawasak lahat ng mga pinapangarap ko sa araw na maipanganak ko yung baby ko. Na sabi ko, papalakihin ko siya kahit na walang ama. Bibigyan ko siya ng maayos na pamumuhay kahit na kulang kami. Kahit maaga palang napaghandaan ko na yung mga gagamitin niya sa oras na mailabas ko siya. Handang handa na, kaso ano 'to?
Bakit ba nangyayari sakin ang lahat nang ito?
"I'm really sorry." panay sabi niya. Kinalas ko ang mga bisig niya na nakapulupot sa katawan ko. Nang makalas ko ang kamay niya tinulak ko siya palayo sakin.
"Wala kang kuwenta Slade..." mahinahong sabi ko. Hinang-hina ako sa nangyayari ngayon. Gusto ko siyang sampalin, suntukin, tadyakin. Gusto ko magwala.
Galit. Punong puno ako ng galit.
"Bakit wala kang ginawa Slade? Diba sabi ko sayo iligtas mo yung baby natin pero ano ginawa mo? Hinayaan mong makuha nila yung bata. Naconsider mo ba na anak natin yung nawala? Yung batang walang kamuwang-muwang... yung nawala satin." nanlalabo na yung mga mata ko dahil sa sunod-sunod na pagtulo ng luha ko.
BINABASA MO ANG
I Married my Halimaw - Book 2 (Completed)
RomanceNOTE: Kung hindi mo pa nababasa ang I Married my Maid, hindi mo pa ito maaaring basahin dahil ito ay ang book 2. Maguguluhan kayo kung sakaling ito ang uunahin niyong basahin. Basahin muna ang I Married my Maid bago ito. Ang nasabing story ay makiki...