Chapter 18: Jealous

1.5K 37 3
                                    

Chapter 18: Jealous

Lucky's POV 

Pagod at naghahabol kami ng hininga habang magkayakap na nakahiga sa kama ko. Sa mismong kama ko at oo, ginawa namin yun. Hindi narin ako nakapagpigil dahil maski ako hindi ko nakontrol yung sarili ko. Sobra akong nadala sa bugso at init ng katawan. Hindi ko alam kung tama ba 'to. Makakasama ba 'to sakin? Buntis ako pero nag... ganunan kami. 

Ok lang ba? Ugh!

Binuhat niya yung ulo ko at pinahiga sa kanyang braso pagkatapos ay pinagapang niya ang kamay sa aking bewang at niyakap ako ng mahigpit. Halos mapahalik na ako sa hubad niyang dibdib.  

Nananig ang katahimikan tanging hingi nga lang namin ang aming naririnig. Pumikit ako at dinikit ang tenga ko sa bandang dibdib niya. Narinig ko yung tibok ng puso niya doon at yung pag-galaw ng dibdib dahil sa kanyang paghingang dahan dahan. Naramdaman ko ang paghalik niya sa noo ko at nagsalita pagkatapos. 

     "Balita ko bumili ka daw ng crib."

Tumango ko kahit nakadikit parin ako tenga ko sa dibdib niya. 

     "Alam ko medyo maaga pa para doon pero ang cute kasi."

Narinig ko ang pagtawa niya na sobrang tagal kong hindi narinig kaya tumingala ako para makita siya. Agad rin nagbago ang expression. Sumimangot ako. 

     "Anong tinatawa-tawa mo ha?" 

Hinawakan niya yung pisngi ko. "Ang cute mo kasi."  

Matapos niya sabihin yun nagkatitigan kami. Nakita ko pa na tumingin siya sa labi ko sabay halik. Bumalik na naman yung pagiging kissing monster niya. Mahabang halik ang binigay niya. Habang magkalapat ang aming mga labi bumalik ako sa reyalidad. Oo reyalidad dahil itong mga ginagawa niya, ginagawa namin puro pantasya. Yung reyalidad namin ay galit ako sa kanya at hindi kami ayos na dalawa. 

Tumigil siya sa paghahalik sakin nang hindi na akong sumasagot sa halik na ginagawa niya. 

     "Why? What's wrong?" may pag-aalala yung mata niya ngayon. 

     "Fine ako na mag-aasemble ng crib. Bukas na bukas."

Bumango ako at medyo gumawa ng space sa pagitan namin. Niyakap ko ang ang kumot sa katawan ko. Naramdaman ko rin ang pag-galaw niya. Bumangon din siya at lumapit sakin pero pinigilan ko siya sa pagtaas ng kamay ko. Tumingin ako ng seryoso sa kanya. 

     "Sa totoo lang Slade hindi ko alam kung anong ginagawa natin o bakit natin 'to ginagawa. Alam ko na alam mo na may problema tayong dalawa. Hindi ko alam kung anong tumatakbo diyan sa utak mo."

     "Hindi mo ba nagustuhan?"

     "What the fuck Slade!" sigaw ko.

     "Ayan na naman yung stupid answer mo."

     "I'm sor—" I cut

     "I don't need your apology."

     "What the hell Lucky. Ito na naman tayo." napasabunot siya sa buhok niya.

     "Bakit ba ganyan kayong mga babae. Ang hirap niyong intindihin. Ang hirap niyong suyuin."

Nanlaki ang mata ko. "At kami pa ang may kasalanan? Hindi kami magkakaganto kung wala kayong ginagawang mali, Slade."

     "What? So mali 'tong ginagawa natin?"

Napahilamos ako ng mukha dahil sa inis sa kanya.  

     "Kung wala kang masasagot na maayos please lumabas ka nalang." 

     "Tapos hindi mo ulit ako papansinin. Ayoko."

I Married my Halimaw - Book 2 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon