Chapter 27: Pouring Down

1.3K 39 14
                                    

Chapter 27: Pouring Down

Lucky's POV

     "Lucky?"

Napalingon ako at nakita ko si kuya. Hindi ko napansin yung paglapit niya sakin. Nabuksan narin pala niya yung ilaw kaya medyo napapikit ako dahil sa liwanag. 

     "Pinaiyak ka na naman ba nang loko yun?" galit na tanong ni kuya. 

Sumilip pa siya sa likuran ko pero pinigilan ko na siya sa pagtangkang lumabas ng bahay.

     "Wala na siya kuya."

     "Pagkarinig ko palang kay mama na may date kayo, alam ko na yung mangyayari. Bakit ba ang kulit mo?"

Pinunasan ko yung mga luhang tumutulo parin hanggang ngayon. "Don't worry kuya last na yun."

     "Talagang last na yan dahil hindi na yan makakalapit pa sayo."


Hindi na talaga kuya. 


Panay punas ko lang ng luha ko. Nagulat nalang ako nang yakapin ako ni kuya at hinagod hagod pa niya ang likod ko. 

     "Forget him already. Hindi ka pinanganak para saktan at iyakan mo siya." tumango tango ako habang yakap yakap parin niya ako. 

Saglit lang ang tinagal ng yakap na iyon. Kinalas din niya yung bisig niya sakin at pinasok niya ang kayang mga kamay sa bulsa ng short niya. Hindi talaga showy si kuya. Hindi narin 'to makatingin sakin ng diretso. Napangiti ako sa kanya. Oo ang cold niya pero may warm parin sa puso niya. 

     "Just focus on your studies, tandaan mo ikaw na maghahandle ng hotel and restaurant kaya umayos kana."

     "Grabe ka naman sakin kuya kahit na nagkakaganito ako hindi ko napapabayaan yung pag-aaral ko."

Nagcross arm siya sakin. "I'm just saying, baka kasi nadadamay yung pag-aaral mo sa walang kwentang lalaking yan."

     "Hindi siya walang kwenta ikaw."

     "May matino bang lalaking magpapaiyak ng babae?"

Pumasok na ako ng bahay at sinarado ang pinto. "You never been in love kuya kaya hindi mo alam yung feeling nang ganto."

Nagchuckle siya. "Wala kang alam sakin."

Seryosong tumingin ako sa kanya. "What? May girlfriend kana?"

Nakita ko ang gulat niyang pagmumukha.

     "Ang usapan in love at pwede bang 'wag kang maraming tanong. Yan ang ayaw ko sa mga babae."

Ako naman ang napangisi. Lumapit ako sa kanya at sinimulan kong sundot sundutin yung braso niya. 

     "Would you mean to share your story for me. Minsan na nga lang tayo nag-usap nang ganto." pangtutukso ko. Natigil din ang pag-iyak ko dahil nagkaroon ako ng interest sa kwento ni kuya. 

Naglakad lang papasok si kuya sa kusina. Sinundan ko lang siya at kinukulit na magkwento.

     "Magkukwento na yan. Dali na kuya."

Binuksan ni kuya ang ref at kumuha ng pitsel. Nagsalin siya ng tubig sa baso at uminum, pagkatapos ay tumingin siya sakin. 

     "Alam mo ba kung anong oras na? Matulog kana nga."

I knew it. Hindi siya magkukwento ng mga bagay tungkol sa buhay niya at lalo naman sa lovelife niya. Lalaking lalaki si kuya. Malihim, cold at hindi showy na tao. Magugulat nalang ako na one time may girlfriend na siya. Mukha kasing mahirap mareach yung standard ni kuya.

I Married my Halimaw - Book 2 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon