Chapter 28: Your voice

1.2K 40 14
                                    

Chapter 28: Your voice

Lucky's POV

      "Hmm... hindi ko na tatanungin kung ano yun." natatawa niyang sabi.

     "I wonder if it's going to stop soon." dagdag pa niya. 

Niyakap ko lang ang sarili ko.  "I... I don't know."

     "Oh! Perhaps you're the rain-bringer?" napatingin ako sa kanya matapos niya sabihin 'to.

     "I'm not a rain-bringer." sagot ko at bigla nalang siyang tumawa.

     "Hindi nga?"

     "Hindi nga!" medyo lumakas ang boses ko kaya bigla nalang siya natawa maski ako natawa sa sarili ko. Hindi ko namamalayan na ang gaan-gaan ng pakiramdam ko sa kanya kahit na ito palang yung unang beses namin magkita. Alam mo yun, bigla bigla ka nalang makakaranas ng unexpected things gaya na lamang nito. 

Natigil lang kami sa pagtawa nang magtanong siya sakin.

     "So, what's behind the story of this beautiful girl who help those street children?" nakangisi niyang sabi. 

     "Beautiful ka diyan." natatawang sabi ko.  Napatingin ako sa mga bata. Masaya silang kumakain, napangiti na lamang ako. "Well, wala naman dapat na reason behind of this or story especially when it comes to helping others. Ang pinopoint dito ay yung makatulong ka nang hindi ka napipilitan dahil ang pagtulong ay dapat kusang loob. Free kumbaga."

     "Hmm... so you are talkative."

Agad akong napalingon sa kanya. Naningkit ang kanyang mga mata at yung kamay niya ay nasa baba pa na tila sinusuri niya ako maigi. Napaatras ako bigla at napansin niya ito. Tinaas niya ang kanyang dalawang kamay na tila suko na siya. 

     "I'm just kidding, don't take it seriously." at natawa na naman siya.

Weird pero mukha siyang masayahing tao. Marasap kasama yung mga gantong tao, at oo bigla bigla nalang ako nakakaramdam nang ganto. Gusto ko siya makilala. Binaba na niya ang kanyang mga kamay at saka tumingin sa mga bata. 

     "I'm so amaze na meron pang mga taong tumutulong sa kanila. Thank you." 

     "No, thanks to you."

     "For what?" sagot niya pero hindi parin siya tumitingin sakin. 

     "For helping this kids when I'm not around with them."

     "It was an honor for me to help with this kids. Honestly, whenever I see people like them, I saw the old me."

Old you? Teka!

     "You're..."

     "Yup, naging isa rin ako sa kanila kaya malapit ako sa mga tulad nila." nakangiting sabi niya. 

Bigla akong natahimik. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Hindi ko man alam kung ano yung pinagdaanan niya pero alam ko sobrang hirap. Lumingon siya sakin. 

     "Oh bat hindi kana nagsalita diyan?"

Napayuko ako. "Sorry."

Natawa siya. "Bat ka nagsosorry?"

     "Kasi..."

     "Oh! Tumigil na yung ulan." napatingala ako sa kanya. Nakatingin siya sa labas. Sinundan ko siya ng tingin at tama siya, walang nang ulan. 

     "I was a adopted and don't look pity on me, okay?" 

Nakangiti akong lumingon sa kanya at sabay tango. Punong puno siya ng positve at happy mode sa katawan. He looks like a sun shining. Bigla akong natigil at napayuko na naman. 

I Married my Halimaw - Book 2 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon