Chapter 31: Gift

1.2K 31 2
                                    


Chapter 31: Gift

Lucky's POV

     "Ma alis na po ako." paalam ko.

     "Osige mag-iingat ka ah."

Tumango ako. Kinuha ko na yung bag ko tsaka lumabas ng bahay. Panibagong araw na naman. Dati maaga ako nagigisng para pumasok sa school, ngayon naman ay para pag-aralan yung magiging trabaho ko. Sobrang bilis lang talaga magdaan ang araw sa tao. Binuksan ko ang pintuan ng kotse nang may nalaglag na kumikinang na bagay at nagpagulong gulong ito palabas ng gate namin.

Singsing?

Sinarado ko muna yung pinto ng kotse at sinundan ang gumugulong na singsing. Hindi ko alam kung saan galing yung singsing. Tumakbo pa ako ng mabilis para maabot ko yung singsing at nagawa ko rin. Hindi ko pa nakikita yung singsing bigla nalang ulit ito nalaglag at nagpagulong-gulong ulit. Napatingin ako sa nakabanggan sakin.

     "Sorry miss." sabi ng babae.

     "Ok lang po." tumakbo ulit ako para habulin yung singsing. Hindi ko alam kung bakit ako nagpapakapagod habulin yung singsing. Tinamaan ako ng curiosity. Nang maabot ko ang singsing at matignan ito, nanlaki ang mata ko. Sobrang pamilyar sakin ng singsing na 'to at hindi pwedeng magkamali ako dahil alam na alam ko yung detalye ng singsing na binalik ko sa kanya.

Umingay ang paligid. Kumunot ang noo ko nang marealize ko kung nasaan ako. May nurse at doktor, mga pasyenteng naghihintay ng lunas sa kanilang sakit. Bat napadpad ako sa hospital? Bigla akong nabunggo ng mga nurse at doktor. Mga nagmamadali ito. Kusa na lamang naglakad ang paa ko at sinundan ko sila. Hindi ko nakita kung anong meron sa loob ng operating room dahil hindi ko na nagawa pang pumasok doon nang may narinig akong boses.

     "Lucky..." 

Ang tagal ko rin hindi narinig yung boses na yun. Lumingon ako at hindi nga ako nagkamali.

     "I'm glad to see you for the last."

Una sa lahat hindi ko alam kung anong nangyayari at kung paano ako napadpad dito. When I saw Slade, mas lalo akong naguluhan at anong sabi niya last? What does it mean? Ang dami kong tanong pero kahit isa walang lumabas sa bibig ko. Hindi parin kasi ako makapaniwala na makikita ko siya dito.

Lumapit ito sakin at hinawakan ang kamay ko. Nagulat ako ng maramdaman ko ang malamig niyang kamay. Para siyang yelo sa lamig. Kinuha niya yung singsing sa kamay ko. Pinagmasdan niya ito na tila minememorize niya yung bawat parte nito. Kinuha niya ulit ang kamay ko. Gusto ko talaga siyang tanungin kung bakit ganto kalamig yung kamay niya pero parang naubusan ako ng boses. Nakita kong dahan dahan niyang sinuot sakin ang singsing.

     "Always remember that I, Slade, truly love you at the end of my life."

Magrereact na sana ako nang marinig ko ang pagbukas ng pinto ng O.R kaya napalingon ako. May hinahila silang nakahiga. Lahat sila ang malungkot na lumalabas. Nang makalagpas sila sakin, may nakita akong sobrang pamilya sakin. Walang takip ang mukha tanging katawan lang niya ang may kumot. Nang mapansin nilang walang takip ang mukha nito hinila ng nurse ang kumot pataas hanggang sa matago na ang mukha ni Slade.

Gulong gulo ako. Kanina lang nandito si Slade. Napatingin ako sa paligid wala akong nakitang Slade. Naramdaman ko ang pagbuhos ng luha ko. Kahit nanlalabo ang mata ko kitang kita ko parin ang paglayo nila dala ang walang kabuhay buhay na katawan ni Slade.

     "Slade!"


Pawis na pawis at lumuluha akong nagising.

     "Panaginip?"

Bakit parang totoo? Napatingin ako sa daliri ko na kung saan doon niya ako sinuotan ng singsing. Bakit may ganto akong panaginip? Bakit? Kahit kumakain na ako ng breakfast, hindi parin mawala sa isip ko yung panaginip na yun. Sobrang linaw pa sakin ang lahat.

I Married my Halimaw - Book 2 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon