Chapter 34: Lines
Lucky's POV
One week na ang nakalipas matapos kong malaman ang tunay na kondisyon ni Slade. Sa loob ng isang linggo, hindi na kami mahiwalay ni Slade. Sa pagkamulat ko palang sa umaga, pumupunta ako sa kwarto niya dala dala ang pagkaing gawa ni mama at sabay kaming kakain. Naging masipag nang uminom ng gamot si Slade. Ang sabi kasi sakin itinigil niya daw ito dahil wala na daw epekto ito at imposible na gumaling. Kaya naman galit na galit ako sa kanya.
Sa hapon naman ay pumupunta siya sa rehabilitation room para sa kanyang pagtatry lumakad. Hindi niya alam na nakatingin ako araw araw sa kanya nang hindi niya namamalayan. Ayaw niya kasi akong makita nahihirapan siya. Halos lumabas ang mga ugat niya habang nakahawak sa riles na bakal. Mga tumatagaktak na pawis at naghahabol pa ito ng hininga. Kitang kita ko ang pagpupursigi niyang mailakad ang kanyang mga paa. Hanggang anim't pito lang ang kaya niyang ihakbang at natutumba na siya. Hindi niya kayang makaabot sa dulo ng riles. Pero hindi parin siya sumuko. Kahit na nakakailang laglag na siya, tuloy parin siya sa pagtayo at babalik sa simula para lumakad muli.
Pinagdikit ko ang dalawa kong kamay.
"Kaya mo yan Slade."
"He's good uh."
Napalingon ako. Sa gawing kanan ko, nandoon si Zack. Nakatingin din ito kay Slade.
"Kanina ka pa?"
Umiling siya. "Kararating lang. Tama nga ang balita ko, tinatry niya ulit."
Bumalik ulit ang tingin ko kay Slade. "Alam kong malalagpasan niya din 'to."
"I'm really sorry for hiding this. Siya ang nagsabi na 'wag sabihin sayo. Ang sabi pa nga niya, there's no way can escape this. Kaya anong silbi pa para malaman mo. Isa pa, iiyak ka lang daw at susuko karin bandang huli."
Napatingin ako sa kanya. Nakatingin parin ito kay Slade. "Pero nagkakamali siya doon."
Napatingin na ito sakin.
"After kong malaman 'to, nagkaroon ako ng rason para tumayo muli sa tabi niya. Mas lumakas pa ako dahil dito. Hangga't alam kong lalaban siya, lalaban din ako para sa kanya."
Nginitian niya ako. "I know. Ikaw na ikaw nga yan. And yes, iyakin ka nga pero hindi sumusuko basta basta.
Napatingin ulit ito kay Slade. "Ilang ulit ko sa kanya pinaliwanag 'yon pero hindi siya nakikinig kahit isa samin kaya patawarin mo kaming lahat."
Tumingin ulit ito sakin. "This is the first time na nakita ko yung takot at mahinang Slade. Ikaw yung weaknesses niya but at the same time ikaw rin yung nagiging lakas niya. He's really damn in love with you. Hindi ko talaga akalain matatalo niya ako sayo!"
"Zack?"
Napatawa ito. "Just kidding. Well, I'll go now. Maica is waiting for me."
I see.
Ngumiti ako sa kanya. "Hindi ka ba muna magpapakita kay Slade?"
"Nope. Papaalisin din niya ako. Ayaw niya may bumibisita sa kanya unless si Xavier 'yon. Lucky, you must watch Xavier. He's going to steal your man."
Napapalo ko siya sa braso. "Siraulo ka!"
"Aray! Brutal kana talaga." hinimas lang niya yung pinalo ko sa kanya.
"Alam kong pinapakia mo sa kanila na malakas ka..." Tinulak niya ako ng hintuturo lang at agad akong napatumba at napasandal sa pader.
"But deep in side you are weak. You are afraid." pagpapatuloy niya.

BINABASA MO ANG
I Married my Halimaw - Book 2 (Completed)
Roman d'amourNOTE: Kung hindi mo pa nababasa ang I Married my Maid, hindi mo pa ito maaaring basahin dahil ito ay ang book 2. Maguguluhan kayo kung sakaling ito ang uunahin niyong basahin. Basahin muna ang I Married my Maid bago ito. Ang nasabing story ay makiki...