Chapter 16: Set me free
Lucky's POV
Masaya akong bumango sa kama. Nag-unat unat pa ako bago tumayo. Nakita ko nalang nasa lapag yung teddy bear na bigay ni Lhunar. Dinampot ko ito.
"Bakit nandito 'to?"
Siguro nalaglag ko nung natutulog pa ako. Maayos kong nilagay ang teddy bear sa kama bago lumabas ng kwarto at nagtungo sa banyo para maghilamos. Naabutan ko si Jenny at iba pang maid na naghahanda ng almusal.
Isa isa nila akong binati. Napaupo na ako sa upuan dahil katam na katam na akong kumain.
"Si Slade?" tanong ko.
"Ay maam umalis po si sir. Sinundo po ulit siya ni maam Tracy."
Napakuyom ako.
"Ah ganun po ba. Mga anong oras sila umalis?"
"Kanina pa pong umaga. Mga 6 po."
8:58 na at halos mag-aapat na oras na pala siya umalis... sila umalis.
Inaya ko nalang mag-almusal ang tatlong maid. Kahit wala akong ganang kumain pinilit ko parin ang sarili ko dahil ayoko naman na madamay pa si baby dahil sakin. Habang kumakain kami bigla nalang nagsalita si Mara.
"Sabi rin po pala ni sir na kung aalis ka magpaalam ka daw po sa kanya."
Mukhang nakalimutan na ni Slade na may lakad kami. Araw ng check up ko ngayon tapos wala siya. Parang kagabi lang ang linaw ng usapan namin tapos siya 'tong hindi sisipot. Oo may part sakin na natatampo ako. Nakakainis lang.
"Maam, hindi naman sa nanghihimasok ako pero sino po ba si maam Tracy? Halos lahat po kasi kami dito nagtataka."
Sino nga bang hindi magtataka sa set up namin ni Slade. Halos dalawang linggo na ako dito at ang alam nila buntis ako sa halimaw na yun pero may relasyon sila ni Tracy. How stupid I am diba.
"Oo nga po maam at saka dito narin po minsan nakikitulog si maam Tracy pag-gabi na sila nakakauwi."
Bigla ko nalang nabitawan yung hawak-hawak ko kutsara at tinidor.
"Dito nakikitulog si Tracy? Kailan pa?"
"Opo maam, yung mga araw na gabi na po sila nakakauwi. Tulog na po kayo nun. Sa totoo lang po nahihiya lang kami magsabi sayo kasi baka—"
"Sa kwarto ba ni Slade natutulog si Tracy?"
"Opo maam."
Nakaramdam ako ng hapdi sa mata ko at nagsisimula na itong magtubig. Sa mga oras na masarap ang tulog ko sa gabi, sa mga gabi na nagpapahinga ako, sa mga gabi na wala akong kamalay-malay may ganto palang nangyayari. Noong kami pa ni Slade hindi ko nagawang matulog sa kamay niya at lalong na yung tabi kami. Sobrang sakit.
Ang sakit
Hindi ko na nagawa pang sumagot sa tanong nila at mukha naramdaman nila yun na ayaw ko nang ipagpatuloy ang usapang yun. Tahimik nalang silang kumain sa tabi ko. Nawalaan na ako nang ganang kumain, pero pinilit ko parin kumain para kay baby.
Matapos namin kumain tumungo ako sa kwarto ko at naghanap ng malaking bag para sa mga gamit at damit kong pinadala nila mama dito. Uuwi na ako samin. Ayoko ng gantong set up.
Nagsimula na akong mag-impake ng damit. Dinampot ko ang phone ko sa tabi at dinial ang number ni kuya pero bago pa 'to magring i-end call ko ito. Bigla akong nag-alala sa kung anong gagawin ni kuya kay Slade. Ayaw ni kuya kay Slade kaya baka kung ano pa ang magawa niya sa halimaw na yun.

BINABASA MO ANG
I Married my Halimaw - Book 2 (Completed)
RomanceNOTE: Kung hindi mo pa nababasa ang I Married my Maid, hindi mo pa ito maaaring basahin dahil ito ay ang book 2. Maguguluhan kayo kung sakaling ito ang uunahin niyong basahin. Basahin muna ang I Married my Maid bago ito. Ang nasabing story ay makiki...