Chapter 1: Service

4.5K 50 1
                                    

Chapter 1: Service

Lucky's POV

    "My god! Hindi kaba magkukwento?"

Umiling ako.

     "Ang damot naman."

Masama na bang maging makasarili minsan. Kung hindi, masaya na akong sarilihin yung masasayang pangyayari sakin... samin.

     "Did I missed something? Pakiramdam ko may nangyari pa na hindi ko alam."

     "Sino ba kasi may sabihing maglasing ka, Av?"

Napahawak siya sa magkabilaang balikat ko. "So meron nga? Tell me!"

Ngumiti lang ako sa kanya at nagbikit-balikat. Dahan dahan niyang tinanggal ang kamay niya sa magkabilaang balikat ko.

Nakasimangot na siya. "Ang daya naman. Kung alam ko lang na may nangyari hindi ako magpapakalasing ng ganun."

Tumingin ako sa bintana. "Nangyari na ang nangyari." 

Mag-iisa't kalahating oras na kaming nagbabiyahe papunta sa hotel na kung saan gagawa kami ng practical performance. Isa't kalahating oras narin ako kinukulit ni Av na magkwento kung anong nangyari noong nalasing at inuwi siya ni Justin. Isa't kalahating oras narin akong hindi nawawalaan ng ngiti sa mga labi. 

Paano bang hindi ako mapapangiti sa mga nangyayari matapos ng party na yun? Ako na ata ang pinakamasayang babae sa lahat. 





Hinawakan niya ang mga kamay ko. Tumingin ako sa kanya, nakatingin lang ito sa mga kamay ko bago tumingin ng diretso sa mga mata ko. 

     "Hindi mo alam kung gaano mo ako napasaya ngayon, Lucky." 

Pinisil ko ang kamay niya. "Ako rin. Sobra sobra mo akong napasaya, Slade."

Nagulat na naman ako sa biglaan paghalik niya sakin. 

     "Hoy! Sumosobra kana ah!" 

Nakita ko siyang ngumiti. "Natuwa lang ako kasi hindi na halimaw tawag mo sakin."

Bahagya ko siyang tinulak palayo sakin at tumalikod sa kanya. "Matutulog na ako."

Pinikit ko na ang mga mata ko. Matapos ng party na yun inuwi ako ni Slade sa kanila. Nag-iwan lang ako ng message kay mama na sa kaibigan ako matutulog dahil gabi na rin. Pero ang totoo, ayaw ako inuwi ni Slade sa bahay. Dahil mamimiss daw niya ako. Dahil pakiramdam niya marami pa kaming pag-uusapan. Dahil gusto niya akong makasama pa, kahit ngayon gabi lang.

Hindi ko nagawang tumanggi, dahil ito rin yung mga nararamdaman ko sa mga oras na 'to.

Narinig ko ang mahinang pagtawa niya. "Matutulog kana ba talaga?" 

Hindi ako sumagot. Muli niya akong tinanong pero 'di parin ako sumasagot. Napatawa nalang ako ng malakas dahil sa pagkiliti niya sa tagiliran ko. 

     "T-tumigil ka—hahaha! Isa—haha!"

     "Yan ang punishment mo sa 'di pagsagot sakin."

Nagpaikot ikot nalang ako sa kama dahil sobrang galing niyang hulihin yung mga kiliti ko. 

     "Tama na—hahaha!"

     "Wala akong naririnig."

Sinubukan kong tanggalin yung mga kamay niya sa tagiliran ko pero di ko nagawa dahil agad niyang hinawakan ang magkabilaang kamay ko at inangat niya pa ito nakalebel ng ulo ko. Sinubukan ko siyang sipain pero agad siyang bumangon at inipit niya ito sa mga binti niya. 

I Married my Halimaw - Book 2 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon