Chapter 8: Feelings
Lucky's POV
Napuno nang tawanan ang hapag kainan at dahil ito kay Ayesha. Samantalang ako ay tahimik na kumakain. Kahit wala akong gana pinilit kong kumain ng konti para hindi nakakahiya. Baka sabihin pa nila na hindi ko gusto ang pagkain.
May sariling mundo din yung dalawang taong nakatapat ko. Sa tuwing naririnig ko siyang tumatawa kay Tracy hindi ko maiwasan na tignan siya. Sobrang sakit para sakin na ang saya saya niya sa iba at hindi sakin.
Sobrang labo para sakin kung ano ba ang puno't dulo ng away namin at naging ganto kami ni Slade. Gusto ko nalang siya hatakin palabas para lang makausap ko siya kung anong problema namin.
Naramdaman ko ang paghawak ni Lhunar sa likod ko.
"Ok ka lang?"
Tumango ako sa kanya. "Ok lang ako."
"Are you sure? Hindi mo maubos ubos yung pagkain mo. Ayaw mo ba yan?"
Napansin rin pala niya.
"Wala 'to. Wala lang akong gana." sagot ko.
Bumalik ulit ang tingin ko sa kanila, inaasahan ko na titingin siya sakin dahil kilala ko siya. Napakaseloso niya. Pero nagkamali ako. Nakikipagtawanan parin siya kay Tracy. Napasunod sunod ang subo ko ng pagkain.
"Oh akala ko ba wala kang gana?" natatawang sabi niya.
"Bigla akong ginanahan. Ang sarap ng foods niyo." nakangiting sabi ko.
Slade, ano pa ba ang aasahan ko sayo?
Bigla akong napatigil nang magtanong ang mama ni Lhunar.
"Kailan niyo gusto magpakasal para nang maready na ang lahat." nakangiting sabi niya.
Dahan dahan akong napatingin sa unahan na kung saan nandoon siya nakaupo. Nginitian ako ng mama ni Lhunar kaya sinuklian ko rin yun ng ngiti. Hindi ko alam kung nagawa ko nga ng maayos ang pag ngiting 'yon.
Nagulat ako sa paghawak ni Lhunar sa kamay kong nakahawak sa kutsara kaya naman nabitawan ko ito.
"Pag maayos na ang lahat ma." sagot niya sa kanyang ina.
Kumunot ang noo ng mama niya. "Bakit meron pa bang kailangan ayusin?"
Umiling si Lhunar at napatingin sakin. "She's a student mom. Siguro pagkagraduate na niya. Hindi naman ako nagmamadali ng kasal."
Sobrang seryoso ni Lhunar ngayon. Sobrang galing niya umarte. Hindi ko tuloy alam kung totoo ba 'to o arte lang.
"Gagraduate kana diba Lucky?"
Napatingin ako sa mama ni Lhunar na hanggang ngayon hindi ko matandaan ang pangalan niya. Una sa lahat 'di ako interesado kaya nakalimutan ko.
"Opo, next year."
"Ikaw narin pala ang mamana ng hotel at restaurant ni madam then may kasal pa. How exciting." masigla sabi ng mama niya.
Bakit pakiramdam ko yun lang ang habol nila sakin? Dahil ba sa ako na ang maghahandle ng business ni mom kaya gusto nila na ikasal ako?
Nagulat kami sa pagtungtong ni Ayesha sa upuan niya habang nakataas ang kamay niya na may hawak pang tiniro.
"I'm the flower girl kuya ah!" masayang sabi niya.
Hindi tuloy namin mapigilan hindi tumawa pwera sa lalaking katapat ko.
BINABASA MO ANG
I Married my Halimaw - Book 2 (Completed)
RomanceNOTE: Kung hindi mo pa nababasa ang I Married my Maid, hindi mo pa ito maaaring basahin dahil ito ay ang book 2. Maguguluhan kayo kung sakaling ito ang uunahin niyong basahin. Basahin muna ang I Married my Maid bago ito. Ang nasabing story ay makiki...