Chapter 32: Suitable
Lucky's POV
Sa gitna ng naglalakasan tugtugan. Sa mga nag-gagandahang ilaw sa paligid. Sa gitna ng mga nag-iindakang bisita. Sa gitna ng masasayang tawanan, batian at kwentuhan. Sa gitna ng matatamis na kainan. Sa mga hampas ng tubig sa dalampasigan kasabay ng pag-ihip ng malamig na hangin. Hanggang sa lamunin ng dagat ang araw at siyang pinalitan ng buwan na nagsisilbing liwanag sa gabing ito kasabay ng mga bituin nagsulputan sa itaas.
Sa mga oras na ito, gulong gulo ang aking isip. Imbis na sumali sa pagdiriwang ng aming kaarawan heto ako naglalakad papunta kay Av. Nagtataka ang ilang taong nadadaanan ko dahil sa luhaan kong mukha. Nang makita ko ang table nila, bakas sa mukha nila ang pagkagulat. Tumayo pa sila nang makalapit ako kay Av.
"Hey what's wrong?"
Kahit nanginginig ang kamay ko, sinubukan ko paring hawakan ang kamay ni Av.
"A-Av..." hikbi ko. "Tulungan mo 'ko."
"Oo tutulungan kita kung ano pa yan basta 'wag kana umiyak." natataranta na si Av.
"Anong nangyari Lucky? Bakit ka umiiyak?" Bakas rin sa mukha ni Maica ang pagkagulat.
"She knows the truth." Boses yun ni Lhunar. Tumalikod ako at nakita ko silang tatlo. Sinundan pala nila ako.
"What?!" bulyaw ni Zack.
Napangisi akong tumingin kay Zack. "Alam mo rin ito, hindi ba?"
Lumapit siya sakin pero umiwas lang ako ng tingin sa kanya.
"I'm sorry Lucky pero—"
"Tama na please." Tulo lang ng tulo ang luha ko.
"Tama na... Sawa na ako makarinig ng sorry." Kahit nanlalabo na ang mata ko dahil sa mga luha ko, tinignan ko parin si Av.
"Pahiram muna ng kotse mo please."
"I'll take you there." Nakita ko si Justin. Hindi ko alam kung anong oras siya nakapunta dahil hindi ko naman siya nakita kaninang kasama ni Av.
"Kaya ko na." agad kong sabi sa kanya.
"Pero—"
"Please Av..."
Inabot niya sakin yung susi ng kotse niya at saka ako tumakbo palabas. Narinig ko pa ang pagtawag nila sa pangalan ko. Kahit si mama ay narinig ko rin.
"Amie saan ka pupunta?"
Napatigil ako nang makita ko si Euan sa harapan ko. "Are you ok?"
Umiling ako sa kanya at sabay lagpas sa kanya. Ayoko muna makipag-usap kanino, feeling ko kasi lahat sila ay niloloko ako. Dahil sa kagagawan nila pati rin si Euan nadadamay ko na.
Hindi ko dala ang kotse ko kaya si Av agad ang naisip kong puntahan. Hindi ko naman pwedeng gamitin yung kotse namin dahil alam kong pipigilan nila ako. Pinaandar ko agad paalis ang kotse.
Sa bawat pagtakbo ng mga kotse sa daan. Sa bawat paglagpas sa mga lugar. Sa bawat paghinga ko. Sa bawat lagluha ko. Sa bawat araw at buwang nagdaan sa akin. Sa gabing ito, hindi ko namamalayan na may isang taong nakalatay sa higaan. Hindi makalakad, hindi na maramdaman kung anong pakiramdam ang ang yumapak sa daan, hindi na mararanasang makapunta sa mga lugar dala ang paa. Hindi na lumalaban hanggang sa palala nang palala ang kondisyon. Naghihintay nalang ito sa kanyang pagpanaw.
Napapalo ako sa manibela ng maipit ako sa traffic. Napatingin ako sa phone kong walang tigil sa kakatunog. Nilagay ko lang ito sa likod. Napayuko ako sa manibela. Damang dama ko parin yung mga luha ko sa pisngi na hindi parin humuhupa. Nang lumuwag na ang kalsada, pinaandar ko muli ang kotse pero naipit na naman dahil inabutan na ako ng rush hour. Kung kailan malapit na ako. Tumingin ako sa gawing kanan ko. Nakakita ako ng parking lot kaya inikot ko ang manibela papunta doon at saka nagpark. Dali dali akong bumaba ang tsaka tumakbo.

BINABASA MO ANG
I Married my Halimaw - Book 2 (Completed)
RomanceNOTE: Kung hindi mo pa nababasa ang I Married my Maid, hindi mo pa ito maaaring basahin dahil ito ay ang book 2. Maguguluhan kayo kung sakaling ito ang uunahin niyong basahin. Basahin muna ang I Married my Maid bago ito. Ang nasabing story ay makiki...