Chapter 12: Race to get you

1.3K 33 2
                                    

Chapter 12: Race to get you

Lucky's POV

     "Your what?"

     "I'm preg—"


Isang malakas na dalabog ng pinto ang umalingaw kasabay ng pagsigaw ng isang babae.

     "Slade! What are you doing here? Nasa pambabaeng cr ka."

Parehas kaming napatingin sa pintuan. Nakatayo doon si Tracy. Tumalim ang kanyang tingin nang makita niya ako sa likuran ni Slade. Lumapit ito kay Slade hinawakan niya ang braso nito at hinatak na palabas ng cr. 

Hindi na niya nagawa pang lingunin ako o kahit isang salita man lang bago niya ako iwan, ulit.

Humarap ako sa salamin at pinagmasdan ang sarili doon. May luhang bumagsak, agad ko itong pinunasan. Pansin ko nagiging madamdaming tao na ako. Paiba iba ng emosyon, siguro ito talaga ang epekto nito.

Naiinis ako sa kanya. Hindi man lang niya ako pinakinggan. Hindi man lang niya ako pinatapos, bigla bigla nalang siya sasama kay Tracy nang hindi ako nililingon o kinausap na aalis na siya. Gusto kong sisihin siya sa lahat nang nangyayari sakin. Pero alam kong may mali rin ako. 

Bakit ba pinabayaan ko ang sarili ko? Bakit ko ba siya pinabayaan na may mangyari saming dalawa? Sobrang lulong ako sa kanya. Sobrang mahal ko siya kaya naibigay ang lahat lahat sa kanya, kaya ngayon ubos na ubos na ako. 

Napatingin ako sa tiyan ko at sinimulan ko itong suntukin. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

     "Walang kwenta ang ama mo!" sigaw ko kasabay ng pagbuhos ng luha ko.

Pinangakuan niya ako na ako lang. Pinangakuan niya ako na ako ang makakasama niya habambuhay, na ako ang papakasalan niya pero ano 'to?

     "What the heck you doing Lucky?!"

Pumasok si Maica sabay pigil sa pagsusuntok ko sa tiyan ko. Sinubukan ko alisin ang kamay niyang nakahawak sakin.

     "Enough Lucky! Stop hurting yourself!"

     "No... Ito!" sabi ko sabay turo sa tiyan ko

     "Pinapahirapan ako nito Maica. Hirap na hirap na ako. Ayoko nito." sinubukan ko parin magsalita nang maayos kahit basag na ang boses ko dahil sa mga luha ko.


Hindi naman ako ganto noon. Gusto ko nang bumalik sa dati.


Nakita ko rin ang pagpasok ni Angel sa loob ng cr.

     "What happen?" agad na tanong niya.

     "She's trying to hurt herself."

Niyakap ako ni Angel kaya hindi ko na nagawa ang pagtangkang saktan ang sarili ko.

     "I told you to be strong diba. Walang kaalam alam ang baby mo dito. Hindi mo ba alam na sinusubukan niyang mabuhay diyan sa sinapupunan mo. Tumitibok ang puso niya diyan, but what are you doing? You want to hurt the baby, you want to kill the baby because of that jerk?"

Naiyak nalang ako sa mga bisig niya. "Hindi..."

Hindi ko alam kung bakit ko nagawang saktan ang sarili ko, saktan ang baby ko. Sobra akong nadala sa emosyon ko. Hindi ko intensyon na saktan ang baby ko, sino bang tanga nanay na papatayin ang sarili anak. 

Nang medyo mayos na ang pakiramdam ko. Lumabas na kami ng cr. Hindi na nila ako iniwan, hindi rin nila inalis ang tingin sakin matapos nang pangyayari na 'yon. Bumalik kami sa pwesto namin at nakita ko na nandoon si Lhunar. Tumabi ako sa kanya kaya napatingin ito sakin.

I Married my Halimaw - Book 2 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon