Chapter 1

601 16 0
                                    

Prologue.

Naranasan mo ba bang magkaroon ng girlfriend?

Yung super GANDA.....

Super SEXY.....

Super HOT....

Pero super DEMANDING.

super SAKIT SA ULO.

at higit sa lahat....

SUPER HAROT???

****

Chapter 1.

~ KAI'S POINT OF VIEW ~

"Checkmate."

"Grabe bilib talaga ako sayo hijo. Di talaga ako mananalo sayo."

Napangiti na lang ako. Kalaro ko ngayon ng chess si Mr. Chairman. Yan na kasi ang nakasanayang tawag sa kanya ng lahat. Mr. Gabriel Fernandez ang totoo nyang pangalan. Napakayaman niyang tao.  Sya ang may ari ng pinakamalaking company ng mga cosmetics products dito sa Pilipinas at sa ibang bansa. Ang G&B Cosmetics. Meron din silang iba't ibang resorts at restaurants.

"Kai." Tawag nya.

"Bakit po Mr. Chairman?" Tanong ko habang nililigpit ang mga chess pieces.

"Uuwi na sya." Ang tinutukoy nya ay ang kanyang anak na nasa America. Nakangiti sya habang sinasabi nya iyon na para bang sabik na sabik sya sa pagdating ng anak.

Ang Papa ko ang secretary ni Mr. President. 30 years nang nagtatrabaho ang papa ko sa kanya.Napakabait nya. Hindi sya matapobre o mayabang tulad ng ibang mayayaman. Madalas ay dinadalaw ko sya dito sa bahay nila para hindi sya mabored pag wala syang ginagawa. Itunuturing ko syang pangalawang ama dahil napakabait nya sa akin at sa pamilya ko.

"Kelan po ba sya darating?" tanong ko.

Mas lalong lumawak ang ngiti nya.

"Bukas."

"Ahhh."

"Pwede bang ikaw ang sumundo sa kanya?"

"Ayos lang po."

Hindi ko kayang humindi sa kanya.

"9 am ang dating niya."

Tinignan ko ang malaking relo na nakasabit sa dinding. Alas otso na pala. Tumayo na ako.

"Kailangan ko na pong umuwi." Paalam ko.

Tumango naman sya. Yumuko muna ako. Tanda ng pag galang.

"Mr. Fernandez."

Pareho kaming napalingon sa lalaking nakatayo sa pintuan. Tss. Si Jim.

"Oh Jim halika." tawag sa kanya ni Chairman.

Habang naglalakad siya palapit kay Chairman ay huminto muna siya sa harap ko. Tumango siya sakin. Hindi ko naman iyon pinansin. Ewan ko ba. Basta maiinit ang dugo ko sa lalaking to. Ang angas kasi ng dating eh.

Nilagpasan niya na ako at nagtungo kay Chairman. Ako naman ay lumabas na sa silid na yun. Alam ko naman ang pag uusapan ng mga yun eh. Natural, business.

****

Pagkauwi ko ay napansin kong bukas ang ilaw ng katabi naming bahay. May bagong lipat? Aish. Eh ano naman.

*peep peep*

(busina ng motor)

Ilang segundo lang ay bumukas ang gate at sumalubong ang nakangiting babae.

"Good evening anak!"

"Good eve ma."

Binuksan niya ang gate at ipinasok ko na ang motor ko para ipark sa garage.

Napalingon uli ako sa bahay na katabi namin.

"May lumipat na diyan Ma?"

"Ah oo. May bagong lipat.Mabuti nga para magkaroon tayo ng bagong kapitbahay."

"Ahh. Si Papa pala sa makalawa pa ang uwi. Meron pa siyang inaasiko sa Japan. May bagong branch ng G&B cosmetics doon."

"Ohhh ganoon ba. Uy samahan mo ako at iwewelcome ko pa yung bago nating neighbor halika dali."

"Bukas na lang Ma. Gabi na oh. Baka tulog na yun. "

"Sa bagay tama ka. Sige na nga bukas ko na lang siya iwewelcome. Magluluto ako ng marami bukas para sa dinner nang mabigyan ko siya."

"Matutulog na ako Ma."

"Okey sige good night sweet dreams. Mwuaah mwuaah chup chup."

Aish. Si Mama talaga.

Nang makarating ako sa kwarto ko ay napasalampak ako sa kama.

Excited na akong makita siya ulit. It's been 3 years since she went to America. Uuwi na siya. Uwi na si Rachel. Napangiti ako. Alam kong mukha akong baliw pero masaya lang talaga ako dahil uuwi na ang babaeng gusto ko. Pero agad ding napawi ang ngiti ko. Kahit nga pala umuwi siya ay wala rin namang magbabago. I like her but I can't tell her what i feel. Hindi dahil sa torpe ako. Hindi ko masabi dahil siya lang naman ang anak ni Chairman. Isa pa alam ko naman na walang gusto sa kin si Rachel.

"Rachel.." Hindi ko maiwasang banggitin ang pangalan niya.

(A/N: thanks for reading. Sorry for.typos, at wrong grammar kung meron. Next chapter na!Vote and comment please..)

Ang Syota Kong HarotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon